Out of Sight: 19

44 2 0
                                    

2 weeks later...

"Welcome back Mochi kooo!" Bati ko kay Jimin nung makapasok sya sa hide out.

Binaba nya yung bitbit nyang box at lumapit sakin para yakapin ako. Niyakap ko din sya ng ubod ng higpit, na-miss ko yung manly nyang amoy.

"I missed you so much Dubu ko." Bulong nya sa tenga ko sabay kiss sa pisngi. Nginitian ko sya ng matamis nung maghiwalay kami sa yakapan namin.

"May ibibigay nga pala ako sayo," sabi nya tapos lumapit sya sa malaking box na dala nya "Buksan mo," tapos ay inabot nya sakin yung box.

Nung buksan ko, agad akong napangiti nung makitang may aso sa loob. Binuhat ko yun at binigay kay Jimin yung box.

"Waah, ang cuteee~"

"So ano to tatalikuran mo na ko dahil dyan sa aso?"

"Saglit lang Jimin okay? Ang cute kasi,"

"Ipagpapalit mo ko dyan?"

"Anong pinagsasabi mo? Ang childish mo din e." Sabi ko tapos naglakad ako doon sa couch at pinatong sa hita ko yung aso at nakipaglaro ako.

"May pangalan na ba sya?" Tanong ko kay Jimin at agad naman tong umiling, "Minmin? Gusto mo ng Minmin, baby?" Tanong ko dun sa aso,

"BABY?! Dubu naman, ako nga di mo tinatawag na baby tapos yang aso baby? Why so unfair?" Di ko pinansin ang rants ni Jimin at patuloy ko lang kinausap yung aso.

"Gusto mo ba yung Minmin?" Tumahol naman yung aso at saka lumundag at dinilaan ako sa pisngi na dahilan ng pagtawa ko.

"Minmin? Ang pangit naman, akin na nga yang aso. Ibabalik ko na don sa vet." Nakapout na sabi ni Jimin, tinampal ko naman yung kamay nya nung akmang kukunin nya sakin yung aso, "subukan mo lang, makikipag-break ako sayo." Pananakot ko sa kanya kaya ngumiwi sya

"Ipagpapalit mo talaga ako sa aso?! Nagugutom tuloy ako dahil sayo." Sabi nya ay nagpunta sa kitchen, may foods akong inorder doon para nga sa welcome party nya.

Iniwan ko muna si Minmin doon sa couch at kinuha yung dog food sa loob ng box na pinaglagyan sa kanya tapos ay binigyan ko si Minmin.

Nilapitan ko naman si Jimin at hinalikan sya sa pisngi, "Nagtatampo ka pa?" Nung nilingon nya ko ay nakangiti na sya ng malapad at sinubuan ako ng chicken.

"Come on, kain ka na rin."

Nagkwentuhan lang kami about sa mga pangyayari sa loob ng 2 months naming di pagkikita. Nung matapos yon ay dun ulit kami pumwesto sa open ceiling nya habang nasa lap ko si Minmin.

"Dubu? Naisip mo ba na gawin na nating public yung relationship natin?" Biglang tanong nya kaya napatigil ako sa pakikipaglaro kay Minmin.

"Baliw ka na ba? Siguradong kapag nalaman ng agency natin yon, malamang paghihiwalayin din nila tayo."

"What if I quit,"

"Quit?"

"Mag-quit sa grupo ko."

"Hindi ka ba nanghihinayang? Pinaghirapan nyo yan para lang maging successful ang grupo nyo tapos iiwan mo lang?"

"Pero mas masaya na ko kapag kasama kita." Sabi nya habang nakayuko lang at nakatingin sa mga kamay naming magkahawak.

Hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya kaya tinignan nya ko, "May tamang panahon para dyan." I said while smiling at him. Niyakap naman nya ko at naramdaman ko na lang na hinalikan nya yung tuktok ng ulo ko.

"I trust you," he said.

I have plan in mind, just stay with me until the right time comes. "Just always remeber that I love you, Dahyun."

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon