Chapter 12: M-Multo?

5 0 0
                                    

*Chapter 12: M-Multo?

Warning: Vulgar Language!

Lia's POV

"Whoo...kaya ko toh. Kaya ko. Kaya ko. Whooo!" napailing na lang ako kay Cleith.

"Relax ka lang. Kala mo naman kakain ka ng prof eh." pang aasar ko pa.

"Wag kang basag trip!" pasigaw niyang bulong sa akin.

Itong lalaki na toh akala mo babae. Eh tapos na kaya yung presentation naming dalawa! Nage-evaluate na lang ng scores sa loob. Scores from classmates combined with my professor grade.

OA ng lalaking ito noh?!

"OA mo. Bahala ka nga dyan." at napairap na lang ako sa kawalan.

Alam niyo bang stressed na ako?! Like first week pa lang tambak na agad ng projects, presentations, quizzes and assignments! Hays.

"Ok you may come in." nagitla ako ng bumukas ang pinto at sinabi yan ng prof ko.

Bakit kailangan nasa labas? Para surprise daw. Daming nalalaman. Sapakin ko kayo diyan eh.

"Ok. The content is nice. The points are clearly explained at all. The flow and interaction with the audience or students are very well. You can answer questions that were thrown at you. It is almost perfect but nobody is perfect ika nga. Some words and points are not that clear pero nakukuha naman. Merong words na mali ang bigkas and nag stutter kayo in some difficult words. Pero dahil ok naman ang lahat, out of 80, you two will receive a score of 76." napahinga ako ng maluwag sa sinabi ng prof.

"Thank you po." yun na lang ang nasabi ko bago ako umupo sa upuan ko malamang!

Yung katabi ko tulala. Di atah makapaniwala.

"Ok that's all for today. Goodbye class." sabi ni prof saka lumabas na.

Nag aayusan na ng bag at ang iba ay palabas na ng room. Ako? Inaayos ko pa yung mga ginamit namin kanina at yung isa nakaupo pa din at tulala.

"Bye Lia! Congrats nga pala sa presentation niyo! You deserve it!" napangiti ako at kumaway na lang kay Red.

Si Red nga pala ay kaklase ko sa class na ito at sa tatlo pang klase.

"Bye Red. Ingat ka." yun na lang ang nasabi ko bago siya lumabas ng room.

Now, I am left with this guy. Tulala habang nag aayos ng gamit. Hays. Anyare ba dito?

"Huy. Gago!" napalingon naman siya sa akin.

"Ako?" turo pa niya sa sarili niya.

"Sino pa ba? Alangan naman yang katabi mo?" bigla siyang tumakbo papunta sa akin at kumapit sa braso ko.

"Ha?! Multo ba?! Multo b---Aray! Ano ba?!" hinampas ko siya ng malakas.

"OA mo. Kanina ka pa ha?! Makakatikim ka na sa akin!" inis kong sabi.

"Ehehehehehe. sowy na....hehehehe. Peace?" at tumawa tawa pa siya.

Pagkatapos ko mag ayos ng ginamit namin ay pumunta ako sa upuan ko at kinuha ang bag ko.

"Tara na. Ibabalik pa natin yang projector na ginamit natin." sambit ni Cleith.

Sabay kaming lumabas ng pintuan at kinuha niya pa yung projector bag sa akin at siya ang nagdala.

"Alam mo. Ang tahimik ng school ng ganitong oras...." sabi niya habang bumababa kami ng hagdan.

Papunta pa kaming main hall kase nandon ang library.

Cupid's Epic Fail ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon