Chapter 25

14.4K 276 20
                                    

Chapter 25

NG magising ang diwa ni Natasha ay kaagad gumapang ang kamay niya sa pwesto kung saan mahimbing na natutulog kagabi si Treece ngunit ng mapag-alaman na wala na ito doon ay bahagyang kumunot ang noo niya.

Bumangon siya at hinanap ito sa buong kwarto ngunit tanging sticky note lamang ang siyang nakita niyang nakapatong sa ibabaw ng coffee table.

Kinuha niya ito at binasa.

Halos manghina siya sa mga nakasulat dito.

You can now flee freely later. Please sent my fucking regards to my cousin. Goodbye!

Napahawak siya sa sariling dibdib. Heto na nga ba ang sinasabi niya eh!

Lumapit siya sa bintana at pinagmasdan ang malawak na balkonahe habang pinipilit na huwag umiyak.

Pinaasa na naman siya ng utak niya ngunit ang mas masakit ay mismong sa bibig na nito mismo nanggaling ang kasiguruhan kagabi na iba ang magiging estado nila ngayon pero bakit feeling niya ay walang katuturan lahat ng pangako nito?

Naitabon niya ang bibig gamit ang kamay ng lumitaw ang masasakit na mga ideya sa kanyang kukote.

What if....

Tumunog ang cellphone niya kung kaya't ang kanyang pagninilay-nilay ay nawaglit sandali.

Lumapit siya sa side table kung saan nakapatong ang kanyang cellphone at nakita niya sa screen na may nagpadala ng isang mensahe galing sa isang unknown number. Binuksan at binasa niya ito.

Or maybe you can stay for as long as you want. It's up to you.

-Treece-

Ang kanina'y hindi maipintang mukha ay biglang nagkakulay dahil sa mensaheng iyon. Naiyakap niya ang cellphone dahil sa subrang tuwa.

Saglit siyang kinabahan doon a.

Akala paman din niya ay back to square na naman ang lahat. Hindi nga lang niya pulos mahapuhap ang dahilan kung bakit bigla na lamang nag-iba ang takbo ng sitwasyon. Para bagang na engkanto lang si Treece kung kayat naging maganda bigla ang pakikitungo nito sa kanya o baka naman talaga nagsisimula na itong ma in love sa kagandahang taglay niya kaya pinapapili siya nito ngayon kung aalis ba siya o mananatili sa mansyon.

Syempre, iyong last sa choices ang pipiliin niya noh.

Hello! Malaking oportunidad na 'yon para mabantayan niya ng husto ang bawat galaw nito lalong-lalo na pagdating sa mga babaeng nakakalampungan nito. Sisiguraduhin niyang hanggat nasa pamamahay siya nito ay siya at siya lamang ang pwedeng humawak at umangkin sa mala diyos nitong katawan.

Kakalbuhin niya ang sino mang pangahas na didikit-dikit kay Treece at wala siyang pakialam sa kung ano man ang magiging resulta noon. Hinding-hindi na siya papayag na may umagaw pa ng atensyon nito maliban sa kanya.

Tumunog na naman ang cellphone niya at nakita niyang nagpadala na naman ito ng isang mensahe.

Hindi ako uuwi mamaya. I'm on an island with Seven to celebrate his bachelor's party. Hope you'll be good there.

Aba't, parang alam lang nito na hindi siya aalis a. Kunsabagay, siya iyon eh. Kahit bigyan man siya ng bilyon, lumayo lamang kay Treece ay hindi niya gagawin. Walang katumbas na salapi ang nararamdaman niya para dito.

Teka, bachelor's party sa isang island?

Biglang kumunot ang noo niya. Hindi niya gusto ang ideyang iyon. At hindi rin malabo na may dadalong mga babaeng magpapakumpleto ng kasiyahan doon.

LPS: Wild Obssession (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon