Kabanata 9: Pack-upWritten by: StormRai
“Ano'ng oras ka susunduin ni Carlei?” tanong ni Tita Grace habang nagpreprepare ng food.
“Siguro po mga 5pm pa po. 8:30 daw po flight e.” sagot ko kay Tita.
Ngayon na ang flight namin nila Carlei papuntang Calatagan. Hindi ko makakasabay si Coleen kasi kasama niya raw si Arielle na aalis.
Arielle is one of our classmates, by the way.
“Did you prepare everything? Okay na lahat ng gamit mo? I won't see you na babalik pa rito para kunin lang iyan, ah?” pang-asar na sabi ni Tita Grace, napatawa nalang ako.
Nag-aayos ako ng libro na dadalhin ko ro'n sa Calatagan. Ayoko namang maging bored kapag may spare time ako.
I saw some Harry Potter books na libro rin nila Tita Grace. I'm fond of reading J.K Rowlings Novels, especially Harry Potter.
I like how strong Harry Potter was. Imagine, he had no parents nu'ng lumaki siya, tapos hina-hunting pa siya ni Voldemort.
Dinala ko yung books ng Harry Potter. From Sorcerer's to Deathly.
Nagulat naman ako ng biglang tumunong cellphone ko.
Carlei :
Are you ready? Ayokong babagal-bagal mamaya. Hassle.
Ako :
You don't have to worry. Besides, mas mabilis ako kaysa sa'yo.
Carlei :
Really? Dapat ba mas lalo kong bilisan?
Teka. Iba naisip ko ro'n, a.
“Kulit ne'to, Tss.” bulong ko sa aking sarili.
Ako :
E'wan ko sa'yo. Bye.
Di na siya nagreply, ayan sa wakas natigilan.
Kumain muna ako nu'ng niluluto ni Tita Grace, ang sarap talaga ng luto ni Tita lalo na't tanghalian pa. Adobo is the best.
Wala pa si Tito, busy raw sabi ni Tita. Call center kasi si Tito.
Wala pa silang anak ni Tito Alex kaya alagang-alaga ako ri'to. Di pa naman gano'n katanda sila Tito para mawalan na ng pag-asa na magka-anak. I'm still enjoying being a baby to Arellano's.
Buti pa rito, baby ako. E do'n sa step-mother ko, alalay lang ako.
“Masarap ba ang luto ko, Ara?” magiliw na tanong ni Tita. I nodded and smile for an answer.
“Nga pala, I've heard na naging kayo ni Carlei. It's not a big deal to me, Aradia. Pero, how? And, parang friends na ulit kayo?”
Nagulat ako sa biglaang pag-tanong ni Tita Grace. Hindi ko alam ang isasagot ko, nakatingin lang ako sa kaniya. Pano niya nalaman? Sinabi kaya ni Coleen sa kaniya?
“Did Coleen told you po, ba?” magalang kong tanong, I don't want to sound rude.
“Hindi. Pansin ko lang. Iwas ka sa topic kapag napupunta sa usapan sa mga Ibarra.”
Yeah. True enough. Tita Grace knew some of them in their family. Nababanggit niya ito sa akin minsan pero still umiiwas ako sa topic. E'wan. Nababadmood ako, e.
“Opo Tita. Naging kami po.”
“Wala akong tutol kung naging kayo. Pero ang akin lang, kung sakaling magkabalikan kayo, please know kung sasaktan ka niya or hindi, you're too precious Aradia. Never let anyone break you, up.”
YOU ARE READING
Meet me, at the playground.
Romance"I fell inlove with the way you touched me without using your hands."