Chapter 18

5 0 0
                                    


Sam's POV

"Fafa ba yung muntikan ng makasagasa sayo? Jusq saan ba yang kalsada na yan at tatawid narin ako!"

Binatukan naming apat si Bakla para kasing timang e.

"Kayo naman hindi kayo mabiro e!"

"Pero Sam seryoso ganun yung ginawa ng lalaki? Grabe parang sa telenobela lang ah!"

Napayuko ako at tinignan yung tuta na nakatulog na sa hita ko. Kulay puti siya at ang amo. Mabalahibo rin siya. Siguro mga dalawang buwan palang itong aso na ito.

"Pare kilala mo ba? Nakakapagtaka lang kasi umiyak e!"

Tinignan ko naman si Jake.

"Ayos ka pare ah! Gwapo mo pare pati lalaki umiiyak na kapag nakikita ka!"

This time si Cedric naman ang binatukan namin.

"Not funny, Ced"

Nanlaki ang mata nila na tumingin sakin.

"What are you guys staring at?"

Lalong nanlaki ang mata nila at napaubo pa ng malakas si Jake.

"Anak ng putakte, ano daw? English?"

"Bakla, saan ka natuto nun?"

"Omaygahd!"

Napatakip ako ng bibig ko. Bigla ko lang kasing naisip yun e tapos lumabas sa bibig ko.

"Hanep ka pare! Galing mag-ingles. Ako nga hindi masyadong marunong e" tumango sila sa sinabi ni Jake.

"Oyy ano na meron? May namiss ba ako sa kwento?"

Bumalik si Jude na may dalang anim na kape at mga tinapay. Isa-isa kaming kumuha at kumagat ng domut.

"So ano na ang gagawin mo?"

Liningon ko si Mel at nag-shrug.

"Ang hirap naman ng nangyayari sayo, Sam!"

"Oo nga e! Pati kayo nadadamay pa, Sorry!"

"Para saan pa ang barkada di ba? Basta kapag kailangan mo ng masasandalan, nandito lang kami"

Nag-apir kaming lahat at nagtawanan.

Pero sa loob-loob ko ay naguguluhan parin ako.

----

Zeke's POV

"ANO? NAKITA MO SI COURTS?"

Sabay-sabay naming react sa kinuwento ni Coby.

Hindi muna siya sumagot at uminom muna ng wine.

"Hindi ko sigurado pero alam ko sa sarili ko na siya yun kaso parang hindi niya ako naaalala"

Nagulat ako sa sinabi ni Coby. Ganyan na ganyan yung naramdaman ko nung nakilala ko si Courtney. Naguguluhan ako.

Inexcuse ko muna ang sarili ko at umakyat sa kwarto ni Courtney. Pagkapasok ko ay nagulat ako dahil bumulaga sakin ang picture ni Courtney sa isang parte ng pader.

Nang lapitan ko pa ito ay nagulat ako. Nabitawan ko yung basong hawak ko at nabasag ito sa sahig.

Hindi maaari. Hindi nangyayari ito!

----

Coby's POV

Napatigil kami sa paguusap ng may marinig kaming nabasag sa taas. Agad kaming kumaripas ng takbo paakyat. Pagkapasok namin sa kwarto ni Ney ay nagulat ako dahil nakita ko si Kiel na nakatitig dun sa picture ni Ney.

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now