Chapter 16

8 0 0
                                    


Sam's POV

*Kriiinnnggggggg*

Napabalikwas ako ng bangon ng may tumunog na kung ano sa tabi ng higaan ko. Tinignan ko at yung alarm clock pala.

"Potek na alarm clock to! Panira ng gising e! +_____+t"

Bumangon ako at pagkatingin ko sa may lamesa ay nakahanda na yung umagahan ko at nag-iwan pa ng note si bakla.

'Anakers,

Hindi na kita ginising ah? Ako na bahala sa kanila para ipaalam na hindi ka muna papasok ngayon. Kumain ka ng umagahan ah? Niluto ko talaga yang laing para sayo.

Ang maganda mong baklang friend,

Brittany'

Natawa ako pagkatapos basahin yung note niya. May pagka-sweet din talaga si bakla no? Sayang pogi sana e kaso bading. Pareho sana kaming pogi *O*

Umupo na ako at kumain ng biglang tumunog yung cellphone ko. Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto at tinignan kung sino.

From: Baklaketch

Anakers! Si Zeke nandito! Emergency! Akala niya papasok ka ngayon e! Nag-aantay parin siya dito

Huh anong nagaantay? Binasa ko yung mga text niya simula kanina.

From: Baklaketch

Anakers gising ka ba? Punta ka dito A.S.A.P

Kumunot yung noo ko. Parang baliw wala nga akong load tsaka hindi pwede may laban kami. B-ball captain ako kaya bawal akong mawala.

Nilapag ko nalang uli yung phone ko at kakain pa ako. Mamaya ko nalang babasahin yung ibang text hindi naman importante e.

Pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at sinuot yung tshirt ko na puti kasama yung uniform namin ng Knights. No. 10 ang nakalagay sa jersey ko kasi favorite no. ko yun e ^O^

Inihanda ko na yung bag ko para may lalagyan ako ng damit na pamalit tsaka ng tubig. Kinuha ko na yung bola ko at lumarga na ako papunta dun sa court ng barangay namin.

Pagkadating ko ay agad akong sinalubong ng mga ka-teammates ko.

"Buti naman at maaga ka ngayon captain!"

Nginitian ko si Rey.

"Ano ka ba pare basta laro game ako dyan! Maaasahan niyo ko lagi! Para saan pa ang team natin di ba?"

Tumalikod ako sa kanila at pinakita ang white t-shirt ko na may naka-print sa likod ng 'Duque 10'.

"Ooohh! Warm-up na tayo captain! Marami daw ang manonood ngayon e"

"O? Di nga? Mukhang kailangan natin gandahan ang laro ah?"

Tumango naman sila.

"Cap sa Manila pa daw galing yung nanghamon sa atin. Mukhang malalakas e"

"Oh? Di nga? Patunayan muna nila!"

Nag-apir kaming lahat at nag-warm up na kami. Pagkatapos mag-warm up ng konti ay pumasok ako dun sa locker room namin para magpalit ng jersey kasama sila Chris at Martin. Kailangan daw bantayan ang captain e.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako. Paglabas ko ay nanlaki ang mata nila Chris at Martin.

"Pare! Sure kang hindi ka magti-tshirt habang naglalaro?" tanong ni Martin.

"Oo nga! Baka kasi malaki yung butas ng jersey mo e! Ayaw lang namin na mangyari yung.. alam mo na!"

Inakbayan ko silang dalawa.

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now