Out of Sight: 26

63 1 0
                                    

Since hindi pa rin nagrereply si Jimin sakin nagdecide ako na umuwi muna sa bahay sa probinsya since miss ko na sila Mama. I texted her kanina na on the way na ko.

Hindi naman kalayuan ang hometown ko mula sa entertainment namin. Almost 3 to 4 hrs drive lang.

Iniwasan kong manood ng TV kahapon maging ang paggamit ng social media accounts ko dahil trending talaga sila Eunha at Jimin. Siguro sobrang busy talaga ni Jimin kaya kahit simple welcome home wala akong nareceive mula sa kanya.

I wonder if kami kaya ni Jimin ang umamin sa public tatanggapin din kaya kami ng mga fans namin?

Bumaba na ko ng service ko at lumapit sa gate ng bahay namin. I excitedly open our gate and I was greeted with my mom's warm hug. I miss her, I miss them all!

Si mama lang ang nadatnan ko sa loob dahil umalis daw si papa at kuya para bumili ng mga prutas.

Nakaready na din ang lamesa at dessert nalang daw ang kulang. Syempre kaming lahat.

Inaya ako ni mama sa sala at nagkamustahan lang kaming dalawa. They're doing good daw at masaya daw sila sa takbo ng career ko.

"Ma, do you know BTS?" Tanong ko kay mama habang binubuksan nya ang TV. Haist, I hate Tv.

"Oo naman. Sikat na sikat kaya ang grupong yon. Diba si Jimin yung artista sa kanila na may web drama? Paborito yon ng pamangkin mo e." Kwento pa ni mama na nakapagpatahimik sakin. O-kay?

"Bakit mo naman natanong?" Pagtataka ni mama pero agad ding may sumilay na ngiti sa labi nya, "sino sa kanila ha? Ang bunso ko umiibig na." She said while giggling.

"Maaaa, wag kang maingay ah? Sating dalawa lang to ha?" Hindi ko kasi kayang magtago ng sikreto kay mama. Feeling ko niloloko ko sya kapag di ko sinabi tsaka para makapag-kwento ako sa kanya ng problema ko.

"Si Taehyung ba? Si Jin? Hoseok?" Nag-isip muna saglit si mama bago ulit nagsalita, "Si Jimin kasi mukhang okay na sila ni Eunha ba yon? Yung kapartner nya sa web drama." Updated talaga si mama sa showbiz. Kaso parang nawalan na ko ng gana sa sinabi nya.

"Bunso nandito ka na!" Sigaw ni papa mula sa pintuan, napangiti ako bigla at tumayo para salubingin sya.

"Kamusta Pa?"

"Eto minsan nagkaka- rheuma. Pero good as new pa din." Pabiro nyang sagot.

"Welcome home sis. Tara kain na tayo tawagin ko lang yung mag-ina ko." Lumabas ulit si kuya para pumunta sa bahay nila matapos iwan ang mga prutas sa sahig.

How I miss the bonding time with them. Masyado yata akong nagfocus sa career at sa love life ko. Nakalimutan ko nang may nagpapasaya nga pala sakin bago pa man ako mapunta sa kinalalagyan ko ngayon.

Matapos kumain ay nagtipon kami sa sala, just like the old days nanunood ng TV ng sama-sama habang kumakain ng dessert.

Bidang-bida yung pamangkin ko at manunood daw sya ng web drama. Hindi ako tanga para hindi malamang kayla Jimin at Eunha ang drama na yon.

Nagpatay malisya ako nung nagsimula na ang drama. Hindi ko magawang manood at alam kong napapansin yon ni mama. She's looking at me and observing me as well, kanina pa.

Natapos ang drama ng halos pigilan ko ang pagtulo ng luha ko nung makitang nagkiss ang dalawa. Kaya naman inaya ako ni mama na lumabas at alam ko na kung anong mangyayari after nito.

"Nak, si Jimin yung tinutukoy mo kanina diba?"

Nanatili akong nakatingala sa mga stars bago sya sagutin, "Oo ma, boyfriend ko na sya. Sorry kung di ko nasabi, 1 year na din po kami. And nagkakalabuan na kami simula nung nagsimula yung drama nila."

"Baka naman may dahilan sya."

"Ma, hindi nya ko nirereplyan kahit tinatawagan. Hindi na sya nagparamdam sakin after ng world tour namin. Feeling ko nawawala na sya sakin ng dahan-dahan. Ano ba naman yung isingit nya sa schedule nya ang magreply man lang saki." Niyakap ako ni mama at doon na ko naiyak. Ilang araw kong pinigilan to si mama lang pala ang makakapagpatulo ng luha ko.

"Hindi ba ko worth ng time nya? Abala na lang ba ko sa kanya?" Tahimik lang si mama na nakikinig sakin habang inaalo ako.

"Ganito ba ang pagmamahal Ma? Bakit ang unfair naman?" I said while crying, "I am still in love with him, I still trust him but I am hurting because of him too. Why is it have to be like this?"

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon