CHAPTER 17
Domino's POV
Kinabukasan
Nagising ako nang maaga ng marinig ko ang malakas na katok sa pinto ko. Dahan-dahan akong tumayo at kinusot ang mata ko bago ko buksan ito.
"Sir may naghahanap po sa inyo sa baba." Sabi ng katulong namin at nagtaka naman ako "Sino?" Tanong ko "Rod daw po." Tumango na lang ako isinara agad ang pinto.
Inayos ko ang sarili ko. Naligo ako, nag tootbrush at naglinis ng kwarto at nagsuot ng uniform bago tuluyang lumabas.. Bumaba agad ako sa sala para silipin si Rod.. Siguro tatanungin niya sa akin si Carliah, hindi ko siya matutulungan ngayon. H'wag muna ngayon.
"Domino.." Tawag sa akin ni Rod at umupo rin ako sa sofa. "Napadaan ka? May pasok pa ako." Sabi ko at may linabas siya sa bulsa niya na maliit na kahon. Ano naman kaya yun? "Ibibigay ko sana kay Carliah yan.." Tingin niya sa kahon.. "Kaso sinaktan ko siya.. Iniwan.. Napakasama ko Domino! Mahal ako nung tao! Mahal na mahal! Ang tanga ko! Tama nga sila nasa huli ang pagsisi, bawal na ba ako bumawe? Bawal na ba?" Malungkot niyang tanong.
"Rod sorry.. I'm damn speechless.." Mahinahon kong sabi.. Totoo yun wala na talaga akong masabi. Hindi ko alam kung anong gagawin ko! Para akong nabablangko! Sinilip ko ang maliit na kahon na linabas ni Rod. Isang Laket na hugis puso at may litrato nila.
Biglang kumirot ang puso ko nung makita ko yun at ibinalik ko sa kahon. "Aminin mo nga Domino. Gusto mo rin ba si Carliah?" Biglang lumakas ang tibok ng puso ko sa tanong niya. Masyado ba akong obvious? Pero anong magagawa ko? Sa laban na ito alam kong talo na ako. "Paano kayo nagkakilala? Paano?" Naguguluhan pa rin niyang tanong at napailing na lang ako.
"Kaibigan ko si Carliah.. Ayun lang.." Mapait na ngiti kong sagot, napatango naman siya. Gusto ko rin siyang tanungin kung anong kasalanan ang nagawa niya kay Carliah.. Kaso baka maiyak na naman siya.. "Pwede ka ba magkwento about sa inyo ni Carliah?" Panimula ko at napangiti naman siya.
"Actually magka schoolmates kami noon" nakangiti niyang sabi. "Tumagal kami halos 2 years.. May banda pa nga yun dati hehe Gitarista siya. Isa yun sa dahilan kaya ako nainlove sa kaniya. Pero hindi boto sa akin mga magulang niya.. Wala akong magawa kaya pinaglaban ko pa rin siya kasi mahal ko siya.. Consistent honor yun si Carliah nakakaproud diba? Pero hindi pa rin yun sapat sa parents niya. Lagi kong kasama sa lahat yun thru thick and thin nandyan siya lagi sa tabi ko.. Then one day nagkamali ako.. Sinaktan ko ang babaeng walang ginawa kung hindi intindihin at mahalin ako.." Biglang pumatak ang luha sa mga mata ni Rod at sobrang nalungkot ako roon. Sobrang mahal na mahal niya si Carliah. Pero bakit sila naghiwalay? "Linoko ko siya.. Nakita niya akong may kasamang babae sa Restaurant. Si Yannie.. Si Yannie ang Bestfriend niya. Mahal ako ni Yannie at hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko bakit nagustuhan ko rin siya at tanggap na tanggap ako ng pamilya niya." Halos bumuhos ang luha sa mga mata niya.
"Akala ni Carliah ayun lang yung nagawa kong mali sa kaniya.. Hindi niya alam na nagkaroon kami ng sikretong relasyon ng pinsan niyang si Shantelle." Dagdag niya at lumaki naman ang mata ko. The fuck? Kung mahal niya si Carliah hindi niya magagawa yun. Lalake ba talaga siya? Nananakit ng damdamin ng babae? T*ngina! Kahit bestfriend ko siya hindi ako papayag doon. Carliah doesn't deserved this.
"Do you really love her?" Seryoso kong tanong sa kaniya at tumango naman siya "Yes." Sagot niya at napaisip naman ako. "Then, layuan mo na siya. Kung mahal mo siya hindi mo siyang magagawang saktan pa. Kung mahal mo talaga siya sana sa una pa lang hindi ka na naghanap pa ng iba. Kung mahal mo siya kahit anong mangyari tatanggapin mo siya. Kahit mahirap ang sitwasyon pipiliin mo siya. Hindi kung kailan tinapos mo na saka ka babalik kung kailan may lamat na." Mahaba kong paliwanag at napayuko na lang siya.
Hindi ko alam na ganyan pala ang pinagdaanan nilang dalawa. Masakit sa akin na nakikitang nasasaktan silang dalawa. Pero kahit saan banda mo tignan si Rod ang mali. Nasasaktan din ako sa totoo lang dahil mahal ko si Carliah.
Kung ako lang sana ang nauna Carliah, sana hindi ka umiiyak ngayon sana nakangiti ka ngayon.
"Sorry but I can't" Malungkot na sabi ni Rod at umiling naman ako. "Hindi ako ang sinaktan mo. Layuan mo na siya hindi lang para sa kaniya yun para din sa iyo. Bestfriend mo ako kaya ko ito sinasabi sayo ito. Be a man." Seryoso akong tumingin sa kaniya at naluluha pa din siya. "Natatakot ako na baka malaman niya lahat na baka madagdagan ang sakit na pinagdadaanan niya. Hindi ko alam mahal ko pa rin siya Domino." Sabi niya at tumayo ako.
"Mahal mo ba talaga siya? o natatakot ka lang malaman niya ang mga maling nagawa mo sa kaniya?" Tanong ko at iniwan siya sa sala.. Naiinis ako sa kaniya sobra.. Nasasaktan si Carliah pero iniisip niya sa sarili niya. Ayoko man sabihin ito pero 'Ang sama niya.' Hindi naman siya yung bestfriend na nakilala ko. Ang dami ng nagbago.
Kinuha ko ang bag ko at pumasok na sa school. Nag Jeep ako ngayon papasok ng school. Hindi pa rin mawala sa utak ko ang pinag-usapan namin ni Rod.. Siguro nakauwi na yun. Si Carliah kaya? Okay kaya siya?
Shantelle's POV
Good morning sunshine!
Maaga akong bumyahe ngayon kasi doon muna ako titira kela Carliah super duper exciting! Sana maging okay na kami ni Carliah.. Sana hehe.
Gusto ko na magkaayos na kaming dalawa.. Malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Hindi niya alam yun.. Ang alam niya kasabwat lang ako sa pangloloko sa kaniya ni Rod. Mayroon pa siyang hindi nalalaman at natatakot ako na baka malaman niya yun.. Napatingin ako sa cellphone ko dahil nagtext si Klein. Ano na naman kailangan neto?
From: Klein
Kasama mo ba si Carliah ngayon? Gusto ko siya makausap please.
Nainis naman ako at padabog na linagay ang cellphone sa bag ko. Puro na lang siya Carliah.. Hanggang ngayon gusto ko pa rin siya, pero hindi na pwede alam ko naman yun kasi mali. Kaya mas okay na ganito na lang kaming tatlo. Naaawa ako kay Carliah. Pakiramdam ko dala dala pa rin niya hanggang ngayon yung sakit na idinulot ni Klein.
Natanaw ko na ang terminal at huminto ang bus. Napangiti ako ng makababa ako. Makakasama ko din si Carliah sa isang school.
BINABASA MO ANG
Monophobia
Teen Fiction❝ This story has a deep meaning. Monophobia means fear of being left alone. ❞ &&. 🖇️ Started: 08/19/2019 🖇️ Completed: 10/28/2019