CHAPTER 12
Domino's POV
Lumipas ang isang linggo at nailibing na rin si manang Weng kasunod nun ay si Zeo.. Wala akong alam sa nangyari basta nalaman ko na lang wala na siya.
Yung dalawang taong mahalaga sa buhay ko iniwan ako. Ganoon ba ako kasama? Hanggang ngayon may kirot sa puso ko na hindi ko maintindihan, hindi patas ang mundo sa akin.
Gusto kong sabihin na 'Time freeze lang muna ha? Kasi hindi ko na kaya. Next time na lang!' Kaso hindi mo naman pwedeng pakiusapan ang tadhana. Dahil lahat naman ng saya may kapalit ng lungkot.
Si Carliah.. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakakausap at nakikita. Hindi ko alam kung sinadya niya ba na hindi muna ako kausapin or busy lang talaga siya. Wala akong balita sa kaniya, gusto ko siyang puntahan pero natatakot ako baka sabihin niya, na nandoon lang ako sa kaniya kapag kailangan ko siya.
"Sir welcome back!" Bati sa akin ng mga employee ko.. "Sir kaya mo na ba ulit magtrabaho?" Tanong sa akin ng sekretarya ko at tumango lang ako.
Dumiretso ako sa opisina ko at inumpisahan ang pagtype sa laptop ko. Sabado at linggo dito ako minsan sa kumpanya ko. Nakakalungkot lang at wala na akong mahanap na dahilan para ipagpatuloy pa ito. Wala akong choice. Naiwan ako.
"Sir Fortesso.. May naghahanap po sa inyo.." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ng Sekretarya ko. Wala naman akong naka schedule na may kakausap sa akin ah. Hmmm.
"Sige papasukin mo." Sabi ko at nagsimulang tumingin ulit sa laptop. Naramdaman ko ang pagpasok ng isang tao at dumiretso sa harapan ng table ko.
"Ehem." Napatingin naman ako sa kaniya "Seat." Sabi ko at inayos niya ang pag upo niya. "I am Klein Rod Pedrino." Sabi niya at napatitig ulit ako sa mukha niya. Rod? Siya na ba yun? Hindi ko alam.
"And?" Seryoso kong sabi at tumawa naman siya.. "Hindi mo ako naaalala? Sorry na pre." Buset naaalala niya nga ako.. Siya na nga yun! "Rod?" Sabi ko at tumango naman siya. "Ang hirap mong hanapin nandito ka lang pala." Natatawa niyang sabi at napangiti naman ako "Baliw ka iniwan mo kasi ako." Seryoso kong sagot.
"Nangako ako sabi ko sasamahan kita through ups and down and sorry pre hindi ko yan natupad pero masaya na ako makita na parehas na tayong successful." Sabi niya at nagtawanan kami. "Hindi ka pa rin pala nagbabago! Nag aaral pa tayo tsk. Kailangan may mapatunayan tayo." Sabi ko "Kakagaling ko lang sa Paris, ayoko dun Domino! Gusto ko dito.. Masaya dito." Seryoso niyang sabi. "Edi mag enroll ka sa school na pinapasukan ko!" Sabi ko at napa wow naman siya HAHAHAHAHA
"Kumusta ka na pala?" Tanong ni Rod at napaisip ako. Kumusta na ba talaga ako? "Ayun mag isa.." Sabi ko at tumingin sa mga papeles na ginagawa ko. "Alam mo kapag ganyan dapat umiinom na tayo niyan pre eh." Sabi niya at natawa naman ako. Loko "Sige mamaya inom tayo libre ko!" Pagmamalaki kong sabi "Bestfriend nga talaga kita" sabi niya at nagtawanan ulit kami.
Carliah's POV
I look out and
I see the rain
As it falls on
My window pane ~And the music
That's in my heart
Is a sad refrain ~Endless traffic of
Sounds and sights
Midst the glitter
Of neon lights
Still the music
That's in my heart
Is the same sad refrain ~Mem'ries of you follow
Everywhere I go
Down the high and
Bi-ways of my days
Music of your laughter
Fills my every dream
Like a love song
From long ago ~Never ending streams
Of faces come and go
Million diff'rent
People all around
No use searching for
I'll never find you
There for you are
Far beyond compare ~Naalimpungatan ako sa lakas ng katok sa pinto ng kwarto ko.
"Sino yan???" Sigaw ko, gusto kong matulog ng matulog hanggang sa malawa yung sakit at kirot sa puso ko.
"Lumabas ka na riyan ilang araw ka ng hindi kumakain? Gusto mo na ba magkasakit Carliah?" Sigaw ni mama at tinakpan ko na lang ng unan yung mukha ko. Sana magkasakit na lang talaga ako.
Kasama ko naman yung mga stuff toys ko dito eh. Hindi naman ako mag isa. Masaya ako na kasama ko sila kasi bigay ni Klein yun! Parang kasama ko na rin si Klein.. Ayoko maiwan mag isa gusto ko laging may kasama. Nakakatakot.. Nakakalungkot.. Nakaka walang gana mabuhay..
"Carliah???" Sigaw ulit ni mama at tumayo na ako.. Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at binuksan yun. "Oh?" Mahinahon kong sabi.
*Pak!*
Nagulat ako sa biglang pagsampal ni mama.. Pakiramdam ko namanhid ang pisngi ko, bigla na lang akong naiyak at napaupo sa sahig.
"Ano? Ganyan na lang ba gagawin mo sa buhay mo? Na ipakita sa amin na wala kang kwenta! Kakalibing lang ng kapatid mo pero gumaganyan ka na!" Sigaw ni mama at nakayuko lang ako. Ang sakit naman nun. Sana manhid na lang ako.
"Tumayo ka diyan! Kumain ka! Kailangan mo pumasok bukas! Hindi yung ganyan ka lang!" Sigaw ulit ni mama at padabog akong tinalikuran.. Sorry..
Napahiga na lang ako sa sahig habang umaagos ang luha sa mga mata ko.. May nagawa ba akong mali? Meron ba? Tanong ko sa stuff toys na binigay sa akin ni Klein..
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.. Kung malulungkot ba ako o magagalit.. Basta gusto ko lang matulog nang matulog . Pagod na yung katawan ko pati yung kaluluwa ko pagod na.
I often close my eyes
And I can see you smile
You reach out for my hand
And I'm woken from my dream
Although your heart is mine
It's hollow inside I never had your love
And I never will ~And every night I lie awake
Thinking maybe you love me
Like I've always loved you
But how can you love me
Like I loved you when
You can't even look me straight in my eyes ~I've never felt this way
To be so in love
To have someone there
Yet feel so alone
Aren't you supposed to be
The one to wipe my tears
The on to say that you would never leave ~Dahan-dahan akong umakyat sa kama ko at yinakap ang teddy bear ni Klein at saka nakatulog.
Songs I used:
— Refrain by Ian Veneracion
— Kiss in the Rain
BINABASA MO ANG
Monophobia
Teen Fiction❝ This story has a deep meaning. Monophobia means fear of being left alone. ❞ &&. 🖇️ Started: 08/19/2019 🖇️ Completed: 10/28/2019