CHAPTER 18

12 2 0
                                    

CHAPTER 18



Shantelle's POV

Nasa tapat ako ngayon ng bahay nila Carliah. Hindi na ako nagpasundo sa kanila kasi alam ko naman na may pasok ngayon si Carliah at maraming ginagawa sila Tita at Tito.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto kaso walang sumasagot, kumatok ulit ako pero wala pa rin. Napagdesisyunan ko nang pumasok ng tuluyan sa bahay at bukas naman pala ito. Linibot ng mata ko ang bahay nila Carliah kapansin pansin ang pagkatahimik ng bahay nila.

"Tita?" Tawag ko at walang sumasagot. Tinignan ko ang kwarto nila pero wala, pumunta ako sa kusina wala rin. "Tito? Nandito na po ako." Sabi ko ulit at wala pa rin sumasagot.

Nagulat ako dahil may narinig ako na umiiyak.. Umiiyak na babae sinundan ko ang tunog na yun at nakapunta ako sa kwarto ni Carliah.

Owemji!

Bigla kong binuksan ang pinto at nakita ko si Carliah na nakahiga sa sahig yakap niya ang teddy bear niya at umiiyak. Bakit ba sa tuwing nandito ako nakikita ko siyang nagkakaganyan? Sanay na ako kay Carliah minsan ganyan siya pero ang weird lang kasi! Minsan ang bilis magbago ng mood niya, minsan magkakaroon siya ng emotional breakdown tapos iiyak ng sobra. Naaawa ako sa kaniya.. Wala akong magawa para mapatahan siya.

"Carliah.. Tumayo ka diyan." Mahinahon kong sabi pero hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak "Carliah.. Nandito na ako.. Anong nangyari? H'wag ka na umiyak pakiusap? Nasaan sila tita?" Dagdag ko pero hindi pa rin niya ako pinapansin. Kaya umupo ako sa kama niya at pinagmasdan ang kabuuan neto. Wala ng bakas ni Charene. Kung nasaan ka man Charene alam kong maayos ka na diyan. Mahal na mahal ka namin.

Bumalik ako sa reyalidad ng makita kong nakatayo na si Carliah sa harapan ko. Kinilabutan ako ng makita ko siyang nakatingin sa akin.

"Ca-Carliah.." Banggit ko sa pangalan niya at seryoso pa rin ang mukha niya. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil wala pa rin siyang reaksyon. "Carliah.. Ano ba ang nangyari??? Carliah wag ka namang ganyan nandito pa ako. Kung ano man ang pinagdadaanan mo nandito lang kami.. Hindi ka namin iiwan." Mahaba kong sabi at tumawa naman siya. Lalo akong kinilabutan sa iniasta niya parang hindi na siya si Carliah. Nagulat ako sa biglang pagbagsak niya sa sahig at nagsimula na naman siyang umiyak.

"Hindi mo ako maiintindihan.. Hindi.." Sabi niya at napayuko na lang ako. "Patawarin mo ako Carliah.. Patawarin mo ako.. Hindi ko naman intensyon yun. Ayaw lang kitang masaktan nun. Carliah sana maintindihan mo ako." Malungkot kong sabi at tumingin siya sa akin "Sinaktan niyo ako.." Walang emosyon niyang sabi nagulat ako ng biglang pagsulpot nila Tita at Tito sa Pinto ng kwarto ni Carliah.. Hays..

"Shantelle nandito ka na.. Tara lumabas ka riyan.. Hayaan mo muna si Carliah.. " mahinahong sabi ni Tito at sinunod ko naman ang sinabi ni Tita at lalo akong naguluhan.

Pumunta kami sa sala at pinaupo ako sa sofa nakita ko seryosong seryoso ang mukha nila. "Kagabi pa siya ganyan.. Hindi siya kumakain hindi rin kami kinakausap.. Ginawa na namin lahat Shantelle.. Natatakot kami nagiging ganyan na naman ulit siya.. Parang hindi na namin siya kilala." Malungkot na sabi ni Tita at napatulala ako bigla.

Ganyan na talaga si Carliah since then pero natatakot pa rin kami sa tuwing nagkakaganyan siya.. Hindi namin alam kung anong gagawin namin kapag nagiging ganyan siya. Kaya malaki ang ipinagbago niya nung nakilala niya si Klein kasi nung naging sila hindi siya nagkaganyan pero anong ginawa ko? namin? Sinaktan namin siya. Natatakot ako sa mangyayari. Nakakatakot.

"Ano po ba ang nangyari bago siya nagkaganyan?" Tanong ko kay Tita at umiling na lang siya. "Shantelle ikaw na lang ang inaasahan namin. Ikaw lang ang kinakausap ni Carliah. Tama lang ang desisyon namin na dito ka muna tumira." Dagdag ni Tito at napatango na lang ako.

Napatingin na lang ako sa kwarto ni Carliah.. Napahawak ako sa bag ko ng biglang mag ring ang cellphone ko.. Yannie...

Yannie's Calling...

"Hey Bes!" Masayang bati ni Yannie at nag excuse naman ako kanila Tita at Tito at lumabas ng bahay "Yannie! Kumusta ka na?" Nakangiti kong sabi "Ayos lang.. So kaya ako napatawag kasi uuwi na ako diyan sa sabado!" Masaya niya pa rin sabi at nasapo ko na lang ang noo ko. "Buti naman kung ganoon." Walang gana kong sabi "Nabalitaan ko kasi na nakauwi na galing Paris si Klein, nangako kasi siya sa akin na babalikan niya ako bago kami maghiwalay." Malungkot niyang sabi at nainis naman ako. Gusto ko rin si Klein pero dahil gusto ni Yannie si Klein nagpaubaya ako at dahil na rin kay Carliah. "Sige bes. Text mo na lang ako kapag pauwi ka na ah? Libre mo ako." Sabi ko naman "Sure bes! Makikita ko na ulit kayo. Miss na miss ko na kayo hehe." Tss ang plastik.. Si Klein lang naman gusto niyang makita.

Pagkatapos namin mag usap ay binabaan ko na siya ng tawag. Pumasok na ulit ako sa loob at dumiretso sa kwarto ni Carliah. Napansin ko na maayos na ang kwarto ni Carliah at nakaupo na siya sa kama niya. Nagulat ako dahil basa ang buhok niya kakatapos lang niya siguro maligo.

"Carliah? Ayos ka na ba?" Tanong ko at napatingin lang siya sa akin na namamaga ang mata niya. Lalo akong naaawa kapag nagkakaganyan siya nakokonsensya ako sa lahat lahat ng ginawa ko sa kaniya. "Si Klein." Sabi niya at napatigil naman ako. Anong mayroon? Nakita niya na ba si Klein?!

"Si Klein?" Patanong kong sambit at napatango siya. "Oo siya nga. Siya nagbigay niyan diba?" Turo niya doon sa human size teddy bear na nakapatong sa gilid ng kama niya. "Ah oo! Hehe.." Sagot ko.

"Itapon mo na yan.. Sunugin mo." Lumaki ang mata ko sa sinabi niya. Imposible? Ayaw nga niya ipahawak sa amin yan eh. Ayaw na ayaw niyang nadudumihan yan. Mahal na mahal niya si Klein. "Wag na Carliah hehe." Sagot ko at nakatitig pa rin siya sa Teddy bear. "May kasama naman na ako diba. Ikaw? Hindi mo ako iiwan diba?" Seryoso niyang tanong at tumango naman ako. "Itapon mo na yan please.." Pagmamakaawa niya at tumango na lang ulit ako tapos binitbit ang teddy bear na 'yon.

Imbes na itapon linagay ko na lang sa bodega.. Bigay ni Klein yun kahit papaano mahalaga rin sa akin yan. Pinag ipunan kasi yun ni Klein. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganyan si Carliah. Bumalik ako sa kwarto ni Carliah at hindi ko siya makita, pumunta ako sa sala at nandoon siya nagsusuot siya ng sapatos. Saan naman siya pupunta?

"Carliah? Saan ka pupunta?" Tanong ko at humarap naman siya sa akin. Mugto pa rin ang mata niya at halata sa mata niya ang lungkot. "Kahit saan." Sagot niya at tumawa naman ako ng peke. "Sama ako Carliah." Pagpupumilit ko "Hindi na. Samahan mo sila Mama at Papa dito. Alis na ako bye." Seryoso niyang sabi at lumabas na ng bahay. Tinanaw ko lang siya hanggang sa makalabas siya ng pathwalk. Saan naman kaya siya pupunta?

Umupo na lang ako sa sofa at nanood ng T.V. Nakita kong lumabas ng kusina sila Tita at Tito at pumunta sa gawi ko. "Hayaan mo muna siya." Malungkot na sabi ni Tito.

MonophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon