CHAPTER 2
Carliah's POV
"Alis na ako." Sabi ko pagkatapos namin kumain, super late na ako at naiirita na ako dito sa Domino na eto tss.
"Anong oras ba pasok mo madam?" Pang iinis niya sa akin at sinamaan ko naman siya ng tingin "11:30 am pasok ko pero dahil kumain tayo late na ako sa first subject ko!" Inis kong sabi at tumawa lang siya.
"Hatid na kita sa school niyo, alam ko kung saan banda yan." nakangiti niyang sabi at mukha naman siyang mabait hays. "H'wag na. Ikaw baka malate ka rin bye bye!" Sabi ko at saka umalis sa harapan niya.
Naglakad na lang ako papuntang school dahil naubos pera ko sa kinain namin kainis! Nang makarating na ako sa school napansin kong may nagkakagulong mga estudyante sa tapat ng room namin.
"Wala akong kasalanan! Siya ang unang lumapit sa akin, siya ang unang nagbigay ng motibo Kiara! Alam ko ay hiwalay na kayo ng mokong na yun! Kaya h'wag ako ang awayin mo!" Sigaw ng kaklase kong si Sandra kay Kiara na galit na galit. "Pero linandi mo pa rin siya! Anong klaseng bestfriend ka! Imposibleng hindi mo alam na ako ng girlfriend ni Tristan dahil alam ng buong school na ako ang totoo at ikaw ang haliparot, malandi!" Akmang sasabunutan na ni Kiara si Sandra kaya inawat ko sila.
"Tama na" mahinahon kong sabi sa kanila at natigilan naman sila. Tinuringan pa naman na mag bestfriend pero ang lala mag away
"Pake mo ba? Kami ang magkaaway dito kaya umalis ka sa harapan ko" galit na sabi ni Kiara at tumaas naman ang kilay ko at kunyareng nag iisip "Oh sige! Mag away kayo riyan dali papanoorin ko kayo." Umatras ako kaunti at sumandal sa pinto ng classroom namin.
Tinitigan lang nila ako at napailing naman ako tss... Mga baliw akala mo mauubusan ng lalake, tinalikuran ko na lang sila at tuluyang pumasok sa room at umupo sa upuan ko, swerte ko naman ngayon at wala pang teacher. Nagsuot ako ng earphones at yumuko sa desk.
The best thing 'bout tonight's that we're not fighting
Could it be that we have been this way before?~Nasaan ka na ba? Miss na miss na kita Klein, sabi mo? Sasamahan mo ako hanggang sa huli? Bakit mo ako iniwan?
I know you don't think that I am trying
I know you're wearing thin down to the core~Sabi mo magiging matatag ka, na kakayanin natin lahat pero bakit ka sumuko?
But hold your breath
Because tonight will be the night
That I will fall for you over again
Don't make me change my mind~Bakit tayo umabot sa ganito? Bakit?
Or I won't live to see another day
I swear it's true
Because a girl like you is impossible to find
You're impossible to find~Pinunasan ko agad ang mga luha sa mata ko ng biglang may dumating na guro, napatingin naman ako sa kaliwa ko at nandoon na rin sila Sandara at Kiara.
"Good morning class G, Pasensya na at late ako ngayon, nagkaroon lang kami ng meeting sa darating na foundation day ngayong buwan." Tango tangong sabi ni Ma'am Ghinalyn
"at ang Senior high department ang mamumuno sa araw na iyon, We need your full cooperation, maaasahan ko ba kayo class?"
"Yes ma'am"
"Opo ma'am"
"Omg excited na ako!!!"
"Nakakatuwa naman yun"
"Ano kaya ang magandang gawin?"
"Maraming booths and games dapat!"
Kaliwa't kanan ang ingay sa narinig nila kay ma'am, yumuko na lang ulet ako nag isip-isip hays, 'foundation day' kung saan kita unang nakilala, kung saan una kong nakita ang iyong nakakamatay na ngiti, Klein..
Lunch
Bumaba agad ako sa canteen para kumain, kumukulo na ang tiyan ko kainis kumain naman ako kanina.
Bumili ako ng isang biscuit at isang buko juice, at umupo na sa gilid.
"Carliah?"
Napalingon ako sa harap ko nang makita ko si Sandra, ano kailangan neto?
"Salamat kanina ah?" Nakangiti niyang sabi, kanina? Ano meron doon?
"Pinigilan ko lang kayo kasi naririndi ako sa ingay niyo" seryoso kong sabi at saka uminom ng juice.
"Salamat pa rin, alam mo pagkatapos nun tinalikuran na lang ako ni Kiara, totoo naman kasi eh hindi ko nilandi boyfriend niya." Naiinis niyang sabi at kumunot naman ang noo ko.
"Eh?" Taka kong sabi at tumawa naman siya.
"Sorry kung madaldal ako, kasi naman ikaw eh napakatahimik mo. Hindi ako sanay" natatawa niyang sabi
"Kung hindi ka sanay pwede ka naman lumipat ng ibang upuan." Pilit na ngiti kong sabi.
"Wala na ibang upuan eh, kaya eto ang pinili ko." Natatawa pa din niyang sabi, what does she mean? "Bakit ikaw? Wala kang kaibigan?" Seryoso niyang tanong sabay kumagat siya sa tinapay niya.
"Why did you ask?" Seryoso ko rin sagot.
"Uh? Nothing" tumayo na siya at pinagpag ang uniform niya "Kaya wala ka sigurong kaibigan kasi ang boring mo kasama." Walang emosyon niyang sabi at nagtaka naman ako.
"I didn't ask you to sit with me, ikaw ang kusang lumapit, kaya wala kang karapatan na sabihin yan." Seryoso kong sabi, tumawa lang siya at tinalikuran ako.
What the f*ck? She is crazy, I hope she will be fine.
'Kaya wala ka sigurong kaibigan kasi ang boring mo kasama'
Kaya siguro ganoon na lang ang pag iwan sa akin ng mga kaibigan ko kasi ganito ako, ganoon ba yun? Kainis, I hate you Carliah! I hate you even more!
Pagkatapos ko kumain ay dumiretso na ulit ako sa room at nagsimulang makinig sa tatlo ko pang natitirang subject.
Uwian nang dumiretso muna ako sa bilihan ng relo, birthday na ni papa bukas syempre makakalimutan ko ba yun?
Tinignan ko sa wallet ko ang naipon kong pera. Napangiti naman ako at medyo marami rami yun. Nahagip ng mata ko ang isang color silver na relo na nagkakahalaga ng two thousand eight hundred, napangiti ako at naisip na sana magustuhan ito ni papa.
Tumingin ako ng oras sa cellphone ko para ayusin yung oras sa bili kong relo, napansin ko na may dalawang text message na galing kay Domino.
Aral mabuti! Smile ka lang lagi para maganda ka hehe.
3:45 pmUwian na namin, Ikaw? Ingat ka sa pag uwi.
7:33 pmBinulsa ko na ang cellphone at lumabas na, naiirita ako sa lalakeng yun.
Pagkauwi ko ng bahay ay nadatnan ko na nanonood sila na t.v. at si papa naman ay nagbabasa.
"Oh anak nandyan ka na pala? Tignan mo ito si Charene oh, nakapasok siya sa singing contest sa school nila!" Tuwa tuwang sabi ni papa habang binabasa ang papel na hawak niya.
"Congrats." Walang gana kong sabi at dumiretso na lang sa kwarto at humiga.
Songs I used:
— Fall for you by Secondhand Serenade
BINABASA MO ANG
Monophobia
Teen Fiction❝ This story has a deep meaning. Monophobia means fear of being left alone. ❞ &&. 🖇️ Started: 08/19/2019 🖇️ Completed: 10/28/2019