Kabanata 13: Iwas
Written by: StormRai
"Please? Si Yeshua nalang ang kapartner ko. Sige na Arielle, can you please tell them na lang?"
Although alam kong papatayin ako ni Euphiema if she knew na pinipilit kong ipartner si Yeshua Ty, I don't care. Ayokong makapartner si Carlei, Tama na yong nangyari kanina sa tent. Doon na magtatapos 'yon.
"Okay fine..."
Napatalon naman ako sa tuwa nung sinabi iyon ni Arielle. Yes! Buti nalang! Wala ng problema!
Nagpaalam na ako kay Arielle na kasalukuyang nag-aayos ng lists para sa attendance.
Hinanap ng paningin ko si Yeshua para sabihin na pumayag naman ang student council so we don't have to worry. Pero iba nahagip ng paningin ko, si Carlei.
Nakatingin siya sa akin habang papalapit siya sa gawi ko, I saw his face went dark and his jaw clenched. Ewan ko kung mannerism niya na yon na para bang galit siya tuwing ginagawa yan o naiinis, Aish! I don't care.
Aalis na sana ako when I knew it was too late. I was caught by his arms and I've felt his warmth once again.
"Oh, ano na naman, Carlei?" inis kong untag sa kaniya.
Pumikit siya at huminga ng malalim. Para ngang nagpipigil ng galit o inis. Pake ko diyan.
"Bakit si Yeshua ang kapartner mo? I've heard it from Coleen."
Alam niya? And Coleen told him? Wala namang kaso kung sinabi ni Coleen, pero naguusap na talaga sila? So does it mean, bati na sila?
"Bati na kayo?" tanong ko sa kaniya pabalik.
"Stop avoiding the topic, Aradia Laurlein. I'm the one who's asking."
Ako naiinis na talaga ah. Masama bang magtanong!? Concerned lang naman ako sa kaibigan ko, ah!
"Sa tanong mo, Oo. Kapartner ko nga si Yeshua. Anong problema ron? You have your girls in here naman di'ba? Why bother, Carlei James?"
How can I say na andito yung mga babae niya? E halos kaya lahat ng babae niya rito nakalandian niya na! Oh, chochoosy pa ba siya niyan? Knowing him, he'll definitely go through it!
"What girls? Baka nga ikaw ang may lalaki rito." sabi niya sabay sama ulit ng tingin.
The fuck! Ako pa talaga? Wala nga akong nilalandi rito! Tsaka excuse me? Hindi ako malandi, unlike him!
"Excuse me, sinong tinutukoy mo? I don't have boys here."
"So anong tawag mo kay Yeshua? Your toy? Na pwede mong kunin habang wala kang ibang pinagkakaabahalahan? Is that it?"
Napaawang ang bibig ko sa kaniya. What just he said? Yeshua's my freakin...TOY!?!
Sinampal ko siya. Yung madiin at alam kong masasaktan talaga siya ng sobra. I don't care kung may makakita man sa amin o ano, Carlei's below the belt! Grabe na siya!
Napahawak siya sa pisngi niya kung saan ko ito sinampal. Hindi bumakat yung kamay ko, sayang.
"What the hell did you do--"
"Stop being like that! Masiyado ka ng sumosobra! How dare you to speak like that to him, huh Ibarra? Wala siyang ginagawa sa'yo, why are you saying this things about him? Yeshua's not my toy! He's a good friend! He's good enough more than you! Such grievous!"
Napatanga naman siya sa sinabi ko. Wala na akong pakealam kung masaktan siya o ano! Bahala siya diyan!
Umalis na ako kung nasan siya. Hinanap ko si Yeshua at nadatnan ko siyang nagluluto ng pagkain. See! How can Carlei speak bad things to this kind of man? Napakabait ni Yeshua, he doesn't deserve this kind of treatment.
Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako humarap kay Yeshua.
"Yeshua..."
Nung napansin niya na nasa likod niya ako, he suddenly smiled.
"Andito ka pala, Ara. You want? Nagluto ako ng Adobo for you, diba favourite mo ito?"
I smiled while I nod. "Oo, marunong ka pala magluto?"
"Well, Kuya Yalex taught me how to cook. Marunong kaming maglutong tatlo nila Yohan..." pag eexplain niya habang tinitignan kung okay na ba yung niluluto niya.
"Buti nahanap mo yung kusina rito, ano?" paano kasi, campsite ito pero may mga comfort rooms naman na pwede naming puntahan, as well as kitchens, hindi naman kasi kami totally mag cacamping nga rito, sa Altarra kami tutuloy after this day.
"Yup! Nag decide akong ipagluto ka e, pambawi man lang kasi di tayo nagkasabay nung pagpunta rito...Sorry..."
"Okay lang 'yun! Di ko rin naman alam kung bakit ako sumabay sa mga Ibarra, andon kasi si Coleen, sorry rin..."
Naguilty naman ako dahil dinahilan ko si Coleen. Pero, ayon naman talaga diba? Andon si Coleen kaya ako sumabay, Tama.
Nag-usap pa kami ng kaunti ni Yeshua ng bigla kaming tinawag ni Coleen na naka hiking attire na.
"Oh? Tara na! Magsisimula na yung hiking. Magkapartner na kayo diba?"
Tumango naman kaming dalawa ni Yeshua. Binilin niya nalang sa isang taga campsite na bantayan ang iniluluto niya kasi for sure dito kami magdidinner rin sa campsite.
Nagpunas si Yeshua ng kaniyang kamay at lumingon siyang muli sa akin.
Parehas naman na kaming naka hiking attire ngayon.
"Let's go?"
"Sure."
-------
YOU ARE READING
Meet me, at the playground.
Romance"I fell inlove with the way you touched me without using your hands."