CHAPTER 20
Shantelle's POV
"Ate Koreen." Mahinahong sabi ni Yannie kay Ate Koreen habang hawak hawak niya ang pisngi niya.
"Anong kasalanan sayo ni Carliah, Yannie? Hindi ba't ikaw ang may kasalanan sa kaniya? Ang lakas naman ng loob mong saktan si Carliah! Mahiya ka naman sa sarili mo!" Naiinis na sabi ni Ate Koreen at tinanaw ko si Carliah. Hanggang ngayon wala pa rin siyang imik natatakot ako na baka atakihin na naman siya ng lungkot.
"Bakit Ate Koreen? Ako lang ba ang may kasalanan sa kaniya ha? Diba ikaw rin?" Napatigil bigla si Ate Koreen at Tumawa ng malakas si Yannie. "Yannie tama na." Pigil na sabi ni Klein. Huli ka na. Ilalabas na ni Yannie lahat at alam kong madadamay ako doon.
"Hindi ako titigil hangga't hindi nalalaman ni Carliah lahat lahat!" Sigaw ni Yannie at tinignan siya ng masama ni Ate Koreen. "Wag kayong umasta sa harapan ko na parang ako lang ang may kasalanan kay Carliah. Diba pati Ikaw Ate Koreen? Lalo ka na Shantelle?" Lumaki ang mata ko at natulala sa sinabi niya. Walang hiya ka Yannie.
"Handa ka na bang makinig Carliah?" Nakangising tanong ni Yannie at tulala lang si Carliah sa kawalan. "Yannie tumigil ka na. Carliah Let me explain my side first." Pagmamakaawa ni Ate Koreen at tinignan lang siya ni Carliah.
"What? Explain your side? Ano pa i-eexplain mo? Diba nagpanggap ka lang naman na gusto mo si Carliah kay Klein?!" Inis na sabi ni Yannie at lumaki naman ang mata ko. No way!
"That is not true! Alam mo yun at ni Shantelle lahat! Na ginawa ko lang 'yon para kay Carliah!" Sigaw ni Ate Koreen at nagulat ako ng biglang umabante si Carliah at pumagitna sa kanilang dalawa.
"Hindi ko maintindihan, ano ba ang gusto niyong sabihin? Naguguluhan na ako Ate Koreen, Yannie, Shantelle.." Tingin niya sa amin tatlo habang mugto ang mata niya "Bakit ngayon ko lang malalaman lahat ito? Bakit ngayon lang? Ano ba ang kasalanan ang sinasabi ni Yannie? Naguguluhan na ako.." Malungkot na sabi niya at lalapitan ko sana siya kaso biglang sumingit si Klein.
"Ako ang magpapaliwanag Carliah.." Mahinahon niyang sabi at tinignan niya ako. Parang sinasabi nang mata niya na sasabihin ko na lahat para matapos na.
"Carliah.. Mahal kita.. Oo mahal kita.. Alam mo naman yun diba?" Nakangiti niyang sabi kay Carliah.. "Pero patawarin mo ako Carliah.. May kasalanan ako sayo.. Malaki ang kasalanan ko sa iyo.." Nakayuko niyang sabi.
Natatakot ako paano kapag nalaman niya na lahat? ni Carliah? Paano na kami? Paano na lahat?
Nakakapanghina ng tuhod.
"Ang alam mo ay pinagpalit kita kay Yannie.. Oo inaamin ko minahal ko si Yannie habang tayo pa.. Hindi ko alam Carliah eh na attract ako sa kaniya.. Kaya niyang ibigay lahat ng bagay na hindi mo kayang ibig--"
*Pak!*
Nagulat kaming lahat ng biglang sampalin ni Carliah si Klein! Napatingin naman ako sa gawi ni Domino. Malungkot ang mata niya, ngayon alam ko na.. na may nararamdaman din siya sa pinsan ko.
"Sabi mo sa akin Klein.. Sapat na ako sayo! na sapat na ako! yung pagmamahal ko! Kasi diba mahal mo ako? Kasinungalingan lang ba lahat ng 'yon? I trust you! I trust everyone! Ano ba ang ginawa kong mali para isukli niyo sa akin ito??" Naiiyak na sigaw ni Carliah kay Klein. Lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"Mahal kita.." Nanghihinang sabi ni Klein habang nakahawak siya sa pisngi niya. Tumingin siya sa gawi ko at nagsimulang magsalita. "Patawarin mo ako Carliah.. Patawarin mo ako. Pinagtakpan ako ni Ate Koreen dahil pinilit ko siyang h'wag sabihin sayo.. Patawarin mo ako." Paulit ulit na sabi ni Klein at nakita kong naiinip si Yannie. Napakapanget ng ugali niya!
Nahagip ng mata ko si Carliah na pinipigilan ang pagpatak ulit ng luha niya.. Wala ng lumalabas na salita sa labi niya. Sorry Carliah..
"Ayun lang ba ang sasabihin mo sa pinakamamahal kong ex-bestfriend?" Natatawang sabi ni Yannie at tinignan ko siya ng masama. What's wrong with her!
Domino's POV
Halos mag iisang oras na kaming nakatayo dito.. Naaawa na ako kay Carliah pakiramdam ko pinagtutulungan siya ng mga taong akala niya ay kakampi niya.
"Diba may namagitan din sa inyo Shantelle?" Diba Klein?" Tingin ni Yannie kay Klein at Shantelle. Hindi maaari?
"Tama na." Pigil ko sa kanila at hinawakan lang ako ni Carliah sa kamay. Napatingin naman ako sa kaniya at pilit siyang ngumiti. Nagsalita muli si Yannie at tumabi siya kay Klein. "Kaya ka lang naman linigawan ni Klein dahil kay Shantelle. Gusto niyang mapalapit kay Shantelle." Dagdag ni Yannie at naramdaman ko ang biglang paghigpit ng hawak ni Carliah sa akin. "Hindi naman talaga ikaw yung mahal niya nung una diba Klein? Napamahal na lang siya sayo.. Si Shantelle kusa niyang minahal. Ikaw pinag aralan ka lang niya mahalin. Napagkasunduan nilang itigil na lang ang relasyon nila dahil sayo. Awa lang ang nararamdaman sayo ni Klein.. Awa lang.." Dugtong neto at nakatulala pa rin si Carliah.
"To--to-o ba ang naririnig ko Klein?" nauutal na tanong ni Carliah at malungkot na napatango si Klein. What the f*ck? Ano tingin nila kay Carliah bato? Gag* ka Klein!
"Gag* ka Klein!" Sigaw ko kay Klein at sinapak siya! napaluhod siya bigla sa damuhan at umiyak ng napakalakas!
"Gag* ka! Babae yan Klein! Babae! Ano tingin niyo diyan? Hindi tinatablan ng sakit? Tao rin yan! Tao! naiintindihan niyo ba?!" Sinapak ko ulit siya at hindi pa rin siya lumaban. Inawat na ako ni Shantelle at hindi pa rin ako tumigil!
"Tama na Domino." may diin na sabi ni Carliah. Tumayo ako at inis na tinalikuran silang lahat at lumapit kay Carliah.
"Carliah.. Tara na.." Sabi ko.. Ayoko na makita siyang mahina sa harapan ng mga taong ito! Hindi niya deserve yung mga tao na yan. Mga walang puso.
Hahatakin ko na sana siya ng bigla siyang magsalita.
"Ngayon ko lang narealize na kahit anong gawin ko hindi ako magiging mahalaga sa isang tao, na kahit na ginawa ko yung best ko wala pa rin. Akala ko kayo ang unang makakaintindi sa nararamdaman ko, pinagkatiwalaan ko kayong lahat. Bakit niyo ako pinagtulungan? Wala akong ginawang masama sa inyo. Wala.. Bakit niyo pa ako ginamit? Bakit niyo pa ipinakita sa akin na mahal niyo ako? Kung aabot naman tayo sa punto na ito? Sana hindi na lang kayo lumapit sa akin sana hindi niyo na lang ako nakilala." Biglang bumuhos ang luha ni Carliah at tinalikuran kaming lahat
I often close my eyes
And I can see you smile
You reach out for my hand
And I'm woken from my dream
Although your heart is mine
It's hollow inside I never had your love
And I never will ~And every night I lie awake
Thinking maybe you love me
Like I've always loved you
But how can you love me
Like I loved you when
You can't even look me straight in my eyes ~I've never felt this way
To be so in love
To have someone there
Yet feel so alone
Aren't you supposed to be
The one to wipe my tears
The on to say that you would never leave ~Tinanaw lang namin siyang papalayo sa amin at hinayaan ko muna siyang mapag-isa.
Songs I used:
— Kiss the Rain
BINABASA MO ANG
Monophobia
Teen Fiction❝ This story has a deep meaning. Monophobia means fear of being left alone. ❞ &&. 🖇️ Started: 08/19/2019 🖇️ Completed: 10/28/2019