Out of Sight: 03

51 2 0
                                    

Na-confirmed na ang lahat, naipakalat na na totoo ngang may namamagitan kay Nayeon at Minhyuk. Palagi namang ganito, isa or dalawang linggo lang ang itinatagal nila.

Nasa usapan naman nila yon, ang malala nga lang. Yung isa or dalawang linggo nyong publicly in a relationship ay di na kayo pwedeng magkitang dalawa. Parang oras na mabuking kayo ng agency nyo, i-consider nyo nang break up yon.

Like what Enuwoo did, Nayeon chose Twice over Minhyuk. Nadinig ko ngang pinili ni Minhyuk si Nayeon kaso, si Nayeon ang umayaw. I guess I am Minhyuk in their short term love story.

It's been a week simula nang magbreak kami ni Eunwoo. Kagaya nya ay nagfocus na rin lang ako sa trabaho. Nagfocus din ako sa sarili ko, inalagaan ko na yung mukha ko hindi na para kay Eunwoo, kundi para na sa sarili ko.

"Nayeon? Kain ka muna, magiging maayos din ang lahat." Malambing na sabi ni Jihyo habang si Nayeon ay tulala lang.

Broken din ako pero hindi ako naging tulala kagaya ni Nayeon. Nagkulong din ako sa kwarto ko ng 2 days pero di naman nagtaka yung iba, naka-focus kasi sila kay Nayeon.

Alam kong may alam si Jihyo at napapansin nya ang mga kilos ko pero di na lang nya binabanggit dahil malalaman pa ng iba.

Every night akong umiiyak, thank God at hindi nila narirnig kasi siguradong uulanin ako ng tanong.

"Dahyunie, naaawa na ko kay Nayeon." Bulong ni Sana sakin na katabi ko lang, buntong hininga lang ang itinugon ko sa kanya.

"Ano naman ngayon kung di kayo nagkatuluyan? Alam mo kung kayo talaga, magtatagpo at magtatagpo kayong dalawa. Masaya ka naman na kami ang pinili mo diba?" Sabi ni Jeongyeon habang nakahawak pa sa magkabilang balikat ni Nayeon.

"Nandito pa naman kami Nayeonie, love ka naman namin no matter what." Dagdag pa ni Mina.

"Smile na unnie?" Sabi naman ni Tzuyu.

Agad namang napaluha si Nayeon kaya naman lumapit ako at niyakap sya. Alam ko kahit papaano ang nararamdaman nya. Sunod ko namang naramdaman ang yakap nila na mas lalong nakapag-paiyak sakin.

I love them, so much!

"Tara kain na tayo? Baka lumamig pa yung jokbal na pinadeliver ko." Pabirong sabi ni Momo habang nagpapahid ng luha.

Sabay-sabay kaming kumaing lahat for the first time after 2 weeks. Next month may meeting kami dahil malapit na ang comeback namin at pag-uusapan na ang concept namin.

"Hoy ang takaw mo talaga Momo!"

"Anong ako lang? Si Dahyun din naman ah!"

"Excuse me! Maganda naman!"

"Nako Dahyun, mahiya ka nga sa tulad kong dyosa."

"Hoy tumahimik nga kayo, kumakain tayo oh."

Matapos non ay nagturuan naman kami kung sino ang maghuhugas. And in the end natalo si Tzuyu and Chaeyoung.

Pumasok agad ako sa kwarto ko para makatakas. Hehe, galawang ninja mga dai!

Pagpasok ko, nakita ko yung cellphone ko na umiilaw sa ibabaw ng side table ko. Sino naman ang tatawag sakin ng ganitong oras?

Once na makita kong may 3 missed calls at messages yung unkown number ay binasa ko yun agad.

Unknown number:

Hi Dahyun! Ready for the treat?

Sagutin mo yung mga tawag ko

Uyy, tulog ka na ba?

Haist! Si Jimin to, magreply ka na dali, harmless ako no!

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon