Out of Sight: 17

46 3 0
                                    

Nagkaka-usap na lang kami ni Jimin sa tuwing bumabalik sila dito sa Korea ang kaso thru phone calls and text lang. Kapag nasa ibang bansa naman sya ay bihira kaming nag-kakausap.

Naging busy din naman ako kaya di ko masyadong iniinda yung pag-alis nila. After ng madaming live shows, nagkaroon din kami ng endorsement, meron ding invites sa mga variety shows.

Tulad ngayon, may variety show akong pupuntahan. Sa show na to, required kang umarte based sa mabubunot nyo and of course bunutan din sa magiging partner mo.

Kasalukuyan na kaming nagfi-film at computer pala ang magsasabi kung sino ang magiging partner mo. It only means na may dayaang magaganap. Kasama ko pa naman dito si Eunwoo.

"Alright, oras na para ma-reveal ang first couple natin...." sabi ni Mr. Kim, host ng program. "First couple, Jaebum and Seolhyun! Chukahamnida!"

"And for the next couple... Wonpil and Eunha!" Six people lang kami dito, so malamang wala nang surprise. Obviously kaming dalawa na ni Eunwoo ang last couple.

Pinaliwanag din ng host na kailangan naming magtabi-tabing magkakapartner. That's why lumipat si Eunwoo sa tabi ko. Sinabi din ng host na ang gagawin naming genre ng short film namin ay nasa ilalim ng inuupuan namin. At ang napunta samin ay, romance.

Tsk, sa dinamirami ng genre romance pa. Take note, ex ko po si Eunwoo. Spell awkward?

Nung araw din na yon ay binigay samin yung script, binasa namin yon at thank God walang kissing scene. Hug na ang pinaka intimate.

Magsisimula yung story, nung magtransfer si Eunwoo sa school namin. At makukuha nya ang atensyon ko dahil sa pogi nyang itsura. Just to clarify things, mas pogi po si Jimin. Ehem.

At dahil nga attracted na ko kay Eunwoo, palagi daw akong tumitingin sa kanya. Echosera, buti nga nagagawa ko ng ayos yung pinapagawa ng director.

Music class at dito na daw kami naging close na dalawa dahil magkapartner kami  in playing piano. Buti na lang marunong kami pareho. Ginabi daw kami sa pagpa-practice na dalawa, nung nasa labas na daw kami ng building ay umulan ng malakas at sabi pa nya ay may nakalimutan sya sa taas kaya hintayin ko daw sya sa ibaba.

Dito naman papasok sa eksena si Moobin, na bibigyan ako ng payong. Si Moobin ay kaibigan ko bago pa umextra si Eunwoo sa story. Tapos nagshare lang kami ni Eunwoo sa payong tapos habang umuulan umamin lang sya ng feelings nya tapos syempre umamin din ako ng feelings ko then hug scene then and ending ay masasaktan si Moobin pero magpaparaya sya para sa babaeng mahal nya.

Hindi ako kinilig, tsaka boring kaya. Habang nirereview ng director ang mga shots ay nakaupo lang ako sa assigned seats namin and worst katabi ko si Eunwoo. Busy halos lahat ng tao sa pag-aasikaso sa set.

"Kamusta ka na?" Mahinang tanong ni Eunwoo kaya napatingin ako sa kanya.

"Ayos lang. I've seen better days simula nung nawala ka." Sabi ko ng pabiro, bahagya naman syang natawa.

"Ang harsh ah."

"Hindi naman, nagsasabi lang ng totoo."

"Ako di mo kakamustahin?"

"Ay kailangan pa ba? Sorry, hindi na kasi ako interested." Kita ko namang nalungkot sya kaya agad akong nataranta, mali ba yung sinabi ko?! "Joke lang, wag ka masyadong serious. Pwede pa naman tayong maging friends diba?" Nakita ko namang nagsmile sya.

"Friends?"

"Friends." Tapos ay nagshake hands lang kaming dalawa.

Text Messaging

Istorbo:

Selos ako, kaso mas miss kita T︵T

Hug lang naman yan, nagkiss na tayo ⁄(⁄ ⁄•⁄ω⁄•⁄ ⁄)⁄

I love you and I miss you XOXOXOXO

Bilis limipad ng balita ah?

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon