CHAPTER 10

12 2 0
                                    

CHAPTER 10



Charene's POV

Maraming binili sa akin si Zeo.. Sandals, Damit, pabango at tsokolate.. Magsasara na ang mall kaya lumabas na kaming dalawa.

Nagulat ako dahil anong oras na! Alas nuebe na.

"Zeo, uwi na tayo anong oras na.. Siguro hinahanap na ako nila mama." Mahinahon kong sabi sa kaniya at sumimangot naman siya.

"Mamaya na please?" Pagpapacute niya sa akin. "Zeo naman.. Gabi na. Ihatid mo na ako.." Sabi ko habang nakahawak sa braso niya.

"Sige na nga hehe.. Tara sumakay na tayo ng jeep baka mayari ako neto sa mama mo HAHAHAHAHA." Sabi niya at kinurot ako sa pisngi.

Pumara kami ng isang jeep at sumakay. Lima lang ang pasahero kasama kami. Isang Nurse at dalawang mag asawa ata yun.

"Charene?" Bulong sa akin ni Zeo at nakiliti naman ako sa bulong niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran.

"Hmm?" Sagot ko at humarap ako sa kaniya. "I love you." Malambing na sabi ni Zeo habang nakatingin sa mga mata ko. "Yes." Sagot ko at ikinabigla naman niya. "Anong yes?" Namamangha niyang sabi "Tayo naaaa?" Sigaw niya kaya tinakpan ko bunganga niya.

"Ano ba Zeo, oo nga tayo na nga.." Nakangiti kong sabi sa kaniya.

Napatingin ako sa tatlong pasaherong kasama namin. Nag iba kasi ang reaksyon nila lalo na yung nurse nanginginig sa takot. Napatingin ako sa harapan ng jeep. Nooooooooo!

*Tuuuuuuuuuuuugsh!*

Hindi ko magalaw ang katawan ko.. Hinanap ng mata ko si Zeo.. Nakita ko siyang walang malay at duguan ang ulo.. Pumatak ang luha sa mga mata ko.

"I love you Zeo.." Huli kong sabi sa isip ko habang nakatingin sa walang malay na si Zeo hanggang sa mawalan din ako ng malay..



Carliah's POV

"Wala pa ba siya?" Seryoso kong tanong kay mama at hindi siya mapakali. "Kanina ko pa tinatawagan number niya pero walang sumasagot Carliah. Hindi naman niya ugaling magpagabi ng ganitong oras.." Nag-aalalang sabi ni mama at napaupo na lang ako sa sofa at tinry ko din na i-dial ang number niya pero wala pa rin sumasagot.

"Hahanapin ko siya." Seryoso kong sabi at saka tumayo. "H'wag ka ng lumabas anak" sabi ni papa at umiling naman ako. "Kaya ko sarili ko papa. Hahanapin ko lang si Charene baka kung saan na naman yun nagsususuot." Paliwanag ko at saka lumabas ng bahay.

Kakagaling ko lang sa labas tapos lalabas na naman ulit ako.. Nasaan ba kasi yun si Charene! Sa mall? Mahilig kasi mag shopping yun pero anong oras na eh? Wala nang bukas na mall ng ganitong oras. Subukan ko lang naman walang mawawala.

Walang dumadaan na jeep kaya medyo natagalan ako, sakto may isang dumaan at sabi nung driver pauwi na rin daw siya.

"Saan ba ang punta mo ineng?" Tanong ni manong driver sa akin "Sa mall po sana.." Mahinahon kong sabi. "Aba eh wala ng bukas na mall ngayon ineng." Sabi niya at tumango na lang ako "Hinahanap ko po kasi kapa--" napatigil ako ng makita ko sa di kalayuan ang nakatumbang jeep at may limang bangkay na nakahiga sa kalsada.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ayokong isipin pero pakiramdam ko isa doon ay si Charene.. "Manong dito na lang ako. Salamat po." nagmamadali akong bumaba at tinignan yun. Sobrang daming tao at may mga pulis na rin. Bakit wala pang ambulansya?

Nakipagsiksikan ako sa mga taong nandito. Nagulat ako ng makita yung limang bangkay na may patong na tela sa mukha.. Patay na naman.. Nahagip ng mata ako ang isang bangkay dahil sa suot niyang sapatos. Charene???

Linapitan ko kaagad yung bangkay kahit maraming pumipigil na pulis.

"Miss h'wag kang lumapit."

"Miss doon ka muna."

Tinignan ko sila ng masama at sinigawan "Bitawan niyo ako! Kapatid ko yan!" Napatigil sila at lumuhod ako sa tabi ng bangkay. Dahan dahan kong tinanggal ang telang nakapatong sa bangkay.

"Charene.." nangangatog kong sabi.



Klein's POV

"Sabi ko naman sayo ate mag iingat ka eh! Tignan mo may galos ka tuloy! " Inis kong sabi kay ate at tinignan niya ako ng masama. "Parang galos lang yan oh! At saka bakit umuwi ka kaagad?" Sabi niya at napatahimik naman ako.

"Eh gusto ko dito ulit mag aral sa pilipinas ate. Ayoko na doon hindi ko trip doon." Seryoso kong sabi at umupo ako sa sofa. Namiss ko dito sa pinas.

"Ang sabihin mo hindi mo kaya mag-isa tse! At subukan mo ulit magpasaway hindi na kita ipagtatanggol kila mom at dad!" Sabi niya at tinalikuran ako. Tss.. Sisimulan ko nang maghanap ng school.

Biglang pumasok sa utak ko ang mukha ni Carliah.. Kumusta ka na love? Bumalik na ako.. Ako pa rin kaya ang mahal mo?

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa sofa..

Kinabukasan

"Bumangon ka na diyan!" Napabalikwas ako sa sigaw ni ate. Buset nakakabingi. "Bakit diyan ka natulog? Diba doon kwarto mo?" Turo niya sa second floor. "Eh pagod ako ate eh." Inis kong sabi at iniwan siya. Dumiretso ako sa kwarto ko.. Naghilamos ako tapos nagsipiliyo binuksan ko rin ang T.V pagkaupo ko ng sofa at nanood ng balita

[ News Update! ]

"11:00 pm kagabi ng nagsalpukan ang isang Jeep at Truck sa Bonifacio Highway.. Lima patay Dalawa sugatan.. Ang mga bangkay ay nagngangalang Stella Jose, Rodolfo Pillas, Diana Pillas, Zeo Lacrosse at Charene Peńaflorida.."

Lumaki ang mata ko sa narinig ko. Si Charene yung kapatid ni Carliah? Imposible yun? Dali-dali akong naligo at naglinis ng kwarto ko.. Pupuntahan ko ang bahay ni Carliah. Sana doon pa rin siya nakatira..

Sumakay agad ako sa sasakyan at pinaandar ito. Binuksan ko ang music player ng kotse ko

I often close my eyes
And I can see you smile
You reach out for my hand
And I'm woken from my dream
Although your heart is mine
It's hollow inside I never had your love
And I never will ~

And every night I lie awake
Thinking maybe you love me
Like I've always loved you
But how can you love me
Like I loved you when
You can't even look me straight in my eyes ~

I've never felt this way
To be so in love
To have someone there
Yet feel so alone
Aren't you supposed to be
The one to wipe my tears
The on to say that you would never leave ~

Makikita na ulit kita Carliah.. Love.. Sana mapatawad mo ako.. Sana maging okay na ulit tayo.. Nandito na ulit ako.. Hindi na kita sasaktan pa. Maniwala ka..

Nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko.. Naaalala ko lahat ng maling nagawa ko sa taong mahal ko. Napakasama ko sinaktan ko ang taong walang ginawa kung hindi mahalin ako. Sinaktan kita Carliah.. Patawad..



Songs I used:
Kiss the Rain

MonophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon