CHAPTER 5

22 3 0
                                    

CHAPTER 5



Carliah's POV

Sabog ba siya?? Anong sagot sa tanong? Nahihibang na ata ito eh. Tinitigan ko lang siya at naghihintay pa ng sunod na sasabihin niya.

"Biro lang" nakangiti niyang sabi. "Ewan ko ba Carliah sa dinami dami nang nakakasalubong kong babae araw-araw sayo lang talaga may kakaiba eh." Tango tango niyang sabi.

"Ah baka kasi panget ako?" Pabiro kong sabi at nagtawananan naman kami.

"They always say that you just keep moving forward whatever happen, happens." Sabi niya at tumingin sa mga mata ko. Buset na yan.

"Pero hanggang ngayon naka stuck pa rin ako sa past. Pakiramdam ko dala-dala ko pa rin siya hanggang ngayon." Mapait niyang sabi. At nginitian ko siya.

'Smile is the best thing you can give to a sad person.'

"Don't worry Domino Fortesso! Nandito ka na ka kaya! at kasama mo na ako! H'wag kang mag-alala sasamahan kita hanggang sa maging okay ka. Life must go on and on.." Nakangiti kong sabi at nag thumbs naman ako.

Nagulat ako sa biglang pagyakap niya. "Salamat." Sincere niyang sabi at nginitian siya.

Umuwi na kami pagkatapos nun hindi na ako nagpahatid kasi kaya ko naman sarili ko. Malaki na ako.

Pagkauwi ko sa bahay nakita ko bukas pa rin ang ilaw at nagkakantahan silang lahat. Napangiti naman ako ng makita kong kumakanta si papa.

Hindi man lang nila napansin ang pagpasok ko, kaya dumiretso ako sa kwarto, naglinis ako ng katawan at nagbihis paglabas ko nagulat ako ng makita ko si papa na nasa kwarto at nakatingin sa litrato namin ni Charene.

"Nakita kitang umuwi." Sabi niya at umupo siya sa kama habang ako nakatayo pa rin. "Ang laki niyo na pero naisip ko lang hindi ba kami nagkulang ng pagpapalaki sa inyo anak? Kasi nandyan na kayo sa stage na unti-unti niyo nang makilala sarili niyo, unti unti na kayong magbabago. Anak sana kapag dumating yung time na kailangan mo ng bumukod sa amin huwag mo kaming kakalimutan." Nakangiting sabi ni papa. "Naiinis ako kapag sinusuway mo kami eh ang hangad lang namin ay para sayo, sana maintindihan mo anak." Dagdag ni papa at napatingin naman ako sa kawalan.

Para ba sa akin lahat ng ginagawa nila? Eh hindi nga sila boto sa amin ni Klein dati, eh gusto nga nila na lagi akong nasa honor, paano kapag hindi ko na kaya? Tss..

"Papa Happy Birthday." ayun lang ang nasabi ko sa dami ng sinabi niya. Kinuha ko sa aparador ko yung regalo ko kay papa at iniabot ko sa kaniya yun at natuwa naman siya.

Pagkabukas na niyan ay mas lalo siyang natuwa, kasi paborito niyang relo ang binili ko hehe. 'Sana magustuhan mo papa' , Pinag ipunan ko yan para sa kaniya.

"Salamat anak, sana maintindihan mo kami ng mama mo.. Para rin sayo yun." Yinakap ko na lang si papa at hindi na nagsalita pa.

Kinabukasan

Linggo ngayon at nagulat ako dahil alas diyes na. Magagalit na naman siguro yun sila papa sa akin.

Nagmadali akong lumabas. Nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Shantelle. Panira ng araw bakit pa yan nandito?

"Good morning cous" nakangiti niyang sabi at tumango na lang ako. "Ay oo nga pala, nauna na umuwi sila mama nagpaiwan ako kasi gusto ko pa mag stay hehe hindi pa kita nakakausap eh." Sabi niya at kumuha ako ng plato at nagsimulang kumain ng kanin at hotdog. "Tapos sila Tita, Tito at Charene nagsimba, hindi na ako sumama kasi tulog ka, kaya pinaghandaan kita ng almusal." Nagulat naman ako sa sinabi niya.

Bakit kailangan niya pa mag effort at umarte ng ganito? Ano ba kailangan niya?? Simula pa lang alam niya na hindi na kami okay.. Ang lakas naman ng loob niya na lapitan ako. Tss..

"At saka cous ku--" hindi pa niya natapos ang sasabihin niya ng magsalita ako. "Ano ba kailangan mo Shantelle?" Seryoso kong sabi at natigilan naman siya. "Sorry Carliah, gusto ko lang bumawi.."

Babawi saan? Matagal na yun tapos. Wala na dapat bawiin, wala na din dapat ayusin. Tapos na.

"Para saan pa? Okay na ako oh? Di ka pa ba natutuwa na linayo mo sa akin ang taong mahal ko?" Lumaki ang mata niya sa sinabi ko.

Hindi siya makaimik sa nasabi ko. Natigil din, ayoko ng pag usapan yun pero nauungkat ng dahil sa ginagawa niya. Praning.

Pagkatapos ko kumain ay nag ayos ako at lumabas ng bahay nag isip-isip muna ako at may pupuntahan din kasi ako ng linggo. Naalala ko ang mga sinabi ni Domino, na stuck din pala siya sa past niya.

'Ano ba ang meron sa past niya?'

Bakit gusto ko ba na malaman pa? Kailan ka pa nagkaroon ng interest sa lalake ulet Carliah? Naiinis kong tinahak ang daan papunta sa Sandoval General Hospital.



Domino's POV

"Good Job Mr. Fortesso! You are doing great, Tama ang Daddy mo ikaw ang susunod sa yapak niya." Nakangiting sabi ng Vice President ng company namin. "Thank you." Nakipag shake hands ako at saka na siya umalis.

Umupo ako sa swivel chair at binasa lahat ng dokumento na inabot sa akin ng sekretarya ko.

Eto ang iniwan sa akin ni papa at mama ang negosyo nila.

Namatay sila sa isang pagsabog sa mall at halos madami ang nadamay. Nangyari yun nung nasa grade nine ako. Napakasakit sa akin ng nangyari. Wala akong choice sa edad kong ito 17 years old, naulila agad sa kanila, at ang masakit doon hindi ko man lang sila nakasama ng matagal, makwentuhan at masabihan ng ng kung ano-ano pa.

Tinanggap ko itong company ng buong puso at para ito kela lola at lolo, masaya ako at kasama ko sila hanggang ngayon..

Pinagsasabay ko ang trabaho at aral, oo may pera ako kahit hindi na ako mag aral ay okay lang, pero gusto kong makapag tapos bilang isang Doktor, matagal ko na yung pangarap.

Walang nakakaalam na may company ako, nagpapanggap lang ako normal na estudyante kapag nasa paaralan. Ginagamit ko rin ito para makatulong sa mga orphanage.. Masaya na ako doon.

Nagulat ako ng biglang may nalaglag na litrato ng isang babae. Babaeng iniwan ako, pinangakuan at pinagpalit sa iba.

Nandito pa rin ako, aantayin kita, sabi mo papakasalan mo ako? Pero ang daya mo naman babe! Pinagpalit mo ako, sana hindi na lang ako dumating sa buhay mo, Binigay ko naman lahat ah?

Bakit bigla ka na lang hindi nagparamdam?

Bakit nawala ka na lang ng parang bula?

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan ako nagkulang..

Sa pera ba o sa pagmamahal..

MonophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon