CHAPTER 19

15 2 0
                                    

CHAPTER 19



Yannie's POV

"Gusto ko na makita ulit si Klein ate Koreen." Masaya kong sabi habang nasa restaurant kami ni Ate Koreen.

Kakauwi ko lang kanina galing Tagaytay at masaya ako dahil pumayag naman na makipagkita sa akin si Ate Koreen.

"Bakit ka pa bumalik Yannie?" Napahinto ako ng sabihin yun ni Ate Koreen. Hindi ba siya natutuwa na nagkita na kami ulit? "Ate Koreen.." Tawag ko sa pangalan niya at seryoso naman siyang tumingin sa akin.

"Pinaghiwalay ko na kayo diba? Bakit ka pa bumalik? Hindi ba sinabi ko na sa iyo na hindi pwede kasi kaibigan mo si Carliah at parang kapatid na rin ang turing ko doon sana maintindihan mo yun." Seryoso niyang sabi at mas kinabahan ako lalo.

Oo, pinaghiwalay niya kami. Pinilit niyang papuntahin sa Paris si Klein para wala nang mangyaring gulo pa sa pagitan namin ni Carliah ang ex-bestfriend ko.. Mahal ko si Klein kaya kahit mahal ni Carliah yun pinilit kong agawin si Klein sa kaniya at hindi ako nagkamali nakuha ko si Klein.

"Ate nangako siya sa akin eh. Nangako siya na magiging okay kami kapag bumalik na siya dito." Mahinahon kong sabi at napayuko na lang.

Nakakainis si Ate Koreen! Pinagtakpan niya rin naman kami dati. Pero bakit ganyan siya umasta ngayon? na parang ako lang yung may mali sa lahat? na parang kasalanan ko lahat kung bakit umabot sa ganito?

"Tumigil ka na Yannie. Umuwi ka na, h'wag mo na kaming guluhin lalo na si Klein at Carliah." Seryosong sabi ni Ate Koreen at tumayo siya kaya hinablot ko ang braso niya.

"Ate Koreen! Hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkakaganyan? Hindi ba't dati pumayag ka naman sa relasyon namin ni Klein? Pinagtakpan mo kami diba? Ako yung mas kinampihan mo! Bakit ngayon parang mas pumapabor ka na sa kanilang dalawa? Ate alam mong mahal na mahal ko si Klein. Alam mo lahat! Kaya wag kang umasta na wala kang kasalanan kay Carliah! Alam ko lahat Ate Koreen. Alam natin lahat yun." Medyo pasigaw kong sabi at umupo ulit siya sa tapat ko at tinignan ako ng seryoso.

"Matagal na yun Yannie! Okay na kami ni Carliah.. Alam mong mas gusto ko siya kesa sayo, Pinagtakpan ko lang kayo dahil nagmamakaawa sa akin si Klein na h'wag kong sabihin kay Carliah! Alam mong ayaw ko rin saktan si Carliah. Kaya tumigil ka na. Tama na." Naiinis niyang sabi at tuluyan na akong iniwang tulala.

Ibig sabihin? Hindi siya talaga boto sa amin? na naaawa lang siya kay Carliah? Isang malaking kalokohan! Hindi ako papayag! Mahal ko si Klein! Mahal niya ako! Kukunin ko ulit si Klein! Kukunin ko kung ano yung sa akin.

Sumakay ako sa Kotse ko at tinext si Shantelle. Kailangan ko siya ngayon.. Kailangang kailangan.

To: Shantelle

Nasaan ka? Kita tayo? Punta ka sa parke hihintayin kita!

Sinend ko ang text na yun at pinaandar ang kotse ko.. Dumiretso ako sa Parke kung saan kami laging nagkikita ni Klein.



Klein's POV

Nandito ako ngayon sa parke. Isa sa mga pinupunatahan namin ni Carliah kapag malungkot siya, una yung enchanted kingdom mahilig kasi siya sa rides mas matibay sikmura niya kesa sa akin eh HAHAHAHA.

Masaya ako ngayon, Sobrang saya! Gusto kong tumalon sa sobrang saya. Tinext ko kanina si Carliah na magkita kami at pumayag agad siya. Hindi ko alam kung bakit pero masaya ako sobrang saya!

Gusto kong humingi ng tawad sa kaniya paulit ulit hanggang sa maging okay siya. Nagsisisi na ako sa lahat lahat na nagawa ko sa kaniya. Sana ngayon.. Sana ngayon maging okay na kami. Alam kong naiinis sa akin si Domino. Gusto kong bumawi sa kanilang lahat gusto kong ipakita na kaya kong ayusin lahat. Kakayanin ko. Maibalik lang si Carliah sa akin.

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko at binasa ang natanggap kong message galing kay Ate Koreen.

From: Ate Koreen

Busy ka? Sabayan mo ako mag lunch.

To: Ate Koreen

Nandito ako sa parke hinihintay si Carliah.. Isabay na natin siya.

From: Ate Koreen

Really? Sure! I can't believe.. On my way na. See you!

Napangiti naman ako at ibinulsa ulit ang cellphone ko. Simula pa lang sa una alam kong botong boto na sa amin si Ate Koreen parang kapatid na rin niya ang turing sa kanya nun.

Napatingin ako sa likod ko nung biglang may kumalabit sa akin.

Carliah..

Napatayo ako bigla at yinakap siya! Hindi ako makapaniwala! Siya nga! Hindi na kita papaiyakin, hindi na.. Bumalik ka lang.. Nagulat ako ng mapatingin ako sa gilid at nandoon si Domino.

Bakit siya Nandito?

Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Carliah na wala pa rin emosyon at humarap kay Domino.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at tumawa naman siya. "Sinamahan siya." Turo niya kay Carliah at napataas naman kilay ko. "Carliah bakit?" Tanong ko sa kaniya at napangiti naman siya. "Gusto kong maging okay na tayo Klein.. Pwede bang ibaon natin sa limot lahat yun? Ayoko ng maalala lahat yun parang AWA mo na." Malungkot niyang sabi at nalungkot din ako.

"Carliah.. Patawarin mo ako. Maniwala ka sa akin! Ngayon pa lang sisimulan ko na bumawi pakiusap?" Nagmamakaaawa kong sabi sa kaniya. "Pinatawad na kita Klein.. Mahal kita Klein.. Kaso nakakatakot ng mahalin ka. Nakakatakot ng magsimula ulit.. Nakakatakot ng mawasak ulit tayo ng dahil sayo.. Hanggang ngayon hindi ko pa rin nabubuo sarili ko." Naiiyak niyang sabi at yinakap ko siya ulit. Carliah..

"Mahal kita Klein.. Dahil Mahal kita gusto kong maging masaya ka.. Hindi ka magiging masaya sa akin.. Hindi na.." Dagdag pa niy at biglang lumambot ang tuhod ko sa sinabi niya. Hindi..

"Mahal kita Carliah.. Sayo lang ako magiging masaya. Sayo lang." Naiiyak kong sabi.. "Hindi mo ako mahal Klein. Kung mahal mo ako hindi mo ako ipagpapalit sa bestfriend ko.." Kumirot bigla ang puso ko sa sinabi niya.. Ang sakit.. Tama siya.. Linoko ko siya.. Wala na ba akong pag asa?

"Klein?" Napalingon kaming tatlo sa babaeng tumawag sa akin! Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita yung mukha nung babae na yun! Yannie! Kasama niya si Shantelle.

"Klein! Ikaw nga? Long time no see!" Nagulat ako sa biglang pagyakap niya at tinanaw ko naman si Carliah na katabi naman niya si Domino.

Wrong timing! Anong ginagawa mo rito Yannie???

"Buti na lang at nahanap kita! Miss na miss na kita! Diba sabi mo magiging okay pa tayo diba? Mahal kita Klein! Balik na tayo sa dati please?" Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sa akin at tinignan siya ng masama.

"Umalis ka na Yannie. Bakit ka pa bumalik?" Inis kong tanong at napatulala naman siya. "Sabi mo magiging okay tayo diba? Nangako ka sa akin pero bakit ngayon pinapaalis mo ako?" Naiiyak niyang sabi at napatingin naman ako sa likuran niya at nakita ko si Carliah na nakayuko.

Napatingin din si Yannie sa kaniya at tumaas ang kilay niya. Nagulat ako ng biglang niyang sabunutan ito! Kaya tumakbo ako bigla sa pwesto nila.

"Yannie! Ano ba! Bitawan mo siya! Bitawan mo si Carliah!!!" Hinatak ko si Yannie at sinampal pa niya ito! Hindi man lang lumaban si Carliah at hinayaan niya lang ito.. Nakita ko sa mga mata ni Domino ang galit. Halos matulak na niya si Yannie sa sobrang inis niya! "Sinong nagsabi sayo na hawakan mo si Carliah??" Seryosong tanong ni Domino. "At sino ka naman ha?" Galit na sabi ni Yannie.

"Yannie! Tumigil ka na!" Sigaw ni Shantelle "Shut up!" Sigaw rin ni Yannie. "Hindi mo na kailangan tanungin kung sino ako." Seryosong sabi ni Domino "Subukan mong saktan si Carliah, baka makalimutan kong babae ka." Inis na sabi ni Domino at hindi ako makapagsalita. Hoy! Klein! Patigilin mo sila!!!

"Bakit gusto mo rin ba ang babaeng yan? Ang Walang kwentang babae na yan!?" Sigaw niya sa harapan ni Carliah.

*Pak!*

Nagulat kami ng biglang may sumampal sa kaniya.

"Watch your words." Lumaki ang mata ko ng makita kong si ate yun. Naalala ko pupuntahan niya nga pala ako ngayon. Salamat at dumating ka ate!

MonophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon