Kabanata 5

20 1 0
                                    

Kabanata 5: Why so cold?

Written By: StormRai

“Are you even serious? Nakita mo si Lei kanina? As in ri'to sa school?” kanina pang tanong nila Coleen at Euphie.

“Ano ba kayo? Sinabi na nga ni Aradia ih. Ansabi sa'yo ni Carlei?” tanong ni Asther.

Hindi ko parin sila pinapansin. Di ko parin maabsorb yo'ng tingin sa'kin ni Carlei kanina.

Sobrang cold, ang lamig talaga as in. Kumpara no'n...

Bakit ka ba nagtatanong, Ara? E ikaw ri'n ang gumawa niyan sa kaniya.

“Hoy, Aradia!”

Nagulat ako nu'ng biglang sumigaw si Asther. Takte nakakarindi ng tenga.

“A-ano yo'n?” wala sa sarili kong tanong.

“Jusme. Sabi ko, Anong sabi ng ex mo, si Carlei! Jusko!”

“He didn't say anything. It's just that...”

“Just what, Ara?” tanong ni Coleen.

“His eyes, I don't want to stare at his eyes, anymore...”

Alam kong nagtakha sila sa sinabi ko pero hindi ko pa kaya magexplain ngayon, I can't even tell them na biglaan ang pakikita namin ni Carlei.

“Hindi ko alam kung ba't andito pa si Lei, I'm so sorry, Ara.” malungkot na sabi ni Coleen.

“Wala kang kasalanan Coleen, It's okay. Tsaka nabigla lang ako, Wala na kami, remember? Kaya okay lang.” I assured her with a smile.

“Just tell us Ara, if he hurts you or what, ha? I'll go punch that bastard!” confident na sabi ni Euphie, napatawa naman ako.

“Okay, okay.”

Pumasok na kami sa room, maya-maya pa ay nagsidatingan na ri'n ang lahat ng classmates namin, I've seen familiar faces at grineet naman nila ako.

“Sup, Lauren?” tanong ni Yeshua Ty. Friend ko ri'n siya no'n.

“Okay lang naman Yeshua, ikaw? How's your family business?” tanong ko naman sa kaniya.

“Oh well, okay lang naman. I heard na baka mag-partner ang Ty at Arellano sa isang project na ilalunch next year, are you up?” cool niyang tanong, gano'n parin talaga si Yeshua, ang astig ng impact sa iba. What do I expect? Gwapo ri'n ang mga kapatid niya, e.

“Yup. Kung kasama ka ri'n.” masaya kong sabi sa kaniya.

“Oh well then, Friends na ulit tayo?” inosente niyang sabi.

“Friends naman tayo, a? Pumunta lang ako ng Taiwan, ni F.O mo na pala ako? Ouch.” biro ko sa kaniya, napatawa naman siya.

“Ofcourse not, Asther told us na ibang-iba ka na raw sa Aradia na puno ng make ups no'n and that spoily little bratty, and probably, I can see it now, pfft.” may halong pang-aasar na sabi ni Yeshua.

“Whatever, Ty.” biro ko ri'n sa kaniya.

Noon kasi, Gustong gusto ko talaga ng makeups na makakapal. Kasi ang tingin ko no'n, if you wear a lot of make ups EVERYDAY, Maganda ka na. But then habang nasa Taiwan ako, and as I grow older, narealize ko na hindi. Hindi sa makeups and lipsticks nakikita ang tunay na ganda, kundi sa ugali. Aanhin mo iyang ganda mo kung yo'ng ugali mo ay batang pang kinder?

Pero sa society ngayon, di na maiiwasan na if you're beautiful, dapat irespeto ka. Pero kapag hindi ka gano'n kaganda, papabayaan ka lang nila. Yeah, Society sucks.

“Did you and Carlei talked to each other na ba? I saw him earlier this morning. He's with his cousins, pero wala ro'n si Coleen, what happened?” tanong ni Yeshua.

Should I tell him?

“It's nothing, really.” sagot ko sa kaniya.

“Sure ka? Sinaktan ka ba niya?” tanong ulit ni Yeshua.

No, ako ang nanakit.


“Nope.”

“Okay, sabi mo e. Pero if he did anything to you or what, just tell me, kahit sila pa yung mas mayaman sa'min, It won't be a hindrance for me to punch him.” pagbabanta ni Yeshua.

Tumango nalang ako ta's ngumiti.


“Bye na muna, punta lang ako sa friends ko.” pagpapaalam ni Yeshua at umalis na siya.

Bigla naman akong nilapitan nila Euphie, nasa unahan kasing row sila samantalang ako e last row.


“Ansabi sa'yo ni, Yeshua?” curious niyang tanong at umupo sa may katabi kong upuan na bakante naman.


“Kinamusta lang ako, why? Pinapatanong ba ni Asther?” biro ko sa kaniya. Baka kasi crush ni Asther si Yeshua, maraming crush si Asther rito sa school.


“N-nope. sa iba na siya, e. Hehe.”

“Bakit ka nauutal, Euphie?” tanong ko sa kaniya.

“Hala! Ako? Nauutal? Hindi 'noooo.” pagtatanggi niya pa. Aha! I knew it! Euphie has a crush on Yeshua!

“God, Euphiema. Nagkakacrush ka pala?” asar ko sa kaniya.

“Oo naman! Babae ren naman ako, a? Tsk.” inis na sabi ni Euphie.

“Did Asther and Coleen knew this?” tanong ko kay Euphie at tumingin kila Coleen at Asther na nagaayos ng teachers table.


“N-no. Hehe. W'ag mo muna sasabihin, Ara ha? Kasi pagtatawanan ako nu'n.” sabi ni Euphiema at bahagyang namula. Hala ang cute ni Euphie

“Okay, okay. Sure.” sabi ko sa kaniya.


Tumawa naman kaming dalawa ni Euphie at pumunta na rin siya do'n sa upuan niya. Dumating na kasi yung teacher namin ngayong araw, kasama si Carlei.

Shit. Kaklase ko pala ang ex ko.

Sinenyasan ng teacher namin na umupo na si Carlei...

Tinignan ko ang hindi pa okupado na mga upuan, yung katabing upuan ko nalang ang wala pang naka-upo, so does it mean...?

Shit.

Great.

Umupo na si Carlei sa may katabi kong upuan. I tried to not act that awkward kasi baka sabihin niyang ignorante ako. Kaya I'd greeted him.


“Hi, Carlei.” bati ko sa kaniya.

Tinignan niya naman ako, his eyes are cold parin, katulad nu'ng nakita ko kanina. But his features stayed the same. Ibarrang Ibarra parin.



“Hmm.” ayon lang ang sinagot niya at lumingon na ulit sa may harapan.

Uh-oh.

I guess I have to deal with this Iceberg, Ibarra.


-----





Meet me, at the playground. Where stories live. Discover now