Chapter 7

8 0 0
                                    


Courtney's POV

Parang baliw si Kuya hindi pa nga ako napunta ng Dining room e. Teka paano ko nakilala yung mga bisita ni Mama? E ngayon ko nga lang sila nakita e.

Ang weird ko <'OoO'>

Tinignan ko yung kwintas na heart na regalo ata sakin? Suotin ko kaya? Teka saan ko ba nakuha to? Ay oo nga pala tawagan ko si Coby.

Kinuha ko yung cellphone ko at nagtaka ako dahil wala dun yung no. ni Coby.

"Odd?"

Tinype ko yung no niya at agad na tinawagan.

Nagriring na siya.

"Hello?"

"Den! Long time no see ah!"

"Teka.. sino.. ka?"

"Si Key to baliw ka kinalimutan mo na kaagad ako?"

"Ha? Paanong nasayo yung no ko?"

"Ikaw ang nagbigay sakin di ba? Hindi ka parin nagpapalit ng no? Ang tagal mo ng sim card yan a"

"Key.."

"Hmm?"

"Naaalala mo ba ako?"

Natawa ako.

"Loko ka ba? Oo naman. Kaso di ba umalis ako ng bansa? Sa school nga e hindi ka namamansin. Hindi mo pa ako kinakausap e"

"Key.. ikaw nga talaga to.."

"Ako nga.."

"I missed you.."

"I missed you too Den"

"I love you"

Nagulat ako at biglang sumakit yung ulo ko.

Ahh shit ano ba ito? Teka nagmura ako?

"I.. I love you too"

*Blackout*

----

Coby's POV

"I.. I love you too"

Nanlaki yung mga mata ko ng sinabi niya talaga yun.

Narinig ko na nalaglag yung phone.

"Teka.. Key? ayos ka lang ba? Key?"

Ahh sh*t!

Agad akong lumabas ng bahay at pinatakbo yung kotse ko papunta sa bahay nila.

----

Pagkadating ko sa bahay nila ay pinark ko kaagad yung kotse ko at dirediretsong pumasok sa loob.

"Brent!" sigaw ko sa loob ng bahay.

Nakita ko siyang lumabas ng sala.

"Teka... Coby?"

Agad din siyang napatingin kung nasaan yung kwarto ni Key.

"Dont tell me na tinawagan ka niya?"

Nang tumango ako ay tumakbo na kami paakyat sa kwarto niya.

Pagkabukas ko ay nakita ko siyang nahimatay sa sahig.

Ano bang nangyayari sa kaniya?

----

Tumawag na ng ambulansya at pinasok siya. Sasama na sana ako ng hinila ni Brent yung braso ko.

"Coby paano ka niya tinawagan?"

"Hindi ko alam... ang alam ko hindi niya ako maalala pero.."

"Wag mong sabihin na naalala niya at... tinawagan ka niya?"

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now