Kabanata 11: Start
Written by: StormRai
“Demetrei Axel Rivera Ibarra, reservation for two executive suits?” tanong nung babae na nasa counter habang kaharap sila Carlei at Trei.
Nandito na kami ngayon sa may Calatagan, Ewan ko kung sa'n to sa Calatagan pero ang alam ko, this hotel named Altarra's Hights. Dito raw mag checheck-in sabi ni Coleen, pero bakit wala sila Yeshua rito?
“Yes, yes... Thank You.” magalang na sabi ni Trei at bumaling na silang dalawa samin ni Coleen habang pinaglalaruan ang susi ng rooms na kinuha nila for us.
“Where's Yeshua and the others? I thought nauna sila sa hotel? Then why they're not here?” sunod sunod kong tanong sa kanilang tatlo. Bakit ba kasi wala sila Yeshua rito? Tuloy, it makes me feel uncomfortable kahit na nandito si Coleen, she's with her cousins! Malay ko ba sa balak ng dalawang Ibarra na nasa harapan ko ngayon?
“Why are you always asking about where the hell Yeshua is? Calm your ass. Malaki na 'yon. Hindi mo kailangan i baby.” iritadong saad ni Carlei. Oh, ayan na naman siya, Ano bang problema ng lalaking ito at ang bilis mag-change ng mood?
“Hey, bro. Meron ka?” asar sa kaniya ni Trei, napatawa naman kaming dalawa ni Coleen.
“What the!?” reklamo pa ni Carlei.
“Thank God, I've brought some spare napkins for you, Lei.” sabi naman ni Coleen.
“Teka lang, two executive suits ang kinuha ni Trei, so sino sino magkakasama sa room?” tanong ko sa kanila.
“Ofcourse tayong dalawa, bessy! Bakit? You want to be with these guys? Ayoko pang mawalan ng bestfriend, Ara.”
Wala naman akong sinasabi, Coleen! Grrrr!
“Dito rin naman ako matutulog. Kaya ako na sasama kay Carlei sa kwarto, is it fine with you, dude? Let's watch something that can heat you up.” may halong pang-aasar ang tono ng pagkakasabi ni Trei.
Dito rin matutulog si Trei? How come na kaya na nilang mag travel mag-isa? Is it for business? Or for family matters? Ugh, you're overthinking too much, Aradia!
“Fuck you.” mariing mura ni Carlei.
“Kanina ka pa mura ng mura, Carlei. Hindi ka ba nahihiya? Andito si Aradia, oh...” sagot pa ni Trei.
Niyaya na ako ni Coleen na tumaas na sa kwarto namin habang sila Carlei at Demetrei ay nag-aasaran pa sa baba.
Then I heard Carlei's answer.
“So what if she's here? I don't care. No one cares.”
Nag-init ang dugo ko nung marinig ko iyon, hanggang pagpasok namin sa kuwarto ay naiinis parin ako, inis kong binagsak yung maleta ko sa sahig at marahang umupo sa kama.
Akala mo kailangan rin kitang gunggong ka? Hindi! Never!
“Hey, Aradia. What's the problem? Mukhang stressed ka, huh?”
“Wala, naiinis lang ako kay Carlei. Pero okay lang. Don't mind me.”
Umupo si Coleen sa tabi ko, she held my left hand. Tapos tumingin siyang seryoso sa akin.
“Is Carlei still affecting you that much?” nagulat ako sa biglaang pagtanong ni Coleen.
I smiled para kahit papaano maiwasan ang kabang nararamdaman ko.
“Why would I? Tsaka, hindi ko siya iniisip.”
Coleen smiled. What's that smile for?
“Really?”
“Yup.”
“What if... Carlei still likes you? Will you accept him, again? Or, nah?”
Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya kaya nag-isip ako ng ibang pwedeng itopic.
“Bakit pala tayo lang andito sa Altarra? Where are the others?”
Mukhang hindi naman napansin ni Coleen ang pag-iiba ko ng topic.
Thank, God.
“Sa iba sila nag-check in...” mahinahong sabi ni Coleen.
Edi kung wala sila sa Altarra, asan sila? At bakit hindi sila nag check in rito?
“Bakit sa iba sila nag check in? E andito tayo?”
Coleen flashed a quick smirk on her face. Kagaya lang nung features nila Trei kapag ngumingiti, looks like Coleen's the girl version of the Ibarras.
“Isn't obvious? Carlei's too much protective or should I say possessive of whats his...”
Wait...What?
---
YOU ARE READING
Meet me, at the playground.
Romance"I fell inlove with the way you touched me without using your hands."