Chapter 20

5 1 0
                                    


Sam's POV

Hindi ko alam kung magpapanggap ba ako na hindi siya kilala o hahayaan ko nalang siya. Ewan tatakbo ba ako o mananatili nalang dito? Ha? Bakit ako tatakbo?

Nagsite ako ng mga dahilan para tumakbo. Napatigil ako sa pagbibilang sa kamay ko dahil may humawak sa kamay ko. Pagkaangat ko ng tingin ay si Coby. Tinitigan ko ang mga mata niya. Parang may kumurot sa loob ko. ANg sakit na makita siyang ganito. Pero kailangan kong panghawakan ang sinimulan ko na.

Sorry, Courtney pero kailangan natin to.

Iwinaglit ko yung kamay ko sa kaniya tapos tinignan siya ng nagtatanong.

"Courts.." mahinang tawag niya. Konti nalang maiiyak na talaga siya. With that bloodshot eyes and tired face alam kong naiyak siya.

Napapikit ako at pilit pinapaalala sa sarili ko na kailangan kong gawin to.

"Sinabi ko ng hindi ako si Courts na yan di ba? Mukha ba akong court?" bara ko sa kaniya pero yung loob ko patuloy na sumasakit.

Hindi siya umimik. Umiwas siya ng tingin at tumingala at halatang nagpipigil na talaga ng luha. Unti unti akong humakbang palayo sa kaniya pero nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

Napapikit ako uli at ang luhang kanina pa nagbabadya ay tumulo na. Pero nagpumiglas ako sa kaniya. Lalo akong nasasaktan.

Kailan ba matatapos ang sakit na ito?

Nang pumiglas ako ay hindi siya lumaban. Lumayo ako sa kaniya. Aabutin niya sana ang siko ko pero mas lalo akong lumayo. Umiling ako sabay tumalikod.

Ngumiti ako at the same time sunod sunod ng tumulo ang mga luha ko. Naglakad ako. Kahit masakit sa loob ko ginawa ko. Kailangan. Kung hindi ko ito gagawin hindi ko malalaman ang totoo.

"Courtney.." napatigil ako doon.

Sorry, Coby. Sorry.

Nagpatuloy ako hanggang sa nakarating ako sa bahay. Hindi ko alam kung gaano katagal akong naglakad basta alam kong pagod na ako.

Pagod na pagod na.

---

Nagiimpake ako ng mga damit ko ngayon. Tinignan ko yung picture namin ni bakla. Muli for the nth time, nagpunas ako ng luha. Para malaman ko ang lahat. Kailangan kong bumalik sa simula. Kailangan kong bumalik sa kung sino ako. Kung sino yung dating Atha.

Kailangan kong malaman ang lahat ang in order to do that I need to leave temporarily. Nilapag ko ang Leave of Absence kasama ang sulat ko para kay bakla.

I need to do this.

In a split second nakita ko si Courtney sa salamin na naiyak pero tumango siya. I smiled at niyakap ko ang sarili ko.

Ang dami naming isasakripisyo. Ang dami naming malalaman at kailangan handa kami sa lahat.

Babalik naman ako. Nagsisimula palang kami.

I think it's time.

---

Naalimpungatan ako ng huminto ang bus na sinasakyan ko. Nagstop over ata. Inabot ko ang tubigan ko at uminom ng tubig. Malayo layo pa ang lalakbayin ko. Kung tatantyahin ay mga 2 oras pa.

I looked at my phone na ngayo'y patay na dahil sinadya kong di magcharge. Alam kong tatawag sila. Pero kailangan ako lang ang magaayos nito. Hindi pa oras para malaman nila.

Nakalipas ang oras na pinakahihintay ko ay huminto ang bus sa terminal ng bayan kung saan ako lumaki ng sampung taon. Vivid parin ang lahat. Parang sandali lang nangyari. Parang kahapon lang.

You Lied ( COMPLETED )Where stories live. Discover now