Chapter 13

6 0 0
                                    


*1 and a half year later*

Samantha's POV

"Oy sisteret labas ka na nga dyan sa kwarto na yan! Kadalagang tao e pinagaantay ang beauty ko dito!"

Lumabas ako at binatukan itong bakla na kaibigan ko.

"Hoy Neil Bryan! Hindi ako dalaga no! Tsaka anong beauty ka dyan? Ganda na ba ang tawag mo dyan samukha mong yan?"

"Hoy bakla for your information, maganda talaga ako no! Tsaka hindi Neil Bryan! Brittany! Brittany ang pangalan ko!"

"Hindi ako bakla! Ikaw ang bakla, tanga!"

"Ay! ang harsh mo naman sakin bakla!"

"Tsk alam ko matagal na!"

"Kung hindi lang kia matalik na friend ay naku baka pinagpyestahan ka na ng mga gurang dyan sa labas no!"

"Oo na! Salamt sa tulong mo bakla!"

Tumawa nalang siya at lumabas na kami ng bahay!

Ako nga pala si Samantha Duque. 21 yrs. old at tipikal na tomboy sa Metro Manila. Simple lang ang buhay namin ni Bakla. Kung baga inampon ako nitong bakla na kasama ko. Wala kasi siyang anak at yung mga kamaganak niya ay malayo sa kabihasnan. Noong nakita niya akong nagpapalaboy-laboy lang sa kalsada ay tinulungan niya ako.

Kung baga malaki ang utang na loob ko sa baklang ito. Siya pala si Neil Bryan 'Brittany' Duque. 24 yrs. old na siya at sobrang bait niya sakin. Kahit na pilosopo ako at masakit magsalita tanggap niya parin kung ano talaga ako.

Wala akong alam kung sino ang mga magulang ko pero hindi na importante yun kasi kasama ko lang si Bakla kumpleto na ang simple naming buhay.

Lahat ng mga kabarangay namin kilala ako. Tropa pa nga kaming lahat e. ang saya lang kasi kahit hindi naman talaga ako tagarito sa kanila ay tinanggap nila ako katulad ni bakla.

Maghahanap kami ngayon ng trabaho ni bakla. Parang ang kulit ng tandem namin e no? Ako, Tomboy. Siya, Certified BAKLA. O di ba? Pero hindi kami talo kasi nga ang tingin niya sakin ay anak at ang tingin ko naman sa kaniya ay magulang ko.

Napakabait talaga ni bakla kasi kahit may utang na loob ako sa kaniya ay hindi niya ako pinagsamantalahan o binlack-mail tungkol dun.

Hulog talaga siya ng langit at napakaswerte ko at nakilala ko ang tulad niya.

Sumakay na kami ng jeep papunta dun sa fast-food restaurant na sinasabi ni bakla.

"Bakla, may nakalimutan pa ba tayo?"

Napatingin naman ako sa harapan ko kung saan nakaupo si bakla.

"Wala na! Ulyanin ka kasi e buti nalang kasama mo ako!"

"Good yan! Kaya masaya kang kasama gumora e!"

Natawa nalang ako sa sinabi niya.

----

Nagulat ako ng bumaba kami ng jeep. Nahampas ko siya sa balikat.

"Gaga ka bakla! Coffee shop to e hindi fast-food!"

"Ayy magkaiba ba yun? Tsaka ang sakit ng hampas mo bakla ah? Jojombagin kita dyan!"

Inirapan ko nalang siya.

Pagkapasok namin ay hinanap kaagad namin yug manager.

"Yung manager ba kamo? Pumasok nalang kayo sa office niya dun o!"

Tinuro nung babae kung nasaan yung office. Tumango nalang kaming dalawa at pumunta dun.

*knock knock*

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now