Kabanata 12: Day 1
Written by: StormRai
"Kuya Luhence? Yes, please...Opo, kailangan ko po bago mag end ang week. Is it fine with you? Oh...okay, thanks.”
Napatingin ako kung nasa'n si Carlei ngayon, mukhang may tinatawagan siya. And who's this Luhence...huh? Another cousin of his?
I wonder, mahirap kaya banggitin ang pangalan niya? Katulad kay Trei? Ibarra's boys names are hard to pronounce.
Bakit ko nga ba iniisip iyan? You shouldn't even give a care, Aradia.
Nagpatuloy nalang ako sa pagaayos ng tent. Nilagay ko nalang ang isang stick ron na black na hindi ko malaman kung anong tawag at natapos na rin naman ito.
Masaya akong pumasok sa loob ng tent na itinayo ko mag-isa, for how many years! May pagbubunga ang girl scout days nung elems!
Humiga ako sa tent na ginawa ko at naramdaman ko naman na komportable ako rito.
Papikit na sana ako ng bigla kong naramdaman na may pumasok sa tent ko.
"Hoy, Ibarra! Bakit ka andito? Alis!" pagtataboy ko sa kaniya.
"Pinagtatabuyan mo na naman ako..."
Bakit feeling ko parang nag papaawa siya? God Carlei, di bagay.
"Wag muna ngayon, okay? Magpapahinga lang ako. Eenjoyin ko yung tent. Babalik na naman kasi tayo roon sa Altarra after this day, right? Pa book book pa kasi."
Akala ko matitigilan na siya at aalis pero mas lalo pa siyang lumapit sa akin at humiga katabi ko.
"Ayaw mo sa Altarra? Nagagalit ka ba kasi di kita nadala don nung tayo pa?"
Ano? Ano daw? Tingin ba niya ay nanghihinayang ako? No! Not in a freaking years!
"Hindi 'no." maikli kong sagot sa kaniya. Siguro iniisip niya na I want us back? Na gusto ko siya, ulit? Na I want him back with my open arms together? Yuck! Natuto na ako.
Tumagilid nalang ako ng pwesto ng higa kasi ramdam ko parin yung presensya nya rito sa tent. Bakit ganon, naiinis ako?
Nagulat nalang ako ng bigla niya akong niyakap ng nakapatagilid rin. I've felt his warmth touching my skin, it gave me shivers pero hindi ko ito pinahalata. What the hell is wrong with this guy?
"You...mad?" painosente niyang tanong habang nakayakap parin sakin. I've closed my eyes at nag kunwari akong natutulog so he don't have to talk that much.
Ano namang pake niya kung naiinis ako, di'ba? Sabi nga niya What now if she's here? I don't care, No one cares. Ganiyan ata yon, basta ayon! Fresh pa rin sa akin yung sinabi niya tungkol sa akin kay Trei! Akala niya may pake ako sa kaniya? Well, I don't have!
Naputol naman ang linya ng aking pag-iisip ng bigla siyang magsalita muli.
"Don't be mad kung di kita naipasyal sa Altarra, I can bring you anywhere you want, just stay beside me, don't leave..."
Hindi ko alam pero biglang nanghina ako sa sinabi niya. Bakit gano'n? Yung sa sinabi niyang iyon, halu-halong emosyon yung naramdaman ko. It feels like stabbing you with a thousand knives but at the same time you're enjoying while you're hurting. Weird 'noh?
And this feelings sounds familiar. And I don't like it.
Nag-panggap nalang ako na nagtutulog-tulugan at pagkaraan ng ilang minuto umalis na rin si Carlei. Huminga ako ng malalim at minulat ang aking mga mata. Nablanko ang isipan ko, still absorbing his kinky words.
Tumayo na ako at lumabas ng tent, ayos na lahat ng tent na nanrito for our first day of activities. Hinanap ko agad si Coleen na nakita kong nakikipag-usap kay Yeshua, inayos ko ang suot kong gray blouse and black shorts. Buti nalang nakapag-palit na ako sa hotel.
"Hey Ara! Sa'n ka kanina? Di kita nakita, ah..." bati ni Yeshua sa akin at sinalubong ako ng yakap, I hugged him too.
"Sorry, kila Coleen na ako sumabay e. Andon rin kasi yung partner ko, si Carlei." pageexplain ko kay Yeshua.
"Oo nga naman, Yesh. Don't worry, kasama rin naman niya ako, she won't be bothered sa dalawa kong gunggong na pinsan kasi andon naman ako." Coleen said as if she's assuring Yeshua na I'm okay.
"Well, that's good! Nga pala, ano daw ang first activity ngayon? Nasabi ba sa inyo? Sorry, I'm not that updated, e."
ani ni Yeshua sabay tipid na ngiti."Ang alam ko hiking ata e? Siyempre with your consecutive partners."
Hiking? With our partners?
Does that mean I have to hike with Carlei?
I've been into hikings lalo na nung mga junior high school days ko. Sobrang focus kasi sila daddy sa nature tripping no'n, nung hindi pa sila siyempre hiwalay ni mommy, my real mom.
I missed her. Si mommy ang kasundo ko rito sa mga bagay-bagay na ito.
"Pano 'yan? Wala akong kapartner? Ikaw Coleen, kapartner mo na si Jairus diba?" tanong ni Yeshua kay Coleen.
"Yup!"
"E pano 'yon---"
"I'll go with you." mariin kong sabi kay Yeshua.
"You...going with me?" tanong niya na para bang hindi siya makapaniwala. Gano'n rin ang ekspresyon ng mukha ni Coleen.
What's wrong If I go with Yeshua? Wala naman di'ba? I'm sure Carlei will partner one of his "chiks." here.
And I'm sure Carlei isn' taking seriously about those partnerships na inassigned ni Mark. So its fine.
"Why?" tanong ko sa kanila.
"You are going with Yeshua? How about Carlei? Diba siya yung kapartner mo? Naku, magagalit iyon." wika ni Coleen.
"Pabayaan mo, sa chiks niya sa papartner, trust me. Di siya seryoso diyan sa partner partner na iyan." sagot ko naman sa kaniya.
"Okay, sabagay." sagot ni Coleen sabay halukipkip.
"Are you sure you wanna go with me?" tanong pa ulit ni Yeshua. "I mean, iiwan mo si Carlei for me?"
Nakaramdam man ako ng konsensya ron ay wala naman na akong balak pang bawiin ang sinabi ko. I'll go what's right this time.
"I'll go with you Yeshua, not with Carlei."
I have to go with him. To make things better. For me to get better. For me not to fall on his trap again.
I don't want to feel that again, falling for those traps, kasi pag ginawa ko iyon ulit?
Alam kong talo na naman ako.
-------
YOU ARE READING
Meet me, at the playground.
Romance"I fell inlove with the way you touched me without using your hands."