Out of Sight: 13

44 4 0
                                    

"Thank you for this daesang, for giving it to us. Manager and JYP-nim thank you for being there no matter what. And of course Once! Our Once, that always supporting us, in votings and video viewings. Twice loves you all, forever. Once again, thank you!"

Natapos na ang pagpapasalamat ni Jihyo at ipinasa na nya kay Namjoon yung mike para BTS naman ang mag-speech. Another daesang na naman, unexpectedly nareceive namin to. Thanks to Once out there.

Kita ko ang pagsenyas ni Jimin, senyales na magkikita na naman kami sa hide out nya. I just tugged my ear too as my response.

Isang linggo din ako pinilit ni Jimin na magpaligaw sa kanya and napilit naman nya ko. Ngayon pinayagan ko na talaga sya, nabibilisan kasi ako sa mga pangyayari between us.

Isang buwan pa lang simula ng maghiwalay kami ni Eunwoo, tapos ngayon si Jimin naman ang nanliligaw sakin. Ang weird lang kasi sa feeling, diba may 3 months rule pa na tinatawag?

Kaso ang kulit kasi ni Jimin e. Oras oras syang nagtetext, hindi ko na nga nirereplyan madalas kasi baka makahalata na sila Sana. Lalo na si Jihyo, sya lang ang nakakaalam ng tungkol samin ni Eunwoo. Thanks God, kasi di nya sinabi yon sa manager namin.

9 pm ako umaalis ng dorm kasi sure akong tulog na ang iba ko pang kasama. Madalas ay 9pm - 12 am lang kaming magkasama ni Jimin. Malapit na ang comeback nila, kaya sabi nya gusto na nyang sulitin.

"Dahyuniee, pwede bang tabi tayong matulog mamaya?" Tanong ni Sana sakin habang nakapout pa. Napangiwi ako kasi aalis ako ng 9 pm.

"Ahm, pag-iisipan ko muna" sabi ko habang pinupunasan ko yung kamay ko dahil kahuhugas ko lang ng plato.

"Ah waeee?! Dati naman oo ka na lang agad ih!" Sabi nya na parang nagmamaktol, ugh, kyeopta.

"Eh bakit kayo lang dalawa? Sama ako!" Bigla namang sumulpot si Momo na nakasuot na ng pantulog.

"Hindi pwede! Hindi na kasya sa higaan ni Dahyuniee" nakapamewang na sagot ni Sana.

"Anong nangyayari dito?"  Si Nayeon naman ang sumulpot at nagbukas ng bottled water.

"Overnight in Dahyun's room!" Sagot ni Momo.

"Eh? Masikip don, doon na lang tayo sa kwarto ni Jihyo. Mas malaki, hingi tayo ng Japanese foods kay Mina. Kakapadala lang ng parents nya." Sabi ni Nayeon sabay takbo palabas, malamang kay Mina yon pupunta.

"Tara na Dahyun!" Hinila na ko ni Sana kaso ang sabi ko, magpapalit lang ako ng pantulog.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong kinuha yung cellphone ko at nagtext kay Jimin.

Text Messaging

You:

I'm sorry, nagkayayaan kasi kami ngayon nila Sana na mag-over night. Next time na lang, okay lang?

Naghintay ako ng ilan pang minuto at nakapag-bihis na ko pero di pa rin sya nagrereply. Lumabas ako ng kwarto at iniwan sa loob yung cellphone ko.

Hanggang sa matapos yung movies, bagsak na si Chaeyeong, Mina, Tzuyu at Momo. Si Sana sa tabi ko papikit-pikit na lang, si Nayeon naman at Jihyo ay magkaholding hands lang habang mangiyak-ngiyak na nakatingin sa Tv. Si Jeongyeon ay busy sa popcorn na kinakain nya.

Lumabas ako at nagpaalam na mag-ccr lang. Pero dumiretso ako agad sa kwarto ko para tignan yung cellphone ko. Wala pa ring text mula sa kanya.

Nagtatampo ba sya? Or di nya nabasa yung text ko at naghihintay sya sa hide out nya? Mygash, napaparanoid na ko, nag-oover think na rin.

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon