Out of Sight: 11

45 3 0
                                    

"Wow," yan lang yung nasabi ko nung makarating kaming dalawa sa sinasabi nyang tambayan nya kapag gumagawa ng lyrics ng kanta.

Maliit na bahay lang sa cliff side at mula dito tanaw mo ang buong city. May part din na open yung bubong at makikita mo dun yung stars and malalanghap mo din yung fresh air.

"Ang ganda dito Jimin,"

"Di naman, simple nga lang nito e." Sabi nga habang nakahawak sa batok nya na parang nahihiya pa. Wow, di sya nagyabang.

Ngumiti lang ako sa kanya at inilatag yung blanket na dala ko sa sahig sa ilalim nung open ceiling nya. Tinulungan nya kong mag-ayos kaya naman natapos agad.

"Niluto mo to?" Gulat nyang tanong sakin kaya natawa na naman ako.

"Sira wala akong niluto dyan. Nagpadeliver lang ako kanina, wala na kong time e. Sorry,"

"Uyy, wag kang mag-sorry basta may makain tayo." Sabi nya sabay subo ng bibimbap.

"Ikaw ba ang nagpagawa nito?" Tanong ko habang binubuksan yung beer in can.

"Hindi, binili ko lang to kasi nagandahan ako." Sabi nya tapos ay kinuha sakin yung beer in can at sya na ang nagbukas.

"Ang ganda kasi. Naiinggit tuloy ako sayo, ang yaman mo na siguro. Sikat na sikat kayo e." Sabi ko habang iniinom yung flavored beer.

"Akala mo lang yan, pinag-ipunan ko talaga to no." Tango lang ang isinagot ko bago ulit ako kumain.

"Balak mo ba talagang doon kumain sa lake side kanina? Ang lamig kaya don."

"Ahm, oo. Sanay naman na kasi ako don tapos wala pang tao."

"Hindi ba tayo magkakasakit don?"

"Hindi naman siguro, palagi naman kami doon nagkikitang dalawa di naman kami nagkakasakit." Napatingin ako sa kanya kasi bigla syang tumahimik at natigilan.

"Ayos ka lang?"

"Ibig sabihin palagi kayo doon nagkikita ni Eunwoo?" Dahan dahan akong tumango sa kanya.

"Haist! Ibang klase, nagtyaga kayo don?! At natiis ka ni Eunwoo kahit na nilalamig ka na?" Hindi sya makapaniwala at feeling ko frustrated pa sya hinawi nya yung buhok nya at tinignan ako.

"Ano ngayon ang mas better, doon sa lake side or dito sa cliff side?"

"Tss, mayabang ka pa rin"

"Hindi ako mayabang, sinasabi ko lang na dapat sayo yung better hindi yung magtitiis ka sa lamig don." Tinawanan ko lang sya kasi ang OA nya.

"Tinatawa mo dyan? Walang nakakatawa okay? Tapos dun mo pa ko balak pakainin ng dinner, pinupuntahan nyo yun ng ex mo ah? Tss." Mataray nyang sabi kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya at kumain na lang ulit.

"Mas masarap ka palang kausap in person, nakikita ko kasi yung facial expressions mo." Sabi nya nung matapos kong tumawa sa joke nya.

Pareho na lang kaming nakaupo at tinitignan yung stars sa labas. Nakakarelax yung ganito, feeling ko work free and stress free ako.

"Dahyun?"

"Hmmh?"

"Ano bang nagustuhan mo kay Eunwoo?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong nyang yon, "Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang curious lang,"

"Then secret." Sagot ko sabay inom ng flavored beer.

"Haist, ano kasi yon. Sabihin mo na." Pamimilit pa nya, hawak hawak pa nya yung braso ko at inaalog ako. Feeling ko tuloy dahil sa ginagawa nya ay nalalasing na ko.

"Secret nga kasi, bigyan mo ko ng valid reason para sabihin ko sayo."

"Gusto kasi kitang ligawan, pwede ba?"

Pagkasabi nya non, naininom ko straight yung isang lata ng alak na hawak ko. Swear.

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon