CHAPTER 8
Carliah's POV
"So kumusta ka naaa?" Masayang tanong sa akin ni Ate Koreen.
Inaya niya ako kumain sa restaurant niya, sinadya niya talaga akong puntahan sa school para raw yayain kumain dito sa restaurant niya. Kakagaling lang niya sa Paris at kakauwi lang daw niya last week.
"Okay lang naman po ako ate. Ganun pa rin hehe." Nakangiti kong sabi at tinikman ko ang luto niyang Caldereta. "Woah. Ate ang sarap ng luto mo." Namamangha kong sabi at yinakap niya ako bigla.
"Alam mo ba namiss kita! Ngayon na lang kasi tayo nagkasama eh. Pasensya na kung biglaan yung pag alis namin." Lumungkot bigla ang mukha niya at naaalala ko naman ulit lahat. Hays okay lang Ate Koreen.
"Ayos naman na ako ngayon. Hindi na nga lang tulad ng dati." Kunwareng ngiti ko sa kaniya. Hindi ko alam kung babalik pa ba yung saya ko dati? Hindi ko alam kung totoong saya ba yung nararamdaman ko sa araw-araw. Kasi minsan yung kasiyahan may kapalit lagi ng lungkot. Hindi ba pwedeng masaya na lang?
"H'wag ka ng malungkot Carliah. Alam kong hanggang ngayon hindi mo pa rin tanggap ang lahat na nangyari pero ako na ang nag sosorry, Sorry Carliah." Sincere na sabi ni Ate Koreen sa akin.
"Hindi mo naman yun kasalanan. Kasalanan ko yun kasi nagkulang ako, nagkulang ako sa kaniya." Yinakap niya ako ulit at naramdaman kong papatak na ang luha sa mata ko pero pinigilan ko.
"Sa ngayon mas magandang nandoon muna siya sa paris mag aral, mas magkakaroon siya ng time para sa sarili niya. Alam mo naman na gusto kong maging Doktor yun." Nakangiting sabi ni Ate Koreen at napangiti ako. Tama Carliah. May hinahabol siyang future para sa pamilya niya.
Tumingin ako sa orasan ko at alas tres na! Kaya dali-dali kong inubos ang pagkain ko at saka tumayo.
"Alis na po muna ako ate hehe salamat sa free lunch!" Nakipag beso muna ako sa kaniya.
"Basta anytime na need mo ako nandito lang ako Carliah." Tumango ako at tuluyang lumabas sa restaurant niya.
Akala ko pa naman kasama niya na yung mokong na yun.. Hays! Kahit malaki ang kasalanan niya sa akin mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.. I guess, I'm trapped.
Nakabalik na ako sa school at natanaw ko na masayang masaya na magkasama si Kiara at Tristan sa Dedication booth.. Parang kami lang dati ni Klein..
Flashback
"Love ako na riyan. Pagod ka na eh." Tumayo ako umupo sa tabi niya, ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Bakit ako mapapagod? Kung nandito naman yung lakas ko?" Nakangiti kong sabi at napangiti siya.
"Ikaw yung lakas ko Carliah, kahit anong mangyari ipaglalaban ko 'to, ipaglalaban kita.. I love you love." Bulong niya sa akin
"I love you more than you do." Ipinikit ko ang mata ko at saka nakatulog..
End of Flashback
Ipaglalaban? Hindi mo ako pinaglaban Klein. Mas pinili mo maging ganito tayo. Iniwan mo ako, sinaktan mo ako.
"Oh Carliah? Ang tagal mo ah.. Sige kami na bahala dito. Alas kwatro dapat nag end na raw lahat ng booths eh. Sayang di man lang kami nakapag wedding booth ni Tristan." Pag iinarte niya sa harap ni Tristan.
"Babe ano ka ba! Ang laki na natin gusto ko totoong kasal." Lambing ni Tristan kay Kiara at kinilig naman si Kiara.
Medyo napangiti naman ako sa kanila. Mababaw lang kaligayahan ko, kahit makita ko lang na masaya lahat ng tao sa paligid ko masaya na ako doon. Minsan gusto ko din makaramdam ng saya para sa sarili ko naman.
Sa wakas at alas kwatro na. Makakapagligpit na rin kami. May dagdag grade din kasi ito sa lahat ng teachers namin, kaya sumama talaga ako kay Kiara.
"Oh ano? Una na kami ni Tristan ha?" Paalam sa akin ni Kiara at tumango na lang ako, pinagmasdan ko silang maglakad papalayo sa akin.
Naisipan kong umuwi na lang agad, tutal wala na rin naman akong gagawin at para maipahinga ko na utak ko.
Pagkauwi ko sa bahay ay dumiretso ako sa kusina, kumuha ako ng tinapay at nagtimpla ng gatas. Naalala ko kanina ko pa pala hindi binubuksan yung cellphone ko kaya tinignan ko ito.
*Ting!*
From: Domino
Hey kumusta ka na? HAHAHAHAHA
12:45 pmRineplayan ko naman ito kahit late na.
To: Domino
Ayos lang ako.. Pagod kasi foundation week ngayon..
Sinend ko na yun at saka humigop ng gatas. Napansin ko ang pagiging tahimik ng bahay.
Naalala ko diretso pasok lang pala ako dito. Hindi ko namalayan na wala akong kasama, hays. Sinilip ko kwarto ni mama at papa pero wala pati sa kwarto ko wala rin? Nasaan kaya sila? Alam ko si Charene nasa school pa. Si papa nasa trabaho.. Eh si mama? Baka lumabas lang yun.
"Carliah!? Nandyan ka na ba?" Napatakbo ako sa main door namin nung nakita ko si mama na may bitbit na dalawang paper bag.
"Nandito na ako ma." Sabi ko at iniabot niya yung bitbit niya sa akin. "Galing ako sa palengke, hindi ko na lock yung pinto. Buti na lang nandito ka na." Seryosong sabi ni mama at ipinatong ko ang paper bag sa lamesa.
"Bakit ang aga mo ata ngayon? Pumasok ka ba talaga sa school mo?" Seryosong tanong ni mama at tumingin ako sa kaniya. "Foundation week namin ngayon." Sagot ko at uminom ulit ng gatas.
"Kung kailan may event sa school niyo saka ka pasok nang pasok. Ano ba talaga ginagawa mo sa buhay mo Carliah?" Inis na sabi ni mama. Ayan na naman siya sa tanong na yan.
Sinamaan niya ako ng tingin, malay ko ba na foundation week ngayon? Nag aaral naman ako kaso may event lang talaga!
"Bakit hindi ka makasagot? H'wag ka na lang kaya mag aral noh? Mas maganda siguro yun!" Dagdag pa ni mama at napaupo na lang ako sa upuan at yumuko. Lagi na lang galit sa akin si mama hindi ko alam kung bakit parang galit na galit siya sa tuwing nakikita niya ako. May mali ba sa akin? Bumabawi naman ako ah pero ganun pa rin.
Pumasok na lang ako sa kwarto ko at nagtakip ng unan sa mukha. Linabas ko na ang luha na kanina ko pa pinipigilan, paano kaya kung hindi ko ginawa yun? Magagalit kaya si mama?
Paano kung mas tinutukan ko na lang pag aaral ko noon kesa kay Klein? Hindi na rin kaya magagalit sa akin si mama ngayon? Tama ka mama sana nakinig na lang ako sayo
Take me as you are
Push me off the road
The sadness, I need this time to be with you ~Binigay ko lahat kay Klein yung buong ako, yung buong pagmamahal ko..
I'm freezing in the sun I'm burning in the rain
The silence I'm screaming,
Calling out your name ~Yung halos wala ng matira sa akin, kasi nga siya yung lakas ko.
And i do reside in your light that put up the fire with me and find
Yeah you'll lose the side of your circles
That's what i'll do if we say goodbye ~Pero anong ginawa mo? Dinurog mo ako Klein. Sinira mo ako.
To be is all i gotta be
And all that i see
And all that i need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight. ~Iniwan mo akong mag isa.
Songs I used:
— The day you said Goodnight by Hale
BINABASA MO ANG
Monophobia
Teen Fiction❝ This story has a deep meaning. Monophobia means fear of being left alone. ❞ &&. 🖇️ Started: 08/19/2019 🖇️ Completed: 10/28/2019