Kabanata 6

9 1 0
                                    


StormRai: Kabanata 6 is up, Enjoy reading. : )

Kabanata 6: Water

Written by:  StormRai

“School festival is coming. Sa'n niyo gustong mag join, mga erp?” tanong samin ni Coleen as we walk through this great corridors of the school.

“Siguro, kung nasa'n na lang si Ara, I'll be there.” singit ni Yeshua.

Nilingon ko naman si Euphie, binigyan ko siya ng pang-asar na ngiti, sinamaan niya lang ako ng tingin.

“Yeshua, can I bring Euphiema?” tanong ko agad kay Yeshua, Hoho, tutulungan ko siyempre friend ko.

“Where?”

“Do'n sa sasalihan ko.”

“Sure, it will be great!” masayang sabi ni Yeshua at pakiramdam ko biglang uminit ang pisngi ni Euphie dahil nag-iwas siya ng tingin.

“Ano ba 'yan? Ang daya! Ako ri'n! Sasali nalang ri'n ako kung nasa'n sila Ara, ikaw Coleen, sa'n ka?” tanong ni Asther kay Coleen.

“Hihiwalay na muna ako for now. Hehe. Do'n ako sa photography club.” sagot naman ni Coleen.

Photography club? I've heard ando'n yung crush niya?

“Sus. Ando'n lang kasi si Joshen e.” asar naman netong si Euphie. Sinenyasan naman ni Coleen na tumahimik lang siya.

“Oops! Huli!” asar ko naman kay Coleen. Tumawa nalang kaming lahat.

Sila Coleen at Asther pumunta muna sa may Junior High School Building dahil isa sila sa officers ng SSG, may meeting raw sila ro'n.

Si Euphiema naman, as long as na gusto niya kaming kasama or si Yeshua lang, may aasikasuhin ri'n raw siya.

“Yeshua, hindi ka ba nagugutom?” tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi kami naggagala gala sa school, sabi kasi nila itotour nila ako sa mga di ko pa napuntahan.

“Hmm, ikaw?” tanong niya.

“Gutom na, hehe. Tara kain tayo sa gym?” alok ko sa kaniya. For sure kasi walang tao ro'n sa gym, di crowded. Kaya mas better if kami lang ang nando'n, mas peaceful kumain.

“Okay, sige.”

Pagkarating namin sa gym, bumili muna si Yeshua ng lunch niya. Di daw kasi siya nakapagbaon, binuksan ko na yung dala kong baunan at inamoy yung masarap na spam na nakahain sa'kin.

Nagsimula na akong sumubo, at mga ilang subo palang ng spam at kanin ay may narinig na akong nagdridrible ng bola, imposible namang si Yeshua 'yon, di'ba? Kasi may dala siyang pagkain.

Sinilip ko kung sino ito, at nagulat ako ng makita ko si Carlei wearing his basketball jersey and shorts.

Pinanood ko siyang mag-laro, practice niya siguro for upcoming school festival. Gano'n parin siya kagaling mag-laro katulad nu'ng dati. I watched him till he notice me na nandito sa gym.

Bigla akong nag-iwas ng tingin, baka kung ano pang sabihin ne'to. Sumubo nalang ako ng sumubo ng kanin, I thought nu'ng napansin na ako ni Carlei ay aalis na siya, pero hindi. Ramdam kong lumalapit siya sa direksyon ko.

Bakit gan'to? Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Baka kinakabahan lang.

“Why are you eating up, here?” tanong niya sa usual niyang boses.

Hindi pa ako lumilingon, kumain lang ako ng kumain, hanggang sa ramdam ko na nabibilaukan na ako, shit! Asan yung tubig ko!?

Tinignan ko ang baunan ko, Oh great. Di ko nadala tumbler ko, how nice.

“Do you want some, water?” rinig kong alok niya at naglabas ng isang mineral water bottle.

Kukunin ko ba?

Is he joking or what?

Pero...mukha siyang seryoso, e.

Okay fine, kunin natin. Sayang naman.

“T-Thank you...”

Akmang kukunin ko na ito ng bigla niya itong binitawan mismo sa harapan ko.

S-Shit.

“Ops, kasalanan ko bang tatanga-tanga ka? You want water? Then go buy one.”

Natunganga ako sa kinauupan ko, pinagmamasdan ko parin yung nahulog na mineral bottle. Hindi naman ito nakabukas kaya hindi ito natapon, pero ayoko ng kunin.

Napahiya ako.

Pinahiya ako ni Carlei.

Shit.

Lumabas na siya papalabas ng gymnasium na sakto naman ng pagdating ni Yeshua. Nakatingin lang ako kay Yeshua at nakatulala.

“Hey? Ara? Okay ka lang? Did Carlei did something to you? Nakita ko siya kanina, e.” sabi ni Yeshua.

Hindi parin ako makapaniwala. Gano'n ba 'yon? Do Carlei need to do something stupid to me? Para masabi lang na nakaganti siya?

“Fuck him.” mariin kong sabi.

“Huh? Fuck who?”

Napalingon ako kay Yeshua, andito pala siya.

“Carlei.” maikling sabi ko.

“What did that fucking bastard do?” inis na tanong ni Yeshua.


“Nevermind.”

Hindi na ako tinanong ni Yeshua pero I've heard him saying cursing things, hindi ko nalang inintindi.

Nawalan ako ng ganang kumain, still thinking about what happened between me and Carlei.

----

Meet me, at the playground. Where stories live. Discover now