Chapter 30
WALA sa sariling nakaupo lamang mag-isa si Natasha sa isang round buffet table. Hindi alintana ang matinis na tunog ng background music, hiyawan at pagsasaya ng ibang mga bisita sa reception kasama ang new married couple.
Maybe it's time for me to settle down also, and have a family of my own. . What do you think?
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ng maramdamang nagsisimula na naman itong mag-init dahil nagpi-playback na naman sa utak niya ang mga sinabi ni Treece sa kanya kanina sa simbahan matapos ang seremonya na ikinayelo niya ng husto sa kinatatayuan kung kaya't wala itong natanggap ni isang salita mula sa kanya.
Yeah, she literally froze in front of him! At kung hindi pa siya nito niyugyog ay baka nga tuluyan na siyang natunaw.
"Nat?"
Bumalik sa tamang huwisyo ang utak niya ng tumambad sa harapan niya si Treece.
"Let's go. I want you to meet my boys," anito at inilahad ang kamay sa harapan niya.
Ilang segundo muna niyang tinitigan ang kamay nito bago inilapag ang sariling kamay sa malambot nitong palad.
"S-sige."
Dinala siya ni Treece sa isang empty looking area na may iilang couch na nakadisplay sa paligid na malapit sa bar. Medyo malayo-layo iyon sa stage-like flair ng hotel kung saan masayang nagsasayawan ang iilang mga bisita.
Tumigil sila sa isang grupo ng kalalakihan na kasalukuyang masayang nagkikwenthan at nag-iinuman .
Each one of them wearing an elegant suit just like Treece.
And fuckshit!
They were all devilishly handsome! Faces that can stop any woman in their tracks and might give you a dead-away just by looking steady at them.
Ang ga-gwapo nila subra at hindi naging hadlang ang medyo madilim na paligid para hindi siya humanga sa mukha ng mga ito.
They were God's favorites. Hinulma sa matris ng mabuti ng kanilang mga ina.
Pero syempre, lamang pa rin ng isang paligo para sa kanya ang kagwapuhang taglay ni Treece kumpara sa mga ito.
Bumaling lamang sa kinaroroonan nila ang nasabing grupo ng malakas na tumikhim si Treece.
"Treece! Siya na ba 'yon?" masiglang tanong no'ng lalaking naka-white tux na medyo kulot ang buhok. Tumayo ito at tumabi sa kanya.
Napa-wow siya ng makita ang kulay hazelnut nitong mga mata.
"Hi, I'm Ayden McCormick, but you can call me Mine if you want," nakangiti nitong sabi.
"Hoy, bumalik ka do'n sa kinauupuan mo kung ayaw mong plantsahin ko yang kulot mung buhok," madiin na utos ni Treece na ikinanguso naman nito.
"I'm sorry. I forgot that she's yours Mr. Faustus. A condolences to my heart," may halong pang-uuyam na sabi nito at kinindatan pa siya bago ito bumalik sa kinauupuan."
Condolences to my heart? What an asshole. Ang corny mo bruh!" anang katabi ni Ayden. Nagsitawanan naman ang iba pagkatapos.
BINABASA MO ANG
LPS: Wild Obssession (Completed)
RomanceWARNING: SPG/Mature-Content Teaser From the minute she tasted his lips and body, Natasha became obsessed with Treece Arcane Faustus, one of the hottest bachelors and businessmen in the corporate world kaya lahat ginagawa niya para lang mapansin ng b...