Out of Sight: 10

40 4 0
                                    

Mabilis na lumipas ang mga araw at nabalita din yung about sa kidnapping incident ko. Maraming fans ang nag-alala, that's why nag-thank you lang ako sa kanila through social media.

And thanks to Jimin dahil sa evidence na nakunan nya. Mas lumakas pa yung laban ng kaso at ngayon, nakakulong na sya. Sasaeng fan ko pala sya, ayoko sana syang ipakulong kaso he crossed over board.

Kasalukuyang nagaganap ngayon yung KBS Music Festival. Na-inform na rin ako ni Jimin na di nya ko masyadong pinapansin at kinakausap in public kasi baka mahalata kami.

Sabi nya kasi sakin may mga fan cam daw na palaging nakatutok samin. Mas mabuti na daw yung nag-iingat. Tinawanan ko lang sya kasi wala naman kakong namamagitan saming dalawa.

Kami na ang next in line na magpeperform kaya naman, bihis na bihis na ko at hinihintay na lang ang senyas ng floor director.

Habang nagpeperform kami di ko maiwasang hindi mapatingin sa pwesto nila Chanyeol at Jimin sa unahan. He's watching at titig na titig sya. Yan ba yung mag-iingat sa fan cam? Para iwas sa issue, pinilit ko na lang hindi tumingin sa side nila.

"See you later, Dahyuniee" bulong sakin ni Jimin nung magkasalubong kami sa closing ng KBS Music Festival. Napangiwi ako ng bahagya pero agad din akong ngumiti at nag fan service.

Nung nasa backstage na ay pinilit ko talagang di sya makasalubong kaso hindi umaayon sakin ang panahon. May humihila na sakin papuntang storage room. Haist, kakalbuhin ko talaga yung blonde nyang buhok mamaya.

"Hi," ngiting ngiti sya habang nakatitig sakin. Habang ako nakayuko lang, naiilang kasi ako sa kanya.

"Napipi ka yata? Napagod ka ba kanina? Gusto mo bukas na lang natin ituloy yung dinner date?" Tanong nya na may halong pag-aalala

"Hindi nga kasi dinner date yon, kulit." Depensa at pagtatama ko sa kanya.

"Eh ano tawag don?" Sabi nya sabay crossed arms sa harap ko. Nakataas pa ang kanang kilay nya. Ginaya ko muna sya bago sumagot, "Thank you dinner." Ngiwi lang ang itinugon nya sakin.

"Hayy, gusto pa sana kitang kausapin kaso mamaya na lang. Text na lang kita, see you." He said at pinauna na nya kong lumabas ng storage room.

Nasa dorm na ko and ready na sa pagtakas, nakalagpas na yung dinner time. Pero gantong oras lang kasi ako makakatakas ng matagumpay.

Pagdating ko sa meeting place namin ay nakita ko na sya dong nakatayo at nakahalukipkip, nilalamig na sya malamang. Dito ko sya niyaya sa lake side na pinagkikitaan namin ni Eunwoo.

"Akala ko di ka na darating feeling ko mamatay na ko sa lamig dito" natawa ako kasi halata nga lamig na lamig na sya.

"Sorry, natagalan lang sa pagtakas." Sabi ko habang lumalakad, bitbit ang isang basket na may laman ng dinner namin.

"Tara na alis na tayo, nagugutom na ko e." Sabi nya at maglalakad na palayo sakin kaso hinawakan ko yung wrist nya para pigilan sya.

"Saan ka naman pupunta? Dito lang tayo kakain." Sabi ko sabay angat nung basket na dala ko at ngumiti ng bahagya sa kanya.

Nakanganga naman sya at parang di makapaniwala sa sinabi ko. "Surprise?"

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon