Chapter 10

9 0 0
                                    


Courtney's POV

Pagkagising ko ay kaagad akong naligo at nagbhis ng pang-office at bumaba. Nakita ko si Corrine at Den na nakain ng umagahan. Nawalan nanaman ako ng gana =__=

"Den hindi na ako kakain ah? Sa office na ako kakain. Hi Corrine. Tsaka wag mo na ako antayin mamaya sa condo ko nalang ako matutulog mama"

"Teka Key--"

"Babush!"

Lumabas ako agad at inilabas yung Black Ducati ko. Madali nalang akong makakasakay sa motor ko kasi nakapants naman ako tsaka loose long sleeves e. Medyo formal naman ang suot ko kaya ayos lang. Ito naman ang lagi kong suot sa office e. Syempre nakaheels ako kasi trip ko ;P

Pinaharurot ko yung motor ko at dumiretso na sa company. Pinark ko yung motor ko sa mismong tapat ng company kaya nakaagaw ako ng pansin. Hinubad ko ang helmet ko at nilapitan ako ng isa sa mga guard.

"Ah miss bawal pong mag-park ng kotse dito"

Lumingon ako kaya nanlaki ang mga mata ng mga taong nakakita sakin.

Bumalik na ang cold stare ko simula kagabi. Hindi ko alam kung bakit pero tuwing napunta ako sa company automatic nagiging cold ang pakikitungo ko sa iba.

"Ms. Alazon! Sorry po maam at hindi ko po kayo nakilala"

Nagbow siya ng konti at tumango nalang ako.

Naglakad na ako papasok sa company at oo nga pinagtitinginan ako ng mga employee.

'Sino siya?'

'Ganda niya! Model ba siya?'

'Omo gray eyes! Baka foreigner'

'Baka girlfriend ni Sir Brent'

'Gagi walang gf yun'

Naglakad lang ako ng naglakad kasi ang balak ko mua ay magikot dahil namiss ko rin dito sa company.

Pumasok na ako sa elevator at pinindot ang 15th floor kung saan ang office ko at ni Kuya. Buti nalang sa private elevator ako sumakay.

Ang gumagamit lang ng private elevator ay kami lang ni Kuya maliban nalang kung kasama ka namin.

Nang huminto ang elevator ay naglakad ako papasok sa opisina ni Kuya. 7:30 na kaya nandito na yun. Pagpasok ko ay hindi nga ako nagkamali at nandun si Kuya at natambakan na ng mga papeles.

"Hi Kuya! Wow ganda ng swimming pool mo ah? Puro papel"

Ngumiti naman siya ng makita ako.

"Ganun talaga wala ka pa e. Pero ngayong nandito ka na hindi na ako makakagawa ng pader na gawa sa papel"

Nagtawanan pa kami ni Kuya at itinuloy na namin yung trabaho namin. Mas madali pala kapag nandito ako kasi halos lahat ng mga papeles dito ay kailangan ang pirma ko. Buti na nga lang at kaya ni Kuya iprint yung pirma ko e. Pinahintulutan ko naman siya dun.

Pagkatapos ko siyang tulungan ay pumunta na ako sa office ko at naupo sa swivel chair ko. Kailangan ko pala ng secretary.

Maya maya ay isa isa ng napasok yung mga papeles na kailangan kong asikasuhin. Mukhang marami rami ang trabaho ko ngayon ah?

Inisa isa ko ang mga papeles at hiniwalay ang dapat nakahiwalay. Ang dami palang kailangang ayusin at tapusin. Kawawa naman si Kuya.

Pagkatapos ng napakahabang pagaayos ng mga papel ay tumingin ako sa orasan ko at nagulat ako ng ala-una na pala.

Nalipasan na ako ng gutom TT^TT

Lumabas muna ako ng office at pumunta sa cafeteri ng office. Ang daming nakatingin sa akin at base sa mga istura nila ay hindi nila ako kilala pero yung mga guard kasi namin dito matatagal ng naninilbihan sa company kaya kilala niya ako.

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now