Out of Sight: 07

45 2 0
                                    

Istorbo:

Good morning, Dubu!

Ilang araw nang ganito si Jimin, sya ang una at huling text na mababasa ko. I hate it honestly, kasi sure ako dadating yung time na mapapagod din sya.

And pag dumating yung time na yon, malamang nasanay na ko sa mga sweet nyang ginagawa. And worst baka mamiss ko pa to. Kaya di ko sya masyadong pinapansin.

This week ko na malalaman kung sino yung co-host ko sa darating na KBS Music Festival. On the way na kami sa venue and ibibigay na rin yata samin yung script.

Nung makarating kami sa venue ay as usual, may mga fans na naman sa paligid. Kaway lang ako ng kaway sa kanila hanggang makapasok ako sa loob ng building.

Nauunang maglakad ang manager ko bago ako, simpleng sinusundan ko lang sya. Nung makarating kami sa tapat ng puting pinto ay binuksan na nya iyon.

Sa loob ay mayroong sampung katao, included na kaming dalawa ni manager. Inilibot ko ang mata ko at napako ako sa lalaking may pink na buhok at nakamask, tinitignan nya rin ako.

Katabi nya ay si Chanyeol ng EXO, hindi sya nakamask at kumakaway sya. I heard from the other artist na nakatrabaho ni Chanyeol na mabait daw to at jolly pa. At proven naman to dahil naging co-host ko din sya last year.

Pinaupo nila ako sa tabi nung may pink na buhok, na hanggang ngayon nakatitig pa rin sakin. Seriously? Nakakailang na ah.

"Ms. Kim Dahyun, sila yung mga co-host mo sa darating na KBS Music Festival. Mr. Park Chanyeol and Mr. Park Jimin." Agad kong nilingon ang mga katabi ko at slight na nagbow, so ang katabi ko ngayon na may pink na buhok ay si Jimin?!

Kaya ba kanina pa sya titig na titig? Umayos ako ng upo nung binigay na nila samin yung script. Magkakaroon daw ng line distribution, and babasahin din namin yung script.

"Okay, thank you for your cooperation! I'm expecting your presence tomorrow as well. See you!" Sabi nung in-charge na nagtuturo samin ng tamang intonation.

"Thank you din po," sabi ko as I bid goodbye to her.

Wala pa yung manager namin dahil may kausap syang staff yata about sa performance naming Twice sa festival. Naiwan kaming tatlo sa loob ng room.

Magkausap lang si Chanyeol at Jimin, samantalang ako tamang gamit lang ng cellphone ko. Kahit ang totoo wala akong magawa dito.

After akong titigan kanina ni Jimin ay hindi na nya ko ulit tinapunan ng tingin. He's ignoring me, na parang wala lang ako. See? Yan yung sinasabi ko, kapag nasanay ka na sa sweet facade nya, magtataka at maninibago ka na sa biglaang cold treatment nya.

"Dahyun, long time no see. Buti ikaw pa rin yung host nila ngayon, mahirap kasi yung paiba-iba." Biglang sabi ni Chanyeol kaya naman napatingin ako sa kanila,

"Mas gusto daw nila yung may experience na." Sagot ko naman.

"Oh narinig mo yun Jimin? May experience, pero bakit ikaw yung nandito?" Pabirong sabi ni Chanyeol, nang-aasar.

"Namo Chanyeol. May voice problem nga kasi si Jin." Tinawanan lang sya ni Chanyeol, mapang-asar talaga tong isang to.

Dumating na yung manager ko at oras na daw para umalis, nagpaalam na ko sa kanila pero sya parang walang narinig. Hindi nga ako tinignan, hindi rin sya nagsabi ng "bye", kahit kaway wala. Ano to pa-fall lang?

Out Of Sight (DahMin FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon