Chapter 15

11 1 0
                                    


Oliver's POV

Nagising ako sa isang kwarto na sobrang pamilyar sakin. Teka paano ako nakarating sa kwarto ko? Pagkaupo ko ay napasapo ako agad sa noo ko. Okay? Hangover effects? Teka.. hinatid ba ako ni Zeke? Oh no!

Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si Ate Ash na nakapamewang at may hawak na sandok. Ihahampas na san niya sakin ng nahawakan ko yun at inagaw sa kaniya.

"Ate naman!"

"Ikaw talaga Oliver Sky kelan ka ba matututo na wag umuwi ng lasing? Nangunsumi pa si Zeke sayo. Sinama-sama mo pa nga ata siya kagabi e. Ayun ang aga tuloy umalis kasi ang dami niyang press conference tungkol sayo at sa mga kasama niyo kagabi"

"Sus yun lang pala napagusapan na namin yun. Maliligo lang ako at papasok na ako sa trabaho"

"Aba dapat lang ano? Dadating sila Kent mamaya kasama si Tita kaya umuwi ka ng maaga. Namiss ka daw ng mini-me mong si Sky"

"Oo na. MAy trabaho ka pa di ba?"

Nawala ang ngiti niya at tumingin sa orasan.

"Potek. Male-late na ako! Papagalitan nanaman ako ni Dad ikaw kasi e. Isusumbong kita mamaya akala mo ha?"

"Oo na! Ingat ka nalang!"

Pumasok na uli ako sa kwarto ko at nag-shower na. Habang pinapakiramdaman ko ang bagsak ng malamig na tubig sa katawan ko ay naalala ko nanaman yung kanta ni Sam kagabi. Yung boses na yun, alam kong narinig ko na yun dati.

Kelan ko nga ba narinig yun?

Pagkalabas ko ng c.r ay binuksan ko ang tv at tumambad kaagad ang mukha ni Zeke na kaharap ang press.

'Zeke may tanong lang kami'

'Go ahead, miss'

'Totoo po ba na yung kasama niyo daw po kagabi ay yung pinsan niyong si Oliver Weeks?'

'Yes. You got that right. Minsan na nga lang kami makapag-bonding e. Syempre pareho na kaming busy sa trabaho pero nagkataon na pareho kaming free kagabi kaya we both agreed to meet'

'May nagsabi rin po na may kasama daw po kayong babae kagabi. Totoo po ba yun?'

'Oh that thing! Nagkataon lang na sinama ni Oliver yung mga katrabaho niya kasi magce-celebrate sila. I just rided in'

Napailing ako sa sinabi ni Zeke. Ibang klase talaga siya. Kahit hotseat na, hindi nagpa-panic.

'Sir, posible po ba na yung babae na kasama niyo daw kagabi ay yung bago niyong nililigawan?'

'No. We just met last night.'

'Pero Sir may nagsabi na tipo mo daw siya'

'Nah. Pero malay mo di ba?'

Lalong naulanan ng tanong si Zeke sa sinabi niya. Tsk tsk mga pakulong papogi =_____= Sigurado ako nag-rereact na yung mga yun sa store. MAkapunta na nga.

----

Sam's POV

Nandito na kami sa store at kasalukuyang naglilinis kami ng binuksan ni bakla yung tv.

"Mga froglets! Makinig tayo ng balita habang naglilinis!"

Pagkabukas niya ng tv ay si Zeke ang nakita namin na napapaligiran ng mga camera at mike.

Mas nagulat kami nung tinanong na nung reporter yung nangyari kagabi. Grabe ganun sila ka-updated sa buhay ni Zeke?

'Sir, posible po ba na yung babae na kasama niyo daw kagabi ay yung bago niyong nililigawan?'

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now