Special Chapter: Coby Braden Montefilla

6 0 0
                                    


Lovesick Fool (SPECIAL CHAPTER)

(from the original song of The Cab)

Coby's POV

Gumising ako at nakita ko yung tabi ko na walang tao. Wala ka na. Nasaan ka na ba? Lumabas ako ng kwarto inaasahan na nandun ka nagluluto ng pagkain natin, pero ni anino mo wala.

Nasaan ka na ba? Bakit hindi ka kita nakikita? Bakit bigla ka nalang nawala ng parang bula? Parang noong isang araw kayakap pa kita at masaya pa tayong dalawa. Bakit ngayon naglaho na?

Nagbihis ako at tumakbo sa labas. Pupuntahan kita. Hahanapin kita. Bumalik ka na sakin. Ok naman tayo di ba? Hindi ko kayang wala ka. Wala akong buhay kapag wala ka.

Ang hirap gumising tuwing umaga kung hanggang sa panaginip lang kita nakakasama. Kung pwede lang matulog nalang habang buhay gagawin ko pero hindi naman pwede yun.

Sa panaginip ko masaya tayo. Sa panaginip ko ikakasal na tayo pero bakit paggising ko sobrang sakit? Kailangan ko bang magising sa katotohanan na wala ka na? Kailangan ko bang tanggapin na wala ka na?

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa mapagod ako. Nagbabakasakali na mawala ang sakit. Pero nandito parin. Tuwing iniisip kita bumabalik lahat ng meron tayo noon. Bumabalik lahat ng pangarap natin na nawasak nalang ng biglang pagkawala mo.

Bakit mo ba ako iniwan? Ginawa ko naman ang lahat di ba?

Panaginip nalang ba lahat?

Alam mo ba na hindi kita nakalimutan kahit sobrang busy ako? Palagi kapag nasa trabaho ako iisipin ko na nasa bahay ka at nakangiting sasalubong sa akin pero biglang sisingit sa utak ko na patay ka na.

Bigla nalang akong mapapaluha. Pinalabas mo ang pinakamahinang parte ko at gusto kong bumalik ka para ayusin ako. Bumalik ka na para maging maayos uli ang lahat ng meron tayo.

Kakalimutan ko ang lahat ng nangyari, kakalimutan ko ang sakit basta bumalik ka lang.

Pero imposible ata yun. Imposibleng bumalik ka pa sakin kasi patay ka na.

Lahat ng meron tayo nawala ng tuluyan.

Parang isang rosas na nalanta na sa paglipas ng mga panahon.

Bawat araw na wala ka, bawat umaga na wala ang mga ngiti mo, bawat oras na naiisip kita, nasasaktan ako.

Sobrang mahal nga kita kaya hanggang ngayon nasasaktan parin ako ng ganito. Lagi na akong nagiinom simula ng mawala ka. Lagi kong iniisip yung mga what if's.

What if hindi ka namatay, ano na kaya ang meron tayo ngayon? What if hindi ako nagpropose sayo nun hindi ka ba aatakihin? What if hindi mapaglaro ang tadhana, nasa akin ka parin ba ngayon?

Tuwing pipikit ako mukha mo ang nakikita ko. Tuwing matutulala ako, maririnig ko ang tawa mo.

Sobrang namimiss na kita.

You came to me in paradise and you left me in pieces. Bakit ba kailangan mangyari ito?

Parusa ba ito sa akin ng Diyos? Hindi pa ba sapat ang lahat ng ginagawa ko at pati ikaw kinuha pa sa akin?

Ngayon lang kita nakasama uli tapos ipagkakait ka uli sakin? Naglolokohan lang ba tayo dito? Bakit niyo pa ibibigay sa akin kung babawiin niyo lang?

Kapag binigay niyo na wag niyo nang bawiin kasi masakit.

Won't you be my saving grace? Save me from this darkness. Save me fron this loneliness.

"Courtney, i love you.. please come back.."

----

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now