Chapter 19

9 0 0
                                    


Sam's POV

Wala ngayon si bakla dahil uuwi muna siya sa probinsya para asikasuhin yung lupa na iniwan sa kaniya ng lola niya. Ayaw nga niya umalis pero pinalayas ko na tutal para maayos na yung problema niya na yun.

Palagi ng nasakit yung ulo ko. Hindi ko nga alam kung bakit e. Sabi ni bakala baka hindi lang daw ako nakakatulog ng maayos tsaka masyado daw akong nag-iisip tungkol sa mga bagay-bagay. Hindi ko nga daw nagagawang mag-enjoy, so killjoy ako ganun? +___+

Hindi ako kj no! Grabee!

Napahawak nanaman ako sa sintido ko at napahiga ako sa kama. Ang sakit <'O_O'>

*blackout*

Nagising ako sa isang madamong lugar. May nakita akong babae na kasing taon ko lang at batay sa nakikita ko ay mahaba ang buhok niya na blond na merong hint ng black. Nakadress siya na puti.

Lalapitan ko na sana siya kaso bigla siyang nagsalita.

'Long time no see, Sam'

Nangilabot ako sa boses niya. Hindi ko alam kung anong meron pero simula nung sinambit niya yung pangalan ko ay kinilabutan ako agad.

"Kilala mo ako?"

Tumawa siya at humarap sa akin.

Doon na ako na-shock dahil magkamukha kami. Magkamukhang-magkamukha kami.

"Ako nga pala si Courtney, at ako ay ikaw"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Huh? Hindi kita maintindihan. Paanong naging ikaw ako? e magkaiba naman talaga tayo?"

"Parehas lang tayo. Ako ay ikaw at ikaw ay ako. Hindi ko alam kung paano tayo naging ganito pero pareho lang tayong hindi pa alam ang katotohanan."

Umupo siya sa damuhan at tumingala sa langit. Nagaalangan ako nung una pero umupo parin ako sa tabi niya. Tinignan ko siyang maigi at ang ganda niya pala talaga. Para siyang diyosa na binaba sa lupa. Ganito ba talaga ako kaganda kapag nagayos ako? Ito ba talaga ang itsura ko? Nays chiks pala ako? *O*

"Gusto mo ba ikwento ko pa sayo?"

Tumango nalang ako bilang sagot sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at napapikit nalang ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

Nagflashback sa akin lahat ng nangyari.

'Nakakahiya ka! Hindi ka na natuto! Ano ba ang kailangan naming gawin para magtino kang bata ka? Wala ka ng ginawa na maganda. Mahiya ka naman sa mga kamag-anak natin. Nakikitira na nga tayo wala ka pang utang na loob?'

'Manong gilid!'

'Pero hindi na maibabalik yun kasi nga di ba hindi mo maalala at wag mong pilitin kung wala talaga. Tsaka sa dami ng nangyari at nagbago hindi na maibabalik yun kasi hindi na tayo bata. Hindi na ikaw yung Courtney na nakilala ko at hindi na ako yung Coby na nakilala mo'

'Stop! Stop the car'

'I love you, Cortney!'

'Yes! Yes i'll be your girlfriend'

'Tonight will be special'

'I'll treasure this memory of you forever'

"YES! SINAGOT NIYA AKO! IKAKASAL NA AKO! YES!"

"Hoy hubby para kang baliw dyan tara na kumain na tayo!"

"I love you, Courtney Alazon-Montefilla!"

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now