Out of Sight: 16

51 4 0
                                    

Since that night, mas naging close pa kami ni Jimin. Every night na kaming magkausap through phone calls. Palagi din syang open sakin about sa schedules nila, ganon din naman ako.

Mas naging open ako kay Jimin at aaminin ko hanggang ngayon ay kinikilig pa rin ako sa tuwing naaalala ko yung confession nya nung gabi na yon. Sabi nya hindi ko naman daw kailangang sumagot agad handa naman daw syang maghintay. Sarap balikan.

Ang kaso, kaming dalawa pa rin lang ang nakakaalam sa relasyon namin. Di ko pa rin sya sinasagot until now, humahanap pa ko ng magandang timing.

Si Mina isang linggo din syang pinagpahinga ng doctor. Tama nga si Jimin, over fatigue nga sya. Sabi naman ng doctor okay na si Mina basta nakakapag-pahinga sya ng ayos.

May usapan ulit kaming dalawa na magkikita sa hide out mamayang gabi. Buti nga at sa dinaming beses kong tumatakas sa dorm ay hindi pa ko nahuhuli. May future talaga ako as akyat bahay.

Pagkadating ko sa hide out ay nakita ko agad ang likod ni Jimin. Nakatalikod sya sa gawing pinto kaya naman nagdahan dahan ako sa paglapit at niyakap sya mula sa likod.

Hindi pa kami nito ah, remind ko lang.

"Hi, Dubu." Bati nya habang nakangiti sakin ng ubod ng lapad, "Hi, Mochi" kinikilig na naman to for sure.

"I miss you, kiss ko?"

"Tae mo kiss. Hindi pa po tayo no."

"Tss. Kelan ba kasi yon? Tsansing ka kasi agad dyan."

"Aba't! Ayaw mo?! Sige last na yan." Sabi ko sabay salampak sa tabi nya at nilayuan sya.

"Joke lang! Di to mabiro!" Inirapan ko lang sya bilang tugon.

"Dubu?" Tawag nya sakin habang magkatabi kaming nakahiga at pinapanood ang stars sa labas.

"Hmh?"

"Ano kasi,"

"Ano yun?"

"May world tour kasi kami, so... baka di ulit tayo magkita ng madalas. I heard na magtatagal kami sa U.S." paliwanag nya tapos ay tumagilid sya paharap sakin.

"Ilang linggo or buwan yon?" Tumagilid na rin ako paharap sa kanya para magkatitigan kami.

"More or less 2 months I guess,"

"Ang tagal pala."

"Sorry Dubu, babawi na lang ako pagbalik ko okay?"

Tumawa ako bago ko sya sinagot, "Naiintindihan ko, comeback na namin next week so busy na rin ako. I guess okay nang libangan ang pagpopromote."

"Di pa kami umaalis pero namimiss na kita."

"Sira, mas mamimiss kita," kita ko ang pagpula ng tenga nya kaya naman natawa na naman ako.

"Wag mo nga akong tawanan kapag kinikilig ako," reklamo nya sabay takip sa tenga nyang namumula.

"Babalik ka naman diba?"

"From world tour? Syempre naman para sayo." Banat nya sabay kindat sakin.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinitigan sya. Napangiti ako kasi naisip ko na, siguro ito na yung right timing para sa matamis kong pag-oo sa kanya.

"Park Jimin." Pagtawag ko sa atensyon nya na kahit di ko gawin ay kanina pa sya nakatingin sa bawat kilos ko.

"Yes Dubu?" Tanong nya sabay ngiti.

"May gusto lang akong ipabaon sayo bago ka umalis at sana maging dahilan din yon ng kagustuhan mong bumalik agad dito." Pagsisimula ko, kita ko naman ang pagtataka sa mukha ni Jimin.

"Ano naman yon? Hindi naman kimchi yan diba?" Umiling ako sabay ngiti.

"Gusto ko lang namang sabihin na, sinasagot na kita." Kita ko kung paanong nagbago ang facial expression nya. Mabilis din syang bumangon mula sa pagkakahiga saka nagtanong, "T-totoo ba? Hindi ka lasing tama? Wala nang bawian kasi sinabi mo na."

"Wala nang bawian, unless ikaw ang umayaw." Pabiro kong sabi, sunod-sunod naman ang ginawa nyang pag-iling, "Never. Never mangyayari yon, promise."

"I love you, Dahyun," sabi nya habang inilalapit ang mukha sa mukha ko, I smiled at him. And that night we share our first ever kiss as a couple. And the only witness is the moon and the stars above us.

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon