Chapter 21

14.1K 279 39
                                    

Chapter 21

HININTAY muna ni Natasha na umalis si Treece bago lumabas ng kwarto.

Bitbit ang clutch ay bumaba siya ng hagdan without creating any noise, upang hindi siya mapansin ng mga katulong.

Dali-dali siyang lumabas at nagtungo sa garahe.

Lumapit siya sa kanyang kotse at pumasok dito. Pinaandar ang makina at pinatakbo palabas.

Hindi pa man siya nakakarating sa gate ay may humarang na dalawang naka black suit sa sana'y dadaanan niya kaya naman naihinto niya ang kotse.

Umikot sa passenger seat ang isang lalaki at sumenyas na ibaba niya ang bintana ng kotse na kaagad naman niyang sinunod.

"What?" nayayamot niyang tanong.

"Hindi po kayo pwedeng lumabas ng bahay ma'am. Mahigpit po itong utos ni Sir Faustus," matatag nitong sabi na ikina ikot naman ng mga mata niya.

"Wala akong pakialam kaya pwede ba, padaanin nyo na 'ko!"

Umiling-iling ito. "Hindi po talaga pwede ma'am. Pasensiya na. Bumalik na lang po kayo sa loob."

She gritted her teeth and her jaws clenched a bit. "Inuutosan mo ba 'ko ha? At sino ka para gawin iyon? Don't you know who I am? Well, let me tell you that I can be your biggest nightmare kapag ipipilit mo yang gusto mo!" bulyaw niya."

Kay sir na lang po kayo magalit ma'am. Sumusunod lang po kami sa utos," pagkasabi ay naglakad ito sa kinatatayuan ng kasama nito at prenteng tumayo do'n.

Bumusina siya ng bumusina.

Nagbabakasakaling umalis ang mga ito sa harapan ng kotse niya, pero parang hindi man lang apektado ang mga ito sa matinis na tunog na umaalingawngaw sa buong paligid.

Naiinis na bumaba siya ng kotse at tinapon ang sariling susi sa mga ito.

"Bwesit!"

Nag martsa siya pabalik sa loob ng mansyon.

Gusto na niyang makaalis sa bahay ni Treece, kahit pa man na labag iyon sa kalooban niya pero kaylangan.

Hindi niya alam kung paano ito pakikiharapan matapos ang nangyari kagabi.

Kaya gusto muna niya ng space. As in, malaking space sa pagitan nila kaya sa ayaw man nito't sa gusto, aalis siya. Period.

Ilang oras siyang nagmatyag sa buong kapaligiran.

Naghahanap ng butas para makatakas.

Binabantayan rin niya ang mga galaw ng mga bodyguards na nasa paligid. At aaminin niyang mukhang mahihirapan siyang makawala sa mga ito.

Matapos siyang makapag-lunch ay bumalik siya agad upang tignan ang mga bodyguards.

Napangisi siya.

Wala ni isang taong nagbabantay sa paligid maliban sa isang gwardiya na nasa gate at nakaupo sa loob ng kiosk.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa pinakadulo ng pader.

LPS: Wild Obssession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon