CHAPTER 11
Klein's POV
Bumaba ako sa tapat ng pathwalk nila Carliah.. Dito pa rin ba kaya sila nakatira?? Tinignan ko muna ang paligid at biglang pumasok sa utak ko ang mga masasayang memories na meron kami Ni Carliah. If I can go back it time, I will stay by your side.
"Kuya.. Kuya.." Nagulat ako sa biglang pagkalabit sa akin ng batang lalaki. "Kuya sino hanap mo po?" Tanong niya sa akin at napatingin naman ako sa suot niyang damit.. Madumi. Hindi pa ako nakakasagot ng may itinuro siya sa di kalayuan. "Kuya ayon ba yung hanap mo?"
Napatingin naman ako sa itinuro niya. Maraming tao at may nagsusugal.. Carliah..
Dali-dali akong pumunta doon at iniwan yung bata.. Habang papalapit ako ng papalapit nakikita ko ang ilang taong nagsisiiyakan sa harap ng kabaong.
Napatigil naman ako ng may mga taong tumingin sa akin.. Hinanap ng mata ko si Carliah.. Nasaan ka na?
Shantelle's POV
Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap ang pagkawala ni Charene.. Parang isang kisapmata ang pagkawala niya. Halos maubos na ata yung luha ko nung nalaman namin yun kaya agad kaming pumunta dito.
Nakasakay siya sa jeep ng may bumanggang truck sa sinasakyan niya, at ngayon nakakulong na ang driver ng truck.
Si Carliah naman ay nagkukulong sa kwarto, siya kasi ang nakakita kay Charene.. Kinakabahan ako sa kaniya kasi kagabi pa siya hindi lumalabas. Sila Tita at Tito wala din gana at matamlay. Naaawa ako sa kanila. Masakit mawalan ng anak.
Lumabas ako at nakita ko ang nagsisiiyakang mga kaklase ni Charene, tumalikod na lang ako para hindi ko na maramdaman ang lungkot nila. Sobrang sakit..
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang lalakeng ngayon ka lang ulit nakita. Bakit siya nandito??? Linapitan ko siya at tinignan ng masama.
"Shantelle.. Condolence." Malumanay niyang sabi at tumango naman ako.. Hindi siya pwedeng makita ni Carliah. Tsk tsk.
"Pumasok ka muna.. Mukhang pagod na pagod ka ah?" Seryoso ko pa rin na sabi. Pinaupo ko siya sa sofa at saka lumabas si Mama.
"Shan.. Hinahanap ka ni Carliah.." Tawag sa akin ni Mama. Ako? Malamang ako!
"Carliah? Nasaan si Carliah? Shantelle? Gusto ko siyang makita!" Naguguluhan na sabi ni Klein. "Hindi pwede Klein. Sige na eto kape oh at biscuit.. Kakausapin ko lang siya." Sabi ko at dumiretso sa kwarto ni Carliah.. Kinakabahan ako super..
Pagpasok ko ng kwarto niya ay nakita ko siyang nakatingin sa bintana.. Ang gulo ng higaan niya.. Puro stuff toys ang nasa paligid niya.. Ang creepy buset..
"Hmm. Carliah?" Tawag ko sa kaniya pero wala pa rin response. Hindi rin siya gumagalaw.
"Carliah? Hanap mo raw ako?" Nagsalita ako ulit baka kasi hindi niya ako narinig.
Dahan-dahan siyang humarap sa akin at pumatak ang luha sa mga mata niya. Oh no! Ayoko ulit na makita siyang umiiyak kasi yung huling iyak niya muntik na siyang mag suicide.
"Carliah.. Nandito na ako.." Mahinahon kong sabi ko. "Carliah.. Magiging okay din lahat ha h'wag ka ng umiyak please?" Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at yinakap siya.. Hindi pa rin siya gumagalaw.. Tulala lang siya at wala pa rin kibo. Kinakakaban ako kasi ayoko na naman maulit yung dati tas nandito pa si Klein!!
Malaki ang kasalanan ko kay Carliah.. Napakalaki ng kasalanan ko sa kaniya.. Hanggang ngayon alam ko pa rin na may galit siya sa akin at siguro hindi na mawawala yun.
"Carliah.." Tawag ko ulit sa kaniya.. Tinignan niya ako sa mukha habang mugto ang kaniyang mga mata.. "Magiging okay din lahat." Nakangiti kong sabi at nagbago ang expression niya. Damn!
"Kaya mo ba ibalik ang buhay ng kapatid ko Shantelle?" Seryoso niyang at napatigil naman ako.. "Hindi pa ako nakakabawi sa kapatid ko.. Tapos.. Malalaman ko wala na siya.. Gusto kong magwala sa galit.. Gusto kong magpakamatay.." Bumilis ang tibok ng puso ko sa huli niyang sinabi.. May ganitong personality si Carliah kapag sobrang lungkot niya.. Natatakot ako.. Natatakot ako para sa kaniya..
"Ang unfair naman kasi ng mundo. Lahat na lang kinukuha sa akin lahat na lang hindi pwede. Hindi ako pwedeng maging masaya. Bawal." Dagdag pa niya at yumuko na lang ako.. Ramdam ko yung galit niya.. Hanggang ngayon dala-dala niya pa rin lahat ng sakit. Sorry Carliah..
"Carliah.. Sorry.." Mahinahon kong sabi at tinalikuran niya ako.. Humiga siya sa kama at yinakap niya ang human size teddy bear niya. Ayun yung bili sa kaniya ni Klein noon ah? Tinago niya pa rin?
"Lumabas ka na." May awtoridad niyang sabi at lumabas agad ako.
Pumunta ako sa sala habang nanginginig ang tuhod ko. Ayoko ng ganun si Carliah, parang nag iiba ang ugali niya parang hindi siya yung Carliah dati. Ibang iba na.
"Shan." Napalingon ako kay Klein at bumuntong hininga. "Pwede ka nang umuwi.." Seryoso kong sabi habang nililigpit ng mga kalat sa sala. "Hindi pa pwede.. Si Carliah kakausapin ko Shan." Sabi niya at medyo nairita ako!
"Alam mo? Bakit ka pa bumalik? Kasi ikaw yung umalis diba? Sinaktan mo si Carliah? At pwede ba h'wag ngayon.. Nasa burol ka ni Charene. Please lang Klein." Mahinahon kong pakiusap at napayuko na lang siya.. "Alam ko na alam mo lahat.. Hindi lang ako ang may mali.." Dagdag niya at lumaki ang mata ko.
No way! Ngayon pa ba kami magsisisihan! Tama na please! Malaki na yung nagawa kong kasalanan ayoko na! Alam ko lahat oo! Pero choice niya na lokohin si Carliah.
"Are you blaming me now Klein? Ginusto mo yun.. Ginusto mo." Naiinis kong sabi at nagsalita na naman ulet si Klein. "Bakit sinabi mo na ba ang meron sa atin?" Sabi niya at parang nabuhusan ako ng tubig doon!
What the f*ck is he saying? Matagal na yun! At nagsisisi na ako don.
"Kaya wag kang magmalinis.." Sabi niya at inayos ang sarili niya.. "Alis na ako." Tinalikuran niya ako at tuluyan na siyang umalis. Napaupo ako sa sofa at napahawak sa noo. Hindi yun pwedeng malaman ni Carliah. Hindi.
Lumabas ako at sumilip sa kabaong ni Charene.. I miss you baby.. Hindi ko ito ineexpect, Minsan naisip ko na sana ako na lang yung nawala hindi ikaw. Kasi mas deserve mong mabuhay.. Mas deserve mo yung buhay na ito. Ako hindi .. Hindi..
I'm useless and a piece if trash.
BINABASA MO ANG
Monophobia
Teen Fiction❝ This story has a deep meaning. Monophobia means fear of being left alone. ❞ &&. 🖇️ Started: 08/19/2019 🖇️ Completed: 10/28/2019