CHAPTER 15
Carliah's POV
Bumangon ako ng maaga para magluto ng agahan.. Naisipan ko lang at para bumawi na rin kagabi.. Galit si papa sa akin.
Nagluto ako ng Hotdog, Ham at Fried rice para sa kanila.. Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto nila mama at papa. Hindi ko na lang iyon pinansin at naghanda ng plato at kutsara sa lamesa.
Umupo na ako at nagsimulang kumain nakita ko na umupo na rin si mama at papa at kinain ang linuto ko.
"Uuwi si Shantelle dito.. Dito muna siya mag-aaral para may kasama ka." Muntik ko na maibuga ang kinakain ko ng sabihin yun ni papa. Tf? "Bakit dito papa? Okay na ako kaya ko na mag isa." Depensa ko at tinignan si papa "Hindi pwede.. Mas maganda na magkasama kayo para parehas kayong mabantayan ko." Paano niya kami mababantayan eh lagi nga siyang wala sa bahay. "Ayoko pa rin papa." Inis kong sabi.
Ayoko kasamang si Shantelle masyado siyang makulit mas makulit pa kay Charene at hindi kami okay.. Hindi na kami magiging okay pa.
"Wala ka ng magagawa.. Ako ang pumayag sa Tita Helena mo." Sabi ni mama at tinapos ko ang pagkain ko at padabog na pumasok ulit sa kwarto. Nakakainis sila nakakainis talaga! Hindi man lang nila ako tinanong kung gusto ko.
Kinuha ko ang gamit ko at tuluyan ng pumasok sa school. Nagulat ako ng tumunong ang cellphone ko at binasa ang text ni Domino.
From: Domino
Mamayang 8:00 pm ah? Susunduin kita.
To: Domino
Sige..
Binulsa ko na ulit ang cellphone ko at pumasok sa room. Nakita ko si Kiara na namumula ang mata niya. Ano naman ang nangyari dito? Binaba ko ang bag ko at pinuntahan ang pwesto niya.
"Kiara.." Tawag ko sa kaniya at hindi pa rin siya kumikibo.. Pito pa lang kami dito sa room at ayokong nakakakakita ng umiiyak. Tapos si Kiara pa. Weakness ko yun! "Carliah pagod na ako.." Bakas sa boses niya ang lungkot.. Ano ba ang nangyari? "Sige magkwento ka.. Makikinig ako.." Nakangiti kong sabi at tinabihan siya sa upuan niya.. Maaga pa naman.
Tinitigan niya muna ako at saka siya nagsalita "Wala na kami ni Tristan." Malungkot niyang sabi at napatigil naman ako. "Pinagpalit niya ako kay Sandra.." Nagulat ako ng biglang pagbuhos ng luha niya at yinakap ko siya bigla.. Napatingin sa amin ang mga kaklase ko at umiling na lang ako.
"Sssshhhh.. Huwag ka ng umiyak Kiara.. Please? Tahan na." Pakiusap ko at tumango naman siya.. "Pagod na ako Carliah.. Pagod na pagod na.." Malungkot niyang sabi at lalo akong nalungkot. Alam kong masakit sa part niya yun dahil naging bestfriend niya si Sandra.
"Kiara.. Hindi ka pwedeng mapagod.. Hindi.. Tandaan mo yan.. He don't deserve you at your best then let him be. Smile ka na dali! Hayaan mo na siya.. Okay?" Nakangiti kong sabi at natawa naman siya. Tss.. May mali ba? Nag aadvice lang naman ako eh.
"Salamat Carliah.. Ngayon ko lang narinig yan sayo hehe, salamat dahil naging close kita at hindi ako nagsisi dun. Ang emo mo kasi dati eh! HAHAHAHAHA." mukha ba akong emo dati? Parang kanina lang nagdadrama tapos ngayon aasarin ako aba matindi!
Pumasok na ang teacher namin at bumalik na ako sa upuan ko. Pinunasan na ni Kiara ang luha niya, napansin ko rin na hindi pumasok si Sandra.
Bakit kaya kung ano pa yung gusto mong ipagdamot ayun pa yung naaagaw sayo?
Hindi ko na muling inisip pa yun at nakinig na lang sa lesson.
Domino's POV
Magkikita kami ngayon ni Rod sa bar dahil syempre mag cecelebrate kami, after so many years nagkita na naman kami. Tinignan ko ang orasan ko at 7:00 pm na, natanaw ko sa loob ng bar si Rod na umiinom ng alak tsk may dalawang bote sa harapan niya at may pangatlo na siyang tinutungga matibay ang loko loko.
"Hoy!" Sigaw ko kay Rod at tumingin siya akin. Napangiti siya nung nakita niya ako. Lasing na ata amp. "Hindi mo man lang ako hinintay! May inimbitahan pa nga ako eh." Sabi ko at natawa naman siya. "Sino naman yun? Girlfriend mo? Wow." Lasing na nga. Mukha siyang tanga tignan amputspa. "Wala pa akong girlfriend." Mahinahon kong sabi at natawa naman siya ng napakalakas.
Baliw ampotek. HAHAHAHAHA isa yan sa namiss ko kay Rod ang lala kapag tumatawa akala mo malapit ng mamatay, sana bata na lang kami ulit.
"Wala 'pa'? " pagdidiin niya at tumango naman ako. "So may balak ka? Pakilala mo na sa akin yan hmm." Dagdag niya at tumungga ulit siya ng alak. "Tama na hoy. Sunduin ko muna yung ininvite ko. Huwag ka munang uminom. Makinig ka sakin. " seryoso kong sabi at tumango naman siya. "Yes boss." Sagot niya bago ko siya tinalikuran.
Sumakay ako sa kotse at pumunta kela Carliah. Nangako siya sa akin na sasama siya kaya naman masaya ako doon hehe. Hindi ko maipaliwanag yung tibok ng puso ko kapag kasama ko siya. Siya lagi ng hanap ng mga mata ko. Ewan ko ba! Baliw na ata ako HAHAHAHAHA. Tinext ko si Carliah dahil medyo matagal na ang paghihintay ko.
To: Carliah
Ang tagal mo.. Kanina pa ako nandito HAHAHAHAHA
Tinext ko siya at tumingin sa pathwalk nila nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Carliah. "Kanina ka pa?" Tanong niya at tumango naman ako. Nakasuot siya ng maroon dress at naka pusod ang buhok niya tapos naka flat shoes siya. Ang ganda ganda niya!
"Woi! Tinatanong kita!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Carliah. "Ah haha oo kanina pa ako. Tara sumakay ka na. Hinihintay na tayo ni Rod." Pinasakay ko siya sa Kotse ko at pinaandar ito.
Habang nasa loob kami ng kotse hindi ko mapigilin tumingin kay Carliah. Napakaganda niya. Hindi kasi siya marunong mag ayos nung nakilala ko siya. Mukha siyang problemado at stress. Hindi ko malilimutan ang araw na una kaming nagkita pero hindi niya naman ako pinansin. Pero ayos lang katabi ko naman na siya ngayon. Hehe.
"Anong tinitingin tingin mo?" Seryoso niyang tanong at tumingin ako sa dinadaanan namin. "Hindi naman ako tumitingin sayo ah." Pagpapaliwanag ko "Ah sige." Sagot niya at natawa naman ako. "Bakit? Hindi ba bagay sa akin yung suot ko?" Tanong niya habang tinitignan ang sarili.
Bagay sayo. Bagay na bagay.. Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.. Sana tanggapin mo ako.. Tanggapin mo ako sa buhay mo. Sana Carliah..
"Hindi naman ah. HAHAHAHA huwag kang mag alala mabait yun si Rod super. Kaya wag kang mahiya." Ngiti kong sabi at kinindatan siya. Bumaba na kami sa mall at pumasok sa bar na kung saan umiinom si Rod.
"Domino?" Tawag sa akin ni Carliah. "Bakit Carliah?" Sabi ko at hinawakan niya ang braso ko. "First time kong pumunta sa bar." Seryoso niyang sagot.
Hala potek. HAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
Monophobia
Roman pour Adolescents❝ This story has a deep meaning. Monophobia means fear of being left alone. ❞ &&. 🖇️ Started: 08/19/2019 🖇️ Completed: 10/28/2019