Kabanata 8

7 0 0
                                    


Kabanata 8: Awkward

Written by: StormRai

Simula nu'ng paguusap namin na 'yon, naging tuloy tuloy na ang madalas naming pag-sama ni Carlei.

“Huy! Di nga, seryoso. Nagkabalikan na ba kayo?” kanina pang tanong ni Coleen.

Andito kami ngayon sa library at nagrereview sa pre-cal. Hirap pala pag Senior High na ano? Paano pa kaya pag College? God.

Hindi ko siya pinansin. Patuloy parin ako sa pagrereview.

“Jesus, Aradia!”

Nagulat ako sa bigla niyang pag-sigaw. Takte, parang mangangain, e!

Inis akong lumingon sa kaniya. “What?”

“Sabi ko, kung nagkabalikan na ba kayo ng pinsan kong gunggong?” tanong niya pa muli, narinig ko naman kanina yung sinabi niya, di nga lang ako interesado na pag-usapan.

“Nope.” maikli kong sagot.

“E, bakit mukhang close na kayo?” tanong pa muli ni Coleen.

Honestly, di ko rin alam ang isasagot. Hindi ko alam if surely na okay na kami ni Carlei. Hindi ko rin alam if he's just doing this because mag-partner kami sa assigned project samin ni Mark, di ko talaga alam.

“Siguro, he's just working professionaly. Magka-partner kami sa Calatagan Project, di'ba? That's it.”

Napataas ng kilay si Coleen.

“Nah. I don't think so, I've knew Carlei for so long, hindi parehas ng actions niya ang sinasabi niya. Alam mo naman 'yon siguro?”

“Hindi. E'wan ko. Bahala na.”

Napatawa naman si Coleen, the heck? Parang timang.

“How I wish na sana nando'n rin yung bebe ko, kasama ko sa Calatagan, hays.” wala sa sariling banggit ni Coleen.

Oo nga, di ko rin nakita yung name ni Josh do'n sa list. Bakit kaya?

“Di kasama crush mo?”

“Oo. May iba raw gagawin. Hmp.”

Kawawa naman. Olats sa crush niya.

Nagreview na ulit kami ni Coleen ng biglang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ko lang.

And it popped Carlei's name.

Carlei :

Susunduin kita after class, sa'n ka tatambay?

The heck. Eto na naman siya. Last days ganiyan rin 'yan, siya ang sumusundo sa'kin afterclass instead na mag jejeep nalang ako. Tapos hanggang ngayon, gan'to parin? Nakakaloka ka, Carlei.

Bago pa ako makapagsend ng reply, bigla na namang sumingit si Coleen.

“Oh holy mothercow, is that Carlei? Susunduin ka niya, ulit?” OA na tanong ni Coleen.

“Oo, sabi niya e.”

“Tangina, baka magkabalikan kayo niyan, ha? Naku. Panigurado, comeback iyan.” banggit naman ni Coleen.

“No. Wala na akong feelings sa pinsan mo, okay?” paglilinaw ko sa kaniya.

“Oh sige, sabi mo e.” hagikgik ni Coleen.

Ako :

Na naman? Okay lang, kaya ko mag-jeep.

Ilang minuto rin, nagreply ulit si Carlei.

Carlei :

Nah. Sumabay ka nalang nga sa'kin, ang kulit mo.

Ako pa makulit? Gash.

Ako :

Okay, bahala ka.

Hindi na nagreply pa si Carlei. Nagreview nalang ulit kami ni Coleen hanggang sa sumapit na nga ang uwian.

Nag-intay ako sa may bench sa labas ng school. Kasama ko sila Euphie, Asther at Coleen, they're still teasing me because of the taught that Carlei will fetch me, putek.

“I wonder, sa'n ka kaya dadalhin ni Carlei? Hmmm?” asar parin ni Euphie.

“Oo nga, sa mansyon kaya nila Coleen? Oh God, mamemeet mo na yung parents ni Carlei! Do I have to prepare my dress?” sabi naman ni Asther at tumawa ng pagka-lakas.

“Uy guys stop na. Naiirita na si Ara, pero sige tuloy natin. Joke!” gatol pa ne'tong si Coleen.

“E'wan ko sa inyo.” maikli kong sambat sa kaniya.

Imbes na tanungin nila ako kung naiinis ako or what nagtawanan lang ulit sila, Gosh.

“Hey, I have to go na, a? May lalakarin pa ako. Sabay ka na, Asther?” alok ni Euphiema.

“Oo, need ko na ri'n umalis. Bye!” sabi ni Asther at hinila na papalayo si Euphiema. Kaming dalawa nalang ni Coleen ang natira.

“Hey, you can go home na, a? Baka hindi ka comfortable kapag nandito si Carlei...” mahinahon kong sabi sa kaniya.

“Nope. It's okay, sasamahan kita ri'to.”

“You sure?”

“Yep. Tsaka, di na kami mga bata, I'm sure Carlei won't do anything.”

I just nodded. Tama naman si Coleen.

Ilang minuto lang ay tumapat na samin ang Montero Sports ni Carlei.

Bumaba si Carlei, naka-suot siya ng white sweater tapos black jeans tas shades. He looked cool tho. Ilang beses ko na rin siyang di nakikita na mag ganiyan, kasi puro school uniform syempre ang suot namin.

“Oh, andito ka pala Coleen, I thought si Ara lang.” banggit ni Carlei ng makalapit ito samin.

“Yup. Bakit, makakaistorbo ba ako?” may halong pang aasar at sarcasm sa tono ni Aradia.

“Tss.” maikling sabi ni Carlei.

“W'ag kayong magaway sa harapan ko, inaaway mo na naman si Coleen.” sabi ko sabay baling kay Carlei.

“What? Ano'ng ginawa ko? I didn't do anything.” pacool na sabi ni Carlei.

“Sus. Galit ka lang sa'kin.” straight forward na sabi ni Coleen. “By the way, sinamahan ko lang naman si Ara rito, Baka kasi alam mo na...” pang-asar na sabi pa ni Coleen.

“Have your life, Leen.” seryosong sabi ni Carlei.

“Pffft. I have to go na rin, Ara. Bye. I love you.” asal sa'kin ni Coleen then she planted a peck on my cheeks.

Nakaalis na si Coleen, kaming dalawa nalang ni Carlei naririto, okay, I know na madalas na kaming magkasama pero ang awkward parin.

“So, sasakay ka o iiwan kita?”

Ang sungit. Kala mo naman.

“Eto na nga di'ba? Naglalakad na nga, e.”

Sumakay na ako sa sasakyan niya, naging busy rin ito dahil nga sa ticket at passports namin na siya na raw ang magaasikaso.


Nagsimula ng magdrive si Carlei.


“Why did Coleen...” mahinang sambit ni Carlei.


“Coleen did what?”


“Nothing, nevermind.”

Weird.

---

Meet me, at the playground. Where stories live. Discover now