Warning: The following contents of this story are rated SPG.
Chapter 33
"I'M in position, bitches." Pagbibigay alam ni Caroline sa mga kasamahan gamit ang earpiece na suot-suot.
Kasalukuyan siyang naka-pwesto sa itaas ng isang malaking puno, malayo sa mansyon ni Senator Oscano. Sa tulong ng telescopic sight ng kanyang rifle sniper ay halos lahat ng galaw ng mga tauhang nakabantay sa loob at labas ng nasabing mansyon ay nakikita niya.
"Enemy spotted near the entrance, in the lobby, on the second and 3rd floor. Target is visible on the 4th floor and..." Tumikhim siya. "Treece that are currently lying on the floor. I'm sorry."
AFTER hearing the information relayed by Caroline, Natasha cranked her shotgun and took a deep breath.
Tinanguan niya ang isang tauhan at nakuha naman nito ang gusto niyang ipakahulugan.
Dahan-dahan itong lumapit sa gate at nagtapon ng iilang grenade sa loob.
"Grenade!!!!!" sigaw ng mga taong nasa likod ng malaking gate at kasunod no'n ay ang sunod-sunod na pag-sabog.
"Go, go, go!" utos ni Tayrah sa mga tauhan nila.
Ng magsimula ng magputukan ay sumenyas muna si Tayrah sa kanila na huwag munang pumasok na ikinatirik naman ng mga mata ni Paige.
"Go!" sa wakas ay sigaw nito makalipas ang ilang segundo.
Mabilis siyang pumasok sa loob kasabay si Dallas na may dala-dalang SMG. Sumunod naman si Paige na may 44 calibre sa magkabilang kamay. Si Tayrah na may hawak-hawak na repeating rifle at si Canopy na tanging katana lamang ang bitbit.
Mausok ang paligid at halos kalahati na sa mga tauhan nila ang nalagas.
Mabilis siyang nagtago sa likod ng fountain ng pinaputukan na sila ng mga taong nakatayo malapit sa pinto ng sala. She immediately shot them in the head after finding a good timing.
"Cover me!" aniya sa kabilang linya.
Sunod-sunod na nagpaputok sina Tayrah at Dallas. Malaki rin ang naging tulong ni Caroline kung kaya't nakapasok siya sa lobby ng mabilis.
Gumulong siya sa semento papuntang couch upang magtago ng pinagbababaril siya ng mga taong bumababa sa hagdan.
She controlled her breath and waited for the time to line up good shots at her range. When they stopped firing, she positioned herself outside the couch and fired quickly at them.
"Nice reflexes. Love it," anang boses ni Caroline. "15 enemies were spotted on the second floor. 5 at the control room, 7 in the corridor and 5 near the staircase bound for the 3rd floor," pagbibigay alam nito.
"Let me handle these assholes in the control room," anang tinig ni Dallas na hindi niya namalayang nasa likuran na pala niya at nagpatiuna ng umakyat sa hagdan.
"Sige na, Nat. Kami ng bahala dito," utos naman ni Tayrah sa kanya.
"Okay." Agad siyang sumunod kay Dallas habang niri-reload ang shotgun.
Kaylangan niyang makarating ng mabilis sa 4th floor, upang sa gayun ay makapag-tuos na sila ng matandang iyon.
KAAGAD sinipa ni Dallas ang pinto ng control room at pinagbababaril ang mga taong nagmamanipula ng mga computer doon.
But one lost sight of her and immediately gave her a strong kick in the face that she immediately blocked with her gun. Napa-atras at nabitawan niya ang armas ng umikot ito sa ere at sunod-sunod siyang pinaulanan ng sipa. Tumama ang huling front kick nito sa sikmura niya ng hindi niya namalayan kaya napaluhod siya sa semento.
BINABASA MO ANG
LPS: Wild Obssession (Completed)
RomanceWARNING: SPG/Mature-Content Teaser From the minute she tasted his lips and body, Natasha became obsessed with Treece Arcane Faustus, one of the hottest bachelors and businessmen in the corporate world kaya lahat ginagawa niya para lang mapansin ng b...