Chapter 2

12 0 0
                                    


*PRESENT DAY*

Courtney's POV

I was looking at myself in the mirror. I have golden hair and gray eyes. Teka kelan nga ba pinakulayan yung buhok ko? Muntikan na akong mapatalon sa gulat ng sumulpot si Kuya Brent sa likod ko.

"Tulala ka nanaman!"

I glared at him. "Kabute ka naman!"

"Ang ganda talaga ng lil sis ko!"

"Sus nambola pa! Tara na at baka naiinip na si Mama sa baba!"

Hinila ko na si kuya pababa para magumagahan na. Bukas ay papasok na ako sa school nila kuya kasi Senior High na ako. Grade 12 actually. Home-schooled ako last year kaya hindi muna ako pinasok sa school. Pinaguusapan pa kasi kung ok na ba daw ako pumasok sa school.

Nakabili na kami ni kuya ng uniform at mga gamit namin sa school. Pagkatapos nito ay papakulayan ko na yung buhok ko dahil bawal sa school ang may kulay ang buhok. Magcocontacts nga rin ako kasi hindi natural ang gray eyes sa pilipinas di ba? Baka magfreak-out yung mga kaklase ko kapag nakita nila ako.

Pagkababa ko ay sinalubong kaagad kami ni Mama.

"Ang ganda talaga ng anak ko!"

Tumawa ako. "Nambola ka pa Mama!"

Umupo na kami sa lamesa at nagsimula ng kumain. Si kuya ang kinakain niya ay kanin tapos bacon and eggs, bawal yun sakin kaya salad ako at eggs lang. Sabi kasi ng doctor ay bawal daw sakin yung mga processed foods especially pasta kasi magsusuka daw ako.

Pagkatapos kumain ay lumabas na ako ng bahay dahil pupuntahan ko na yung salon ni Tita Rolly. Kapatid siya ng daddy ko at super close talaga sila ni Mama.

"O Ney saktong-sakto ka sa oras na sinabi ko ah!"

"Syempre naman tita!"

"O siya umupo ka na dito at ng matapos tayo agad!"

Umupo ako sa upuan at nagsimula na si Tita na ayusan ako.

"Alam mo Ney! Ang ganda ng buhok mo! Kung ako talaga ang masusunod hindi ko na to pakukulayan! Sayang e!"

"Kailangan Tita e! Kapag nag-wig naman ako di ako makakagalaw ng maayos!"

"Tama ka rin dyan pero ang ganda talaga e. Parang hindi ka Pilipina sa itsura mo haha ay di bale mas pagagandahin kita!"

Nginitian ko nalang si Tita at tumango.

----

Tinignan ko yung sarili ko sa salmin. Kulay dark brown na yung buhok ko at kulay black na yung mata ko. Ako parin naman yung nasa salamin kaso nagiba nga lang yung mga kulay. Mas naging simple ako kesa noong lumabas ako ng ospital na para akong artista.

Nagpasalamat ako kay Tita Rolly at naglakad na pauwi. Sinuot ko yung specs ko at sa tingin ko naman ay bagay. Pagkadating ko sa bahay ay pumasok ako kaagad at napasigaw si Manang Rossie kasi nagulat ko ata.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Manang ako to si Ney! Nagpakulay lang ako ng buhok!"

Tinignan niya muna ako ng matagal at ngumiti rin.

"Grabe kang bata ka bibigyan mo naman ako sakit sa puso e. Hindi kita nakilala sa salamin mong yan. Hubarin mo nga"

"Ok na yan, Manang. Bagong get up ko yan" Kinindatan ko siya.

"Hay nako ikaw talagang bata ka! O siya umalis yung Mama mo kasi kailangan daw niya tapusin yung mga papeles sa opisina."

"Ah ganun po ba Manang? Akyat na po ako! Ay si Kuya nga po pala?"

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now