StormRai: Bago ko simulan 'yung Kabanata na 'to. Update ko lang kayo hehe, Meet me at the playground highest achieved rank is #6 in playground category. Unexpected 'to guys, lol. Thank you and Godbless!
Kabanata 4: Cold eyes
Written by: StormRai
School days had come. Ngayon ay nasa sakayan ako ng jeep para pumasok sa school, no choice ako kung hindi gumising ng umaga mula Taguig at babyahe sa Antipolo. Antipolo State University ako nag-aaral.
Panget yung Initials ng school namin, wag niyo ng banggitin.
Isang sakay nalang ng jeep at makakarating na ako sa school. 7:15 na, siguro wala pa naman ang mga teachers ro'n. Kabisado ko na sila, diyan rin kasi yung mga naikwento nila Euphie na teachers sa akin.
Patiently I've waited sa jeep na dadating. At may natanawan nga akong jeep, pinara ko ito at sumakay.
Humanap ako ng pwesto kung sa'n ako pwedeng maka-upo, doon ako tumabi sa matandang may dala ng bayong. Matapos kong maka-upo ay kinuha ko agad ang cellphone ko at sinalampak ang earphones.
Ilang minuto rin ay naibaba na ako sa gate ng school namin. Tinignan ko ang kabuuan ng eskwelahan, halata mo agad na puro mayayaman ang mga estudyante rito, may mga sariling sasakyan e.
Mula sa matatayog nitong mga haligi hanggang sa school grounds, perpekto ang disenyo. Ang galing. Nakakamangha...
Pumasok na ako sa loob, may mga ilang estudyante na nagtitinginan sa'kin, siguro di na nila ako namukhaan? Okay na 'yon. Para kunwari new student, tas painosente.
Nag-iba na rin kasi yung administration rito, o di'ba updated ako? Lagi kasi sa aking kinekwento nila Asther.
Speaking of those brats, asan na yung mga 'yon?
Kinuha ko ang cellphone ko at tumipa ng text na isesend kila Asther.
Ang ganda ni Euphiema GC :
• Active now
Ayan, online silang lahat. Takteng pangalan ng gc na 'yan.
Ako :
Asan kayo, mga gunggong?
Nag-intay ako ng reply nila, sumagot naman si Coleen.
Coleen :
Andito na ako sa room, si Euphie nasa canteen, si Asther ayon nakikipag-landian kay Ranz. Charot. Asan ka na?
Ako :
Asa labas ako ng school, I mean sa school grounds na pala. Anong room natin?
Magkakasection kasi kami nila Asther, ayon ang alam ko. Pero yung iba pa naming classmates di ko kilala kung sino sila.
Coleen :
Room 4b. Onti palang yung mga nandito, c'mon Aradia, make it faster. 😂
Ahh, make it faster pala, a?
Ako :
Ughh, Coleen, Ughh.
Napatawa naman ako. Sorry na, loko loko e.
Coleen :
Gago.
Sineen ko nalang yung message, hinanap ko na agad kung nasaan yung Room 4b. Jusko, Ara. Senior High ka na ta's di mo parin alam kung saan room mo? Great.
Nagtanong-tanong ako sa mga estudyante na nakikita ko sa hallway ng SHS Building. Sabi nila Second floor raw kaya ayon yung sinunod ko, hinanap ko yung elevator rito sa school, sosyal kami bakit ba?
Kaso, andami ring nakasakay sa elevator, gandang timing naman! Now I all have to make lakad-lakad sa nakakairitang hagdanan na 'yan, pagka'y haba haba!
Dahil bago yung sapatos ko, ayokong masira agad. Hinubad ko ito at inilagay muna sa bag, wala akong pake kung may makakita sa'kin, aarte pa ba ako?
Sinimulan ko ng umakyat, dahil tamad na tamad ako, nakayuko lang ako at di ko namalayan na may nabunggo na pala akong napakalaking katawan. Ampotek, gandang first day of school.
“Di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?” rinig kong sabi nung pamilyar na tono ng boses na 'yon...
Inangat ko ang tingin ko at nakumpirma ko na siya nga.
Ayoko namang magreklamo kasi kasalanan ko naman. P-pero, akala ko ba...
“Ano? Tutunganga ka parin diyan? Alis.” mariin niyang sabi sa'kin.
Tumabi nalang ako at pinanood ko siyang bumaba, naalala ko nu'ng nakatingin ako sa mga mata niya...ibang iba...
Napaka lamig, walang emosyon ang nakita ko.
Sa mga mata ni Carlei.
---
YOU ARE READING
Meet me, at the playground.
Romance"I fell inlove with the way you touched me without using your hands."