Out of Sight: 02

69 5 0
                                    


"Hindi mo ba naisip na kapag tinuloy nyo ang relasyon nyong dalawa pwedeng mawala sa linya ang grupo nyo?"

Paliwanag ng manager namin, samantalang tahimik lang sa kanilang nakikinig si Nayeon unnie.

Unang dating issue to ng Twice at talagang nagalit ang manager namin. Hindi pa siguro to nakakarating kay JYP-nim kasi di pa pinapatawag si Nayeon.

"Nayeon, ngayon pa lang tatanungin na kita. Twice or si Minhyuk? Sigurado kasi ako na itatanong sayo yan ni JYP-nim mamaya kaya pag-isipan mo na ngayon pa lang."

Agad na umiyak si Nayeon pagka-alis ng manager namin. Tahimik lang kami na pinapanood si Nayeon habang si Jihyo at Jeongyeon ang umaalo sa kanya.

Malamang mahihirapan si Nayeon na magdecide. Here we go again, choosing between the living dream and the person you love.

Hindi ko alam kung paanong nabunyag sa lahat ang itinatagong relasyon nila ni Minhyuk e ingat na ingat nga silang dalawa.

"Jihyo, anong gagawin ko? Kinakabahan ako, alam kong nagpunta na si Manager kay JYP-nim." Sabi ni Nayeon habang iyak pa rin ng iyak. Niyakap lang sya ni Jihyo na ngayon ay naiiyak na rin.

"Kahit na ano ang piliin mo, tatanggapin namin. Basta kung saan ka masaya, susuportahan ka namin." Sabi ko kasi naaawa na ko kay Nayeon, mas lalo pang lumakas ang hikbi nya.

Tumayo naman kaming lahat at nag-group hug. Eksakto namang may kumatok sa pinto at nakita namin ang Secretary ni JYP-nim.

"Nayeon? Pinapatawag ka sa office ni Mr. Park."

Dahan dahang tumayo si Nayeon at bago lumabas ng pinto ay lumingon muna sya samin at pilit na ngumiti na naging dahilan ng pag-iyak ko.

Dang this world.

Ilang minuto din kaming natahimik, bago nag-ring ang telepono ko. Agad ko tong sinagot at agad napangiti nang marinig ko ang boses nya. Si Eunwoo.

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo at kinuha ang disguise ko. Bago ako tuluyang makalabas ng dorm ay may humawak sa wrist ko, "Be careful, Dahyun. Learn from this mistake." Seryosong payo ni Jihyo kaya napatango na lang ako.

Nang makarating ako sa lake side sa ilalim ng isang puno ay agad akong nakaramdam ng lamig. Walang tao dahil malamig nga dito.

"Kanina ka pa dito?" Nakangiti ko syang hinarap sabay iling. Lumapit sya sakin at naupo sa tabi ko.

Sumandal ako sa kanya at niyakap nya naman ako. Kahit papano nabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Ilang minuto din kaming nakuntento sa ganong posisyon bago sya nagsalita.

"Dahyun masaya ka pa ba?"

"Oo naman," nakangiti kong tugon sa kanya. He sighed kaya naman napakunot ang noo ko.

"What if kung itigil na natin to?" Agad akong napamulat at napaupo ng ayos. Tignan ko muna sya bago nagtanong, "Ano bang pinagsasabi mo dyan?"

"May bago akong project, gusto ko munang mag-focus don."

"You mean, sagabal lang ako sa trabaho mo?"

"Hindi naman sa ganon. At saka kung tayo, tayo naman talaga diba? Baka hindi lang ito yung tamang panahon."

Hindi ako nakakibo, kasi narinig ko yung pinaka walang kwentang excuse na narinig ko kapag nakikipag-break, "I want to stop this not because you are the problem. I am, I am the problem here. I'm sorry Dahyun."

Lumakad sya palayo sakin, pakiramdam ko bigla akong nakaramdam ng panginginig na kanina di ko maramdaman. Yung mata ko ang hapdi dahil sa mainit na likidong tumutulo mula dito.

Here we go again, choosing between the living dream and the person you love. I guess I'm not part of his dream.

And with those lame words, he ended our 6 months secret relationship.

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon