Kabanata I

19 2 0
                                    


Kabanata I :  Pilipinas

Written By :  StormRai


“Ara, are you sure na kaya mo na rito? Babalik ka na talaga? Wala ka na bang kahit anong nararamdaman?” bakas ang pag-aalala sa tanong ni Euphiema.

Kumuha ako ng popcorn na nasa gilid ko lamang tsaka sinagot ang tanong ni Euphie.

“Yup, Euphie. Excited ka na bang makita ako?” pagbibiro ko sa kaniya.

“Jesus, kung pwede nga lang na lumipad kami diyan ay pupuntahan ka namin, Aradia...” narinig ko ang mala-anghel niyang tawa.

“Pfft. Kamusta sila Asther?” tanong ko sa kaniya habang nanonood ng Harry Potter.

“Hmm, sila Asther nga ba ang kinakamusta? We've knew it, Ara...”

Natahimik ako. Ano bang pwedeng isagot rito kay Euphie? Ayoko naman na mag-alala sila dahil sa nangyari no'n.

“Wala 'yon, wag na kayong mag-alala.” sabi ko sa kaniya, gusto kong maging maayos lang ang boses ko para hindi niya mahalata na kinakabahan ako.

“Talaga? E nag-away nga sila Coleen at Carlei Ibarra dahil do'n?”

Ano daw? T-teka, nag away sila?

“Anong...nangyari?” paguusisa ko.

“We've stalked Coleen, Twitter, Instagram, Facebook or whatsoever. Halata ro'n na hindi siya okay, Until inamin niya yung nangyari, Naging ex mo pala si Carlei, huh?”

Sa tanong ni Euphie, ewan ko ba kung nang-aasar o nag-aalala e.

“Oo...” pag-amin ko.

“What happened? Sinaktan ka ba niya? We've told you before! Ibarra's are not worth it! Pero excempted si Coleen, she's good tho.” pageexplain ni Euphie.

Oo, alam ko naman iyon e.

Alam ko naman na masasaktan rin ako, pero alam niyo 'yon? Gusto niyong enjoyin yung time na masaya pa kayo before you get hurt? Parang tanga lang 'no?

“Sorry...” ayon na lang ang nasabi ko.

Akala ko ay sesermunan pa ako ni Euphie, pero hindi. Tumawa ang gaga.

“What the hell is that laugh, Euphiema?” iritado kong tanong sa kaniya.

“I've stalked Carlei Ibarra, and you know, girl? Wala pa siyang girlfriend hanggang ngayon. Siguro iniintay ka pa ni gago? Ayieeee.”

Ampotek. Siya 'tong nagsabi kanina na Ibarra's are not worth it! pero tinutulak parin ako kay Carlei, wow, just wow.

“Oh, ayon naman pala e. Jowain mo na, Euphie...” pagbibiro ko sa kaniya.

Nag-arte naman siyang nagsusukasukahan.

“Yuck. Yuck talaga. Ako? Papatol sa Ibarra? Sorry, High class ako. Ayoko sa mga lalaking tarantado.” pagdidiin niya. Aysus, di naman masiyadong gago si Carlei, slight lang.

“Stop with the Ibarra's talk, siguro bukas ay nandyan na ako, mamaya na kasi flight ko e...Mabilis lang naman siguro 'yon?” tanong ko sa kaniya.

“Oo naman 'no. Taiwan ka lang, excited na ako makita yung bagong Ara...” sabi ni Euphie. Napangiti naman ako.

I missed them too.

“Ako 'rin...” naka-ngiti kong sabi.

“I hope na okay ka na bago makarating rito, Ara...” sagot ni Euphie.

“Ewan ko sa'yo, Euphiema!” biro ko sa kaniya, ewan ko kung talagang concerned siya o nang-aasar e.

“Hay nako, Carlei. Ay charot.”

Tignan niyo? Ang hilig talaga mang-asar.

“Pero seriously, Aradia. Handa ka na bang makita si Carlei?”

Halata sa tono ni Euphie yung kaseryosohan ng boses niya. Handa na nga ba ako?


“Sana...” ayon na lamang ang nasabi ko at malungkot na ngumiti.

---

Meet me, at the playground. Where stories live. Discover now