Chapter 1

24 0 0
                                    


10 YRS. AGO...

SAMATHA'S POV

"Nakakahiya ka! Hindi ka na natuto! Ano ba ang kailangan naming gawin para magtino kang bata ka? Wala ka ng ginawa na maganda. Mahiya ka naman sa mga kamag-anak natin. Nakikitira na nga tayo wala ka pang utang na loob?" singhal sa akin ni Papa.

"Hindi naman talaga ako yun, Pa eh! Maniwala kayo sakin! Hindi ako makakakuha ng ganung pera at kahit kailan hindi ako magnanakaw!"

"E bakit nakita sa gamit mo yung mga pera? Impossible namang ipasok yun dun ng ibang tao e laging naka-lock yung kwarto mo?"

"Hindi talaga ako yung gumawa nun!"

"E di SINO?"

this time sumigaw na si Papa.

"Hindi ko alam!"

Pati si Mama umiiyak na. Ano nanaman ba to?

"Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan, Atha"

"Kung ayaw niyo akong paniwalaan e di wag. Hindi ko naman kayo pinipilit na maniwala sakin. Kasi lagi akong bulakbol sa school. Pero ito ang tatandaan mo, Papa. Hinding-hindi ko magagawang magnakaw. 10 yrs. old palang ako pero hindi ako ganun kasakim para kumuha ng ganun"

Lumabas na ako ng sala.

Magiimpake na ako ng gamit ko. Aalis na ako dito. Tutal wala narin naman akong silbi sa pamilya ko ay mabuti pang lumayas nalang ako at palitan nalang nila ako.

Simula naman nung una ako yung mali di ba? Ako nanamn yung mali kahit hindi talaga.

DAMN LIFE. DAMN STUPID ME. DAMN YOU ALL.

DAMNATION +___+t

Lumabas ako ssa likod ng bahay dahil baka may makakita sakin. Meron pa naman akong ipon para pantulong sana sa bahay kaso ayan nanaman sila.

Im not perfect. Pangit ako kaya hindi ako tanggap ni Papa. I will never be like ate Elena, her perfect daughter in my stepmom, Tita Marshie.

Oo hiwalay ang mama at papa ko.

I have a very despicable and horrible life.

Swerte ko no? Nakabuntis pala ang Papa ko nung araw ng kasal nila ni Mama? Tapos panget na nga ako, panget pa ang naging buhay ko. Sana pala hindi na ako pinanganak no? Para hindi na magkakaroon ng patunay na may taong panget.

Napahinto ako ng nakita ko si Oliver. Isa sa mga kababata ko.

"Saan ka pupunta, Atha? Anong meron?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "Lalayas ka?"

"Oo. Thanks nga pala Oliver ha? Thank you sa pagdamay sakin"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Aalis na ako at siguro ito na ang huling pagkakataon na magkikita tayo"

"Ha? -- Hindi ka aalis! Wag mo akong iwan! Please Atha!"

Lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang braso ko.

"Please" TT^TT

"Im sorry, Oliver. Goodbye! Alagaan mo ang sarili mo ha?"

Binawi ko na ang braso ko at tumakbo na palayo. Pagkadating ko sa highway ay agad akong pumara ng taxi.

Narinig kong tinatawag niyo ang pangalan ko pero hindi ko na ito pinansin.

Ang drama ng buhay ko ahahahah! Si Oliver ang kababata ko at bestfriend ko. Siya ang karamay ko sa lahat ng bagay. Si Kiel naman ay naging kaibigan ko narin dahil magpinsan sila.

Kahit na anong explanation ko hindi parin naman sila maniniwala eh!

----

Pagkagising ko ay tumungin ako agad sa bintana. Hello Manila! Pagkakita ko sa mga tao ay na-amaze ako. OMGEEE! Ang layo ko na talaga!

"Ahm Manong? Ilang oras na po ba tayo nabiyahe?"

"Mga limang oras narin maam! Tagal niyo nga pong nakatulog eh!"

"Ayy sorry Manong! Wag ka magalala magbabayad naman ako!"

"Sige Maam! Saan ka po ba bababa?"

"Sa may heritage nalang po!"

Pagkasabi ko nun ay nagulat ako ng may sasalubong sa amin na truck!

"Manong gilid!

Pagkagilid namin ay sumalpok kami sa kotse.

*blackout*

----

Naalimpungatan ako ng may narinig akong nag-uusap.

"Sure ka bang successful ang operation?"

"Oo successful siya..."

Bakit madilim? Bakit di ako makagalaw? Ano ba ang nangyayari?

"Kailangan natin itong itago sa lahat dahil dito nakasalalay ang buhay nating dalawa"

"Pero may konting problema e"

"Ang ibig mong sabihin hindi talaga siya successful?"

"Successful siya pero kailangan mo siyang bantayan"

"Bakit naman?"

"Hindi magkatugma... pero nakuha paring itransfer... magkakaroon ng changes..."

Ha? Changes? Anong tinransfer?

Unti-unting nagfe-fade yung mga boses nila. Teka kailangan kong marinig yung sinasabi nila!

Then i saw a bright light.

----

Third Person's POV

Nagaalalang lumapit si Ronald sa kaniyang pamangkin na itinuring na niyang anak. Hindi niya makayanan ang istura nito. Nakabenda siya mula ulo hanggang paa.

Nagaalangan siyang lumapit at hinawakan ang kamay ng kaniyang pamangkin at tinignan ito ng maigi.

"Wag kang mag-alala Courtney, hindi ko hahayaang may mangyaring masama sayo. Ikaw nalang ang pag-asa naming lahat. Itatayo mo uli ang kumpanya gaya ng ginawa ng Papa mo."

Napaluha siya at agad ding pinunasan.

"Im sorry"

Pagkatapos ay pinisil niya uli ang kamay ng pasyente bago lumabas ng kwartong iyon.

----

Lumipas ang ilang linggo ay ganun parin ang lagay ng pasyente. Stable pero binabantayan ng maigi. Tinignan lang siya ni Brent na kasalukuyang kakapasok lang sa kwarto.

Naaawa siya sa lagay ng kapatid. Tinignan niya ang Mama niya na nakikipagusap sa doktor at sa Tito Robert niya.

And on that very moment, he swore to himself that he will protect his sister no matter what.

----

Dumating ang araw na tatanggalin na yung benda ng pasyente sa ulo. Hindi nga sigurado yung pasyente kung bakit siya may benda sa ulo. Base lang sa sinabi ng doctor ay nagkaroon siya ng isang matinding aksidente. Noong nakaraang linggo ay tinaggal yung benda niya sa buong katawan at ng inexamine na ng mga doctors ay pinayagan na tanggalin na ngayon yung benda niya sa ulo.

May pumasok sa kwarto niya at dahan dahan siyang inupo. Hindi alam ng pasyente pero ang lakas ng pakiramdam niya. siguro dala lang ng aksidente.

Dahan-dahang tinanggal yung benda niya sa ulo at pakiramdam niya ay lumuwag ang ulo niya. Pagkatanggal ng benda ay nasisilaw pa siya pero ng masanay na yung mata niya ay tinignan niya yung nurse na nasa tabi niya. Nginitian siya nito kaya nginitian niya rin ito pabalik.

Biglang may pumasok sa kwarto niya na isang lalaki at isang babae na medyo matanda na.

"Sino kayo?"

Then that day she knew she felt different.


You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now