Chapter 17

7 0 0
                                    


*a few moments ago*

Zeke's POV

Tinawagan ko yung manager ko para i-cancel lahat ng gagawin ko ngayong araw kasi pupunta ako sa cafe ni Oliver. Ewan ko ba, hindi natalaga mawala sa isip ko si Sam e. May problema na ata ang utak ko.

Kamusta na kaya si Courtney at Coby? Di ata ako nabalitaan sa kasal nila ah?

Habang nag-dadrive ako ay may tumawag sa phone ko.

*Calling Kent*

"O Kent napatawag ka?"

["Pauwi na kami nila Tita. Mamaya punta ka dito ah?"]

"Oo naman no! Paborito ata akong pamangkin ni Tita"

["Kiel.."]

"Oh? Bakit ang lungkot mo?"

["Alam mo na ba?"]

"Na ano?"

"Wala na daw si Courts.."

Agad akong napa-preno sa narinig ko.

"Ano? Kelan pa?"

["Binalita lang din sakin ni Shaira e. Isang taon na daw patay si Courts. Hindi daw tayo matawagan ni Coby kasi nga busy siya. Iniimbita niya tayo sa 1st year death anniversary ni Courts."]

"Hindi ko maintindihan.."

["Kaya nga pumunta ka mamaya dito sa bahay at paguusapan natin ni Oliver"]

"Bakit kasama pa si Oliver?"

["Dapat malaman ng pinsan mo na nabaliw ka din dati kay Courts.."]

Kahit nagbibiro siya ay hindi ako natuwa.

"Sige sasabihin ko sa kaniya mamaya.."

*end*

Pinaandar ko kaagad ng mabilis yung kotse ko papunta dun sa cafe. Pagkadating ko ay agad akong nagpunta sa office niya at umupo sa harap niya.

"O Zeke, ang aga mo ata?"

Napapikit ako at hindi ko alam pero shocked talaga ako.

Naansin niya ata at nilapitan ako.

"Anong nangyari sayo?"

"Patay na sya.."

Lumapit pa siya sakin.

"Ano? Sinong patay na?"

"Si Courtney.."

Mukhang naguluhan ata siya at tumahimik.

Bumuntong hininga muna ako bago ko tinuloy yung storya na matagal ko nang gustong i-kwento sa kaniya.

"Si Courtney ay nakilala ko 1 year ago. Bago ako pumasok sa showbiz at ituloy ang career ko ay nakilala ko siya. Hindi ko alam pero may nagsasabi sa akin na siya si Atha. siya yung babaeng mahal ko."

"Sinundan namin siya ni Kenth at binantayan. Habang nagtatagal mas lalo kong napapatunayan na mali ako. Nung nalaman kong mali ako ay natutunan kong mahalin ang isang Courtney Alazon mula sa malayo."

"Alam kong duwag ako at lumayo ako sa kaniya pero kasi kesa naman ipagpilitan ko yung sarili ko sa kanila ni Coby. Balita ko magkababata sila at kagayang-kagaya ko si Coby noon na hanggang ngayon mahal parin si Atha. "

"Teka nga Zeke, ang Atha ba na sinasabi mo ay ang Atha natin? Yung nagtatrabaho dito sa cafe ko? Si Atha na yun?"

Nagulat siya sa naging sagot ko.

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now