PROLOGUE
Carliah's POV
"Wala kang silbi! Bakit pa kasi ikaw ang naging anak ko?! Kung pwede lang mamili ng anak.. Sana hindi na lang ikaw!" Sigaw sa akin ni mama habang naglalaba siya.
"Pinag-aaral kita! Pinapakain ng tatlong beses sa isang araw tapos eto pa ang isusukli mo? Lumayas ka sa harapan ko!!" Inis na sigaw ulit ni mama at tinalikuran ko na lang siya.
Kasalanan ko ba na mahina ang utak ko? Bakit pa kasi ako nabuhay? Sana man lang may silbi ako, pero wala...
Dumiretso ako sa sofa at humiga ng maayos. Nakatingin ako sa bandang pinto ng sala habang pinupunasan ang luha ko. Napakahina ko.
Sana kasing talino rin ako ng ibang tao diyan, sana may kwenta din ako katulad nila. Sana... Halos pigil na iyak akong humagulgol sa sala sa sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Napakasakit, pakiramdam ko pinagkaitan ako ng mundo, para akong sumasabak sa gyera ng walang armas. Isa akong duwag at makasariling tao bakit pa ba ako humihinga sa mga oras na ito?
Linabas ko lahat ng sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag-iyak ko maya-maya pa ay ipinikit ko ang mga mata ko at saka nakatulog.
"Carliah? Gising na, kakain na tayo ng hapunan, gising na." Dumilat ako at napatingin kay papa. "Kakauwi mo lang?" Tanong ko habang kinukusot ang aking mga mata.
"Kanina pa anak, tapos na kumain ang bunso mong kapatid pati ang mama mo. Hindi na kita ginising kasi mukhang pagod ka. Tara na kumain na tayo at ininit ko ang sabaw." Nakangiti niyang sabi at tumango naman ako.
Dumiretso ako sa lamesa namin at nakahain na ang pagkain. Napangiti ako sa nakita ko. Umupo sa harapan ko si papa at nagsimulang magsalita.
"Kailan ka papasok? Hanggang kailan ka ba magiging ganito sa amin anak? Ang gusto lang namin ang makapagtapos ka ng pag-aaral. Bakit mo ba ito ginagawa?" makahulugang tanong ni papa at nabuntong hininga na lang ako.. Hindi nila ako maintindihan pero kailangan kong umintindi.
"Papasok na ako bukas." Sabi ko at nagpatuloy sa pagsubo ng kanin. "Alam mo naman na ang gusto namin ng mama mo eh makapasok ka lang sa honor ay ayos na sa amin yun. Diba noong nasa elementarya ka ay lagi kang nangunguna sa klase? Sana pati ngayon, kahit ayun lang anak." Dugtong pa ni papa at medyo nainis ako hays. Noon pa yun papa. Paano kung hindi ko na kaya?
"Sige po." Sagot ko na lang at tinapos ang pagkain.
Pagkatapos naming kumain ay dumiretso ako sa kwarto namin ng kapatid ko na si Charene. Nasa grade nine na siya at ako naman ay grade eleven na, malayong malayo ang ugali niya sa akin. Maldita siya at gusto niya lagi ay napapansin siya ng lahat ng tao sa paligid niya.
Humiga ako sa tabi niya at sinimulang ipikit ang mga mata ko pero hindi na naman ako makatulog. Ganito naman ako lagi gabi-gabi e, may insomia ako at hindi ko alam kung paano ko ito gagamutin. Yinakap ko ang unan ko, kung tao lang siguro ito ay siguradong alam niya na lahat ng problema at pinagdadaanan ko.
Pumatak na naman ang mga luha sa mga mata ko. Pagod na akong maging ako. Pagod na ako sa ganitong buhay.
Kinabukasan
Nagising ako nang maaga, tumingin ako sa orasan at alas sais pa lang. Isang oras lang ang tulog ko dahil sa kakaisip ng kung ano-ano!
Dumiretso ako sa salamin at tinignan ang mata ko. Ang laki laki na ng eyebags ko. Napatingin ako sa banyo at lumabas si Charene kakatapos lang niya maligo.
"Oh gising ka na pala. Papasok ka? HAHAHAHA kung ako sayo tumigil ka na sa pag aaral useless din naman." Pang iinsulto niya sa akin at hindi ko na lang siya pinansin. Kinuha ko ang tuwalya ko at dumiretso ako sa banyo at nagsimulang maligo.
Hindi ko maitatanggi na matalino si Charene simula pa lang nung bata siya ipinagmamalaki na siya ng mga magulang ko. Lagi siyang nangunguna sa klase nila at kasali rin siya sa journalism, pambato siya lagi sa mga quiz bee pero maldita siya sa akin hindi niya ako ginagalang ni minsan hindi ko narinig ang salitang 'ate' mula sa kaniya.
Pagkatapos ko maligo ay wala na si Charene sa kwarto namin. Magkaiba kami ng school nasa pribado siyang paaralan samantalang ako nasa pampublikong paaralan.
Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na ako sa kwarto nakita ko sila mama at papa na naglilinis nang sala. Hindi ko na lang sila pinansin at nagdire-diretso sa pintuan.
"Buti naisipan mong pumasok?" Sarkastikong sabi ni mama at hindi ko na lang pinansin. Akala ko ba ito ang gusto niya? Ano pa ba ang dapat kong gawin para ipagmalaki niyo ako? tuluyan na akong lumabas at naglakad hanggang sa makarating ako sa paaralan.
"You're late!" Sigaw sa akin ng teacher namin sa General Mathematics. "Sorry." ayun na lang ang nasabi ko at umupo sa likuran.
"Class makinig kayo. Nandito kayo para turuan ng tamang asal at matuto at ikaw Carliah? Bakit ganyan ang ugali mo? bakit ka pa pumasok? Dapat tinuloy mo na lang ang pag absent mo ng ilang buwan at worse late ka pa ngayon? Wala kang aasahan sa subject ko kapag pinagpatuloy mo yan!" Sigaw sa akin ng teacher namin at umakto naman ako na hindi ko siya narinig. Bakit kaya ang hilig nila magpahiya?
Pagkatapos nun ay nagsimula na magklase ang guro namin. Hindi ko masyadong maintindihan at hindi ako interesadong makinig, masyadong masakit ang narinig ko kanina. Bakit nga ba nasasaktan pa rin ako? Lagi naman akong nakakatanggap ng masasakit na salita mula sa kanila.
"Carliah come to my faculty." Sabi sa akin ng guro namin at sumunod na lang ako. Habang naglalakad kami sa hallway ay pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Ano problema nila?
"Come in" pumasok kami sa faculty ng mga teacher sa matematika at saka umupo sa harap ng table niya. "I've heard some issues about your attitude Ms. Peñaflorida. Hindi ka rin pumasok ng mahigit isang buwan? Anong nangyari sayo?" Nagtatakang tanong ni ma'am Ginalhyn sa akin. Pagkatapos akong pahiyain? Eto na naman?
"I'm just busy." seryoso kong sabi at saka siya ngumisi "uh oh? you're busy while your grades are falling."Pang iinsulto niya.
Hindi ko lang siya teacher sa General mathematics, adviser ko rin siya. Isa rin siya sa mga masusungit at strict na teacher sa buong school.
"Then sorry.." makahulugan kong sagot at tinaas niya kilay niya "Ganyan? Ganyan ka ba makipag usap sa guro mo? what kind of student are you? I'm your adviser right? Stop these nonsense attitude or else you will fail!" Medyo inis na sabi ni ma'am Ginalhyn
Yumuko lang ako, hindi ko man lang siya matitigan ng diretso sa mata niya. I feel embarrased lahat ng teacher nakatingin sa akin. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at sinagot siya.
"You're not my mother nor my father. Hindi kita susundin dahil lang sa gusto mo, sorry ma'am but this is me! This is the reality! and sad to say that you have a student like me." Sabi ko at tuluyang umalis doon "Carliah!" Ayun na lang ang narinig ko at lumabas sa faculty. Pumatak na naman ang luha sa mga mata ko. Why I am such a failure?
Hindi na ako pumasok at umalis ako sa school. Naglalakad ako sa gilid ng kalsada nang mabangga ko ang isang lalake na naka asul na jacket.
"Sorry" wala sa sariling usal ko at lutang pa rin "Sorry miss!" sabi niya at kumunot ang noo niya. Tinignan ko naman ang mukha niya. Matangos ang ilong niya at may suot siya na earphones.
"Okay ka lang miss?" Tinanggal niya ang earphones niya at akmang hahawakan niya na sana ang balikat ko pero talikuran ko siya at tuluyang naglakad.
Ayoko na may may pumasok na tao sa buhay ko at ayoko na ulit maiwan.
BINABASA MO ANG
Monophobia
Novela Juvenil❝ This story has a deep meaning. Monophobia means fear of being left alone. ❞ &&. 🖇️ Started: 08/19/2019 🖇️ Completed: 10/28/2019