Out of Sight: 14

40 2 0
                                    

Ilang araw din na walang paramdam si Jimin sakin. Walang texts or calls, good morning at good night. As in, bigla na lang syang nawala.

Wala naman syang nabanggit na project nila. Ang alam ko next week pa ang start ng planning nila ng comeback nila. Haist, walang halong biro namimiss ko sya.

Pakipot pa ko dati pero, syet ngayong wala syang paramdam kahit isang text na halos mag-iisang linggo pa lang ay parang ang tagal na.

Patuloy lang kami sa pag-aaral ng sayaw namin. We need to satisfied our fans dahil matagal silang naghintay ng comeback. Haist, lagot talaga sya sakin oras na magparamdam sya.

Ganito ba ang way of courting nya? Nakakaasar kasi ang effective, namimiss ko sya. Pero wag na sana nyang ulitin kasi nalulungkot ako.

Naupo ako sa sulok ng practice room namin at ininom ang tubig sa tumbler ko. Nagkanya-kanya kami ng pwesto kasi mainit kung magdidikit-dikit kami.

"Konti na lang girls, magsasabay sabay na din tayo." Pagbibiro ni Jihyo habang nagpa-practice nung certain step na di nya ma-perfect. Wala yata syang kapaguran.

"OPX, correction lang, makakasabay ka rin Jihyo." Pagbibiro ni Nayeon kaya natawa na lang kami.

"Mina okay ka lang?" Natigil kami sa pagbibiruan dahil sa biglang tanong na yun ni Chaeyoung.

Nakita ko si Mina na, hingal na hingal habang nakatutok sa kanya yung chargeable na electric fan. Hawak hawak di nya ang kaliwang dibdib nya na para banag hirap syang huminga. To think na air condition na ang buong practice room namin.

Agad namin syang nilapitan at agad namang lumabas si Jeongyeon para humingi ng tulong. Maya-maya lang ay dumating din ang medics. Sinakay nila sa stretcher si Mina matapos bigyan ng first aid.

Kabang kaba ako habang pinapanood na buhatin si Mina palabas ng practice room. Ilang saglit pa anim na lang kaming naiwan sa practice room, nanatili lang kaming tahimik.

Sumama si Chaeyoung at Jihyo kay Mina papuntang clinic. Gusto sana naming sumama ang kaso pinagbawalan kami dahil masyado daw kaming madami.

"Magiging ayos kaya si Mina?" Ramdam ko ang kaba sa pananalita ni Nayeon na ngayon ay nakaupo na lang sa sahig at kagat-kagat ang kuko sa hinalalaki.

"Oo naman, malakas si Mina. Think positive." Sabi ni Jeongyeon na naupo na sa tabi ni Nayeon.

Napaupo na lang din ako sa tabi ni Tzuyu na nanatiling tahimik. Bakas sa mga mukha namin na kinakabahan kami.

After lunch na nung bumalik si Jihyo sa practice room at hindi pa rin kami kumakain hanggang ngayon. Sabi nya dadalhin daw si Mina sa hospital dahil kailangan pa daw nitong sumailalim sa mga test.

"Okay sa ngayon daw bumalik muna tayo sa dorm, hihintayin na tayo ni Chaeng sa ibaba. Kasama naman ni Manager si Mina. She'll be fine, don't worry."

Paliwanag ni Jihyo at sabay-sabay na din kaming walo  bumalik sa dorm. Anong nangyayari sayo Mina-ri.

Nang makabalik sa dorm pare-pareho kaming dumiretso sa kanya-kanya naming kwarto. Lahat kami walang ganang makipag-usap, malamang lahat kami kinakabahan sa lagay ni Mina.

Binuksan ko ang cellphone ko at nakita kong may messages si Jimin. Kaya agad ko yung binuksan.

Text Messaging

Istorbo:

Dahyun, I'm sorry di na ko nakapagreply since last week.

And sorry kasi wala man lang akong paramdam sayo dati. Busy kasi kami may urgent meetings at endorsement kasi kami.

Hope you understand. I'm really sorry.


Bukod sa texts nya ay may 8 missed calls din sa log ko. Haist, kaya pala walang paramdam dahil busy.

Heto na naman tayo sa complicated schedules na mas priority kaysa sa love life. It's suck but true, especially in this world of us.

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon