Meet me at the Playground
Written by : StormRai
"Who can define their own definition of love?" tanong ng aming propesor.
Maraming nagbulong-bulungan, kaniya kaniyang opinyon kung ano nga ba ang kahulugan ng salitang Pag-Ibig.
Nagtaas ng kamay ang isa naming kaklaseng babae.
"Sir, Love is the feeling when you saw the person whom you really loved the most..." sagot ng kaklase namin.
Humiyaw naman ang iba.
Pinaupo na ni Sir ang babae naming kaklase, may nag-taas naman ulit ng isa pa nilang kamay, lalaki naman ito.
"Sir! Yung love, parang pagpipigil lang ng tae 'yan, mahirap pigilan, pero kailangang ilabas!" sagot niya at tumawa ng malakas gayon rin ang iba.
Mali...
Mali silang lahat.
Nag-taas ako ng aking kamay, at natahimik sila bigla.
"Yes, Ms. Arellano?" tanong ng aming sir.
"Sir...for me, love is like entering a playground and taking its risks..."
Nagtakha naman ang lahat.
"Papaano mo nasabi, Ms. Arellano?"
Huminga ako ng malalim.
"Ganoon naman talaga di'ba? You have to decide first kung papasok ka sa playground, kung papasok ka para sumaya, pero may chances na masaktan ka sa sobrang saya. You may not know the consequences when you're so happy, pero hindi mo na naiisip iyon kasi ang goal mo sumaya, kahit na alam mong masasaktan ka..."
Natahimik na naman silang lahat. Gayoon din ang aming propesor.
"Very well said, Ms. Arellano." nakangiting sabi ng guro sa akin.
I just smiled back, at umupo ulit sa upuan ko. Wala na akong pakialam sa mga bulong-bulungan ng iba, sinalampak ko lang ang aking earphones at nakinig nalang uli.
How do I know all of these?
Because, I myself, I'd experienced it.
And I'm Aradia Laurelein Arellano, and when I entered that playground? I'd lost to that dangerous game called...Love.
YOU ARE READING
Meet me, at the playground.
Romance"I fell inlove with the way you touched me without using your hands."